imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

white themeblack themered themetheme help
About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
latest news
best of news
syndication
commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
printable version - js reader version - view hidden posts - tags and related articles

Usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at GRP nais ibagsak ng rehimeng Arroyo

by Pesante-USA Friday, Oct. 27, 2006 at 12:58 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Lubos na kaisa ang Pesante-USA sa pahayag ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ”Ang rehimeng Arroyo ang responsable sa pagbagsak ng usapang pangkapayapaan.” Naninidigan ang Pesante-USA bilang isang grupong nagtataguyod ng karapatang-pantao at kapayapaan sa Pilipinas na dapat maging seryoso ang GRP sa pakikipagnegosasyon sa MILF at manghinayang sa mangyayari kung babalik sila sa pang-uupat ng digmaan na kumitil na ng maraming buhay sa nakaraan.

Usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at GRP nais ibagsak ng rehimeng Arroyo

Los Angeles-- Lubos na kaisa ang Pesante-USA sa pahayag ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ”Ang rehimeng Arroyo ang responsable sa pagbagsak ng usapang pangkapayapaan.”

Ito ay ay matapos mabigo noong Setyembre 7 ang ika-13 exploratory talks (mga usapan para makapaghanap ng kalutasan sa di pagkakasundo) sa pagitan ng mga kinatawan nito at ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP).

Lubhang ikinalulungkot ng Pesante-USA na muling mabalam ang negosasyong pangkapayapaan. Nang simulan ang pag-uusap sa Kuala Lumpur, Malaysia, umasa ang MILF na seryoso ang GRP na makipag-ayusan ukol sa usapin ng teritoryong iginigiit ng mamamayang Moro na kanilang lupang ninuno ( anscetral domain) at saklaw ng ”pinaunlad na awtonomya” ng Bangsamoro.

Ang usaping ito ang nagsilbing pinakamalaking balakid sa pagbubuo ng kasunduan ng MILF at GRP. Ito rin ang usaping nasa pinakaubod ng pakikibaka ng mamamayang Moro para sa sariling pagpapasya.

Ang Usapin ng Lupaing Ninuno(Ancestral Domain) at Tripoli Agreement ng 2001

Noong Mayo, nagpahayag ng panimulang pakikipagkasundo ang GRP sa konsepto, pamamahala, pagbabahaginan ng rekurso at pagtutukoy ng saklaw ng lupang ninunong siyang magiging teritoryong maipaiilalim sa Bangsamoro Juridical Entity (BJE).

Kunwang umayon din ang GRP na ipailalim sa BJE ang limang prubinsya ng ARMM, isang syudad at 613 pang barangay sa labas ng ARMM kung saan mayorya ng mga naninirahan ay mga Moro. Nangako ang rehimen na ipagkakaloob nito ang naturang mga teritoryo nang walang kundisyon, alinsunod na rin sa Agreement of Peace na pinirmahan ng MILF at pamahalaang Arroyo sa Tripoli, Libya noong 2001 na kumilala sa makasaysayan at makatarungang karapatan ng Bangsamoro sa kanilang

lupang ninuno at sariling teritoryo.

Ngunit lagpas dito, iginigiit ng MILF ang mahigit 1,000 pang barangay kung saan ang nakararami ring naninirahan ay Bangsamoro. Ayon sa MILF; kailangan ding maidugtung-dugtong ang hiwa-hiwalay na pira-pirasong lupang nakapaloob sa kasalukuyang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM). Para sa MILF, hindi maitatayo ang tunay na awtonomya kung wala itong sinasaklaw na iisang buong teritoryo. Batay dito, sinabi nitong kailangang mapalawak na ang kasalukuyang saklaw ng ARMM.

Paglalagay ng balakid sa Usapan at Pagmamatigas ng GRP

Ngunit nitong Setyembre ay tusong idineklara ng mga kinatawan ng GRP na wala silang awtoridad na makipagnegosasyon kaugnay sa mga teritoryong lampas sa sinasaklaw na ng ARMM dahil taliwas umano ito sa konstitusyon.

Ang usaping ito ay isa ring balakid na laging ibinabara ngb GRP sa kanilang pakikipag-usap sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na natigil mula pa noong isang taon. Isang lumang tugtugin sa sirang plaka ng mga negosyador ng GRP.

Kinwestyon din ng GRP kung nakararami nga ba ang Moro sa iba pang hinihinging barangay. Iginigiit din nito na kailangang idaos ang isang reperendum upang alamin kung sasang-ayong maipailalim sa awtonomus na rehiyong Bangsamoro ang mga naninirahan sa mga dagdag na teritoryo.

Bilang resolusyon at labis pang nanunuya hinimok ng rehimeng Arroyo na suportahan na lamang ng MILF ang “Cha-cha” o pagbabago sa

Ang mga hakbanging ito ng rehimeng Arroyo ay pawang pagsasara ng pinto sa anumang posibilidad na sumulong pa ang usapang pangkapayapaan.

Dahil dito, naobliga ang MILF na umatras sa usapan at maghanda para sa pagbabalik sa landas ng armadong pakikipaglaban. Hindi na nila masikmura ang pagpapaikut-ikot at panloloko ng rehimen. Maging ang mga kinatawan ng Malaysia na nagsilbing facilitator ay nagbanta ring tumiwalag sa usapan.

Anila, hangga’t hindi binibigyan ng rehimeng Arroyo ang mga kinatawan nito ng awtoridad na makipagnegosasyon, “walang silbi at walang mararating” ang usapan.

Hindi na bago sa MILF ang pagtatraydor, panghaharang at tahasang pambabastos ng reaksyunaryong rehimen sa hangarin ng mamamayang Moro. Muli lamang ipinakikita ng rehimeng Arroyo na wala itong intensyon at interes na mapayapang resolbahin ang mga usaping kinakaharap ng Bangsamoro.

Malinaw na ipinakikita ng rehimeng Arroyo sa MILF kung papaano nitong ginagamit ang usapang pangkapayapaan para sa pansariling interes kabilang ang pagkuha ng suporta ng MILF sa Cha-cha. Wika ng MILF, insulto para sa isang rebolusyonaryong organisasyon tulad nila na pumailalim sa konstitusyon ng republika at dito iasa ang pagkilala sa karapatan nila.

Handa sa Gyera ang MILF

Batid rin ng MILF na ginagamit lamang ng rehimeng Arroyo ang usapan bilang taktika sa “counter-insurgency.” Kasabay ng mga maniobra nito sa usapang pangkapayapaan, naglulunsad ito ng kampanya upang siraan at pahinain ang mga pwersa ng MILF.

Kabilang dito ang pag-aakusang isang teroristang organisasyon ang MILF, na kadikit nito ang mga bandidong grupong Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah, at na ito ang nasa likod ng mga pambobomba sa matataong lugar sa Mindanao at Luzon.

Kaagad kinasuhan ng PNP ang mga lider ng MILF sa korte para gipitin ang mga ito at kamakailan lamang nitong Oktubre 25, 2006 ay nagmaniobra sa pamamagitan ng pagmamasingan ng mga helicopter ng AFP sa mga posisyon ng MILF sa Gitnang Mindanao. ISang garapal na direktang pang-uupat ng digma laban sa MILF.

Ayon sa MILF, handa ang MILF at ang Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF), mga organisasyong masa at mamamayang Moro na muling pasiklabin ang armadong pakikipaglaban sa reaksyunaryong gubyerno ng Pilipinas bilang tugon sa panloloko at tuluy-tuloy na pandarahas nito sa kanila. Katunayan, noon pa man ay handa na ang MILF at mga pwersa at tagasuporta nito sa ganitong posibilidad.

Pahayag ng MILF: “bagamat mahalaga ang prosesong pangkapayapaan, hindi sila maaaring pumirma sa isang kasunduang nagmamaliit sa kagalingan at mga karapatan ng Bangsamoro. “

Naninidigan ang Pesante-USA bilang isang grupong nagtataguyod ng karapatang-pantao at kapayapaan sa Pilipinas na dapat maging seryoso ang GRP sa pakikipagnegosasyon sa MILF at manghinayang sa mangyayari kung babalik sila sa pang-uupat ng digmaan na kumitil na ng maraming buhay sa nakaraan.

########

Report this post as:

Local News

GUIDE TO REBEL CITY LOS ANGELES AVAILABLE A12 5:39PM

lausd whistle blower A10 11:58PM

Website Upgrade A10 3:02AM

Help KCET and UCLA identify 60s-70s Chicano images A04 1:02PM

UCLA Luskin: Casting Youth Justice in a Different Light A02 11:58AM

Change Links April 2018 A01 11:27AM

Nuclear Shutdown News March 2018 M31 6:57PM

Join The Protest Rally in Glendale on April 10, 2018! M29 7:00PM

Join The Protest Rally in Glendale on April 10, 2018! M29 6:38PM

Spring 2018 National Immigrant Solidarity Network News Alert! M19 2:02PM

Anti-Eviction Mapping Project Shows Shocking Eviction Trends in L.A. M16 5:40PM

Steve Mnuchin video at UCLA released M15 12:34AM

Actress and Philanthropist Tanna Frederick Hosts Project Save Our Surf Beach Clean Ups M06 12:10PM

After Being Told He's 'Full of Sh*t' at School Event, Mnuchin Demands UCLA Suppress Video M02 11:44AM

Resolution of the Rent Strike in Boyle Heights M01 6:28PM

What Big Brother Knows About You and What You Can Do About It M01 3:30PM

Step Up As LAPD Chief Charlie Beck Steps Down F14 2:44PM

Our House Grief Support Center Hosts 9th Annual Run For Hope, April 29 F13 12:51PM

Don’t let this LA County Probation Department overhaul proposal sit on the shelf F13 11:04AM

Echo Park Residents Sue LA Over Controversial Development F12 8:51AM

Former Signal Hill police officer pleads guilty in road-rage incident in Irvine F09 10:25PM

Calif. Police Accused of 'Collusion' With Neo-Nazis After Release of Court Documents F09 7:14PM

Center for the Study of Political Graphics exhibit on Police Abuse posters F07 9:50AM

City Agrees to Settle Lawsuit Claiming Pasadena Police Officer Had His Sister Falsely Arre F04 3:17PM

Professor's Study Highlights Health Risks of Urban Oil Drilling F04 12:42PM

Claims paid involving Pasadena Police Department 2014 to present F04 10:52AM

Pasadenans - get your license plate reader records from police F03 11:11PM

LA Times Homicide Report F03 1:57PM

More Local News...

Other/Breaking News

Xyloglossie attitudinale A23 8:07AM

Shadowgun Legends Hack and Cheats A23 7:24AM

What does the Quran Say About Islamic Dress?? A21 4:15PM

Biodiversité ou la nature privatisée A20 11:22AM

The Market is a Universal Totalitarian Religion A20 7:14AM

Book Available about Hispanics and US Civil War by National Park Service A19 5:52PM

The Shortwave Report 04/20/18 Listen Globally! A19 4:01PM

The Republican 'Prolife' Party Is the Party of War, Execution, and Bear Cub Murder A19 11:48AM

Neurogenèse involutive A18 9:21AM

Paraphysique de la dictature étatique A16 10:13AM

Book Review: "The New Bonapartists" A16 3:45AM

The West Must Take the First Steps to Russia A14 12:25PM

Théorie générale de la révolution ou hommage à feu Mikhaïl Bakounine A14 3:30AM

The Shortwave Report 04/13/18 Listen Globally! A12 3:50PM

“Lost in a Dream” Singing Competition Winner to Be Chosen on April 15 for ,000 Prize! A12 3:48PM

The World Dependent on Central Banks A12 4:43AM

Ohio Governor Race: Dennis Kucinich & Richard Cordray Run Against Mike DeWine A11 9:40PM

March 2018 Honduras Coup Again Update A10 10:52PM

Apologie du zadisme insurrectionnel A10 3:33PM

ICE contract with license plate reader company A10 1:14PM

Palimpseste sisyphéen A09 11:23PM

Black Portraiture(S) IV: The Color of Silence...Cuba No...Cambridge Yes A09 5:32AM

Prohibiting Micro-Second Betting on the Exchanges A09 4:18AM

Prosecutors treat Muslims harsher than non-Muslims for the same crimes A08 10:33PM

Amy Goodman interview on cell phone safety A08 10:29PM

Mesa, Arizona police officer kills unarmed white man A08 9:50PM

Israeli leaders should be prosecuted for war crimes A08 9:48PM

Paraphysique de l'autorité A08 12:11AM

More Breaking News...
© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy