imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

white themeblack themered themetheme help
About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
latest news
best of news
syndication
commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
printable version - js reader version - view hidden posts - tags and related articles

PATULOY ANG ATAKE NG REHIMENG-US ARROYO AT AFP SA MASA

by Philippine Peasant Support Network(Pesante) Saturday, Sep. 23, 2006 at 2:21 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Ave. Los Angeles, CA 90026

Sa kabila ng pakunwaring mga pahayag ni Gloria Arroyo, walang tigil at di-maawat ang mga pamamaslang, pagdukot, tortyur, iligal na pag-aresto at detensyon at iba pang karumal-dumal na paglabag ng mga armadong galamay ng estado sa karapatang-tao ng mamamayan. Mahigpit na kinokondena at iginigiit ng Pesante-USA na dapat nang matigil ang amahas na pamamasista at terorismo ng estado. Lalo lamang pinagagalit ni GMA ang masa at hinuhukay ang sarili nitong libingan tulad ng nangyari kina Marcos at Estrada. Umabot na sa mahigit 755 ang pinaslang at may 188 ang nawawalang aktibista na hindi matagpuan. Papalubha ang mga paglabag sa karapatang pantao na malapit nang maungusan ni Gloria-Arroyo.ang pagiging garapal na pasista ni Marcos ayon sa Pesante-USA Patuloy Ang Atake ng Rehimeng US-Arroyo at AFP sa Masa: Tumitindi, Paglabag sa Karapatang-Tao

PATULOY ANG ATAKE NG REHIMENG-US ARROYO AT AFP SA MASA

Maynila – Sa kabila ng pakunwaring mga pahayag ni Gloria Arroyo, walang tigil at di-maawat ang mga pamamaslang, pagdukot, tortyur, iligal na pag-aresto at detensyon at iba pang karumal-dumal na paglabag ng mga armadong galamay ng estado sa karapatang-tao ng mamamayan.

Mahigpit na kinokondena at iginigiit ng Pesante-USA na dapat nang matigil ang amahas na pamamasista at terorismo ng estado. Lalo lamang pinagagalit ni GMA ang masa at hinuhukay ang sarili nitong libingan tulad ng nangyari kina Marcos at Estrada.

Umabot na sa mahigit 755 ang pinaslang at may 188 ang nawawalang aktibista na hindi matagpuan. Papalubha ang mga paglabag sa karapatang pantao na malapit nang maungusan ni Gloria Arroyo ang pagiging garapal na pasista ni Marcos ayon sa Pesante-USA

Dahil ditto, mahigpit na kinokondena ng Pesante-USA ang mga paglabag sa karapatng pantao na isinasagwa ng AFP. Halos walang araw na lumilipas na walang bagong kaso ng pang-aabusong militar. Sumusunod ang pinakahuling naitalang mga kaso:

Setyembre 16. Pinagbabaril ng 11 lalaking nakabonete at naka-combat boots si Christopher Lunar, 31, lider magsasaka at municipal coordinator ng partidong Anakpawis sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur. Naglilinis siya ng kanyang bakuran sa Barangay Sta. Rita II sa Del Gallego nang paligiran ang kanyang bahay ng mga lalaking armado ng mga .45 kal pistola. Si Lunar ang ika-33 myembro ng Anakpawis na pinaslang ng mga death squad ng rehimeng Arroyo.

Noong araw ding iyon, pinaslang ng apat na armadong lalaki si Pablito Glean, chief security officer ng oposisyunistang meyor na si Jejomar Binay ng Makati City. Pinagbabaril si Glean habang nagkakape kasama ng kanyang mga kaibigan sa isang tindahan sa Taguig City.

Napatay din ang isang security guard at nasugatan ang tatlong kaibigan ni Glean sa pamamaril. Kabubunyag lang ni Glean noong Agosto sa "Operation Phoenix," isang pakana ng Malakanyang para targetin na rin ng pampulitikang pamamaslang ang mga oposisyunistang anti-Arroyo.

Setyembre 15. Tatlong myembro ng partidong Anakpawis ang dinampot sa kani-kanilang mga bahay sa Sityo Sabitan, Barangay Santo Rosario, Malolos City. Ibinimbin at ininteroga sila nang 20 oras tungkol sa presensya umano ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa kanilang barangay. Ang iligal na pag-aresto kina Francisco Nicodemus, Emmanuel Maceda at Sonny Rodante Cabague ang unang naitalang paglabag sa karapatang-tao sa ilalim ng panunungkulan ni Maj. Gen. Juanito Gomez, ang pumalit kay Maj. Gen. Jovito Palparan na nagretiro bilang hepe ng 7th ID nitong Setyembre 11.

Sa San Marcelino, Zambales ang tatlong minoryang agsasakang sina Nelson Mallari, Nardo Serrano at Andres Dacanay—pawang mga lider ng Central Luzon Aeta Association ang inaresto ng military. . Dinampot sila nang mapadaan sa tsekpoynt at walang maipakitang sedula. Ibinimbin sila ng pulisya sa Castillejos, Zambales at pinakawalan lamang nang magreklamo ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Setyembre 13. Malubhang nasugatan si Joseph Domingo sa Sityo Mathay, Barangay Tuyo, Balanga City, Bataan bandang alas-7 ng umaga matapos siya akusahang kasapi ng BHB at pagbabarilin ni PO2 Leonardo Boy Tan, isang elemento ng PNP Special Action Force.

Noong araw ding iyon, iligal na dinakip ng mga elemento ng RPA-ABB sa Sityo Bato-Bato, Barangay Tabun-ac, Toboso, Negros Occidental ang sampung myembro ng Teatro Obrero, grupong pangkultura ng National Federation of Sugar Workers. Maghapong hinawakan at pinagpasa-pasahan ng RPA-ABB, Philippine Army at pulisya ng Toboso ang sampung aktibistang pangkultura bago pinakawalan. Inakusahan silang mga bagong rekrut ng BHB. Nagpunta sila sa Toboso para mag-ensayo para sa isang street play na ipalalabas nila sa anibersaryo ng Escalante Massacre sa Setyembre 21.

Setyembre 12. Pinagbabaril ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa Calamba, Laguna bandang alas-12:30 ng hapon si Nemesio Aquino, presidente ng JAM Liner Employees Union-National Federation of Labor Unions.

Kalalabas lamang niya sa regional office ng Department of Labor and Employment kung saan siya dumalo sa bista ng kaso ng kanilang unyon nang siya’y paulanan ng bala. Namatay ang biktima mahigit isang oras matapos siya dalhin sa ospital dahil sa dalawang tama ng baril sa kanyang likod.

Samantala, sa Mauban, Quezon, dinukot ng mga pinaghihinalaang elemento ng militar si Marco Ferdinand, Bayan Muna coordinator sa bayang iyon. Si Ferdinand ay pinagbibintangan ng militar na myembro ng BHB.

Setyembre 11. Sinalbeyds ng mga tropa ng 19th IB ang hors de combat na si Bibiano Rentillosa, kalihim ng Northern Leyte Front. Naliligo si Rentillosa nang masukol siya ng mga sundalo sa Barangay Libertad, Kananga, Leyte. Dahil hindi siya armado ay hindi nanlaban si Rentillosa. Ayon sa mga nakasaksing tagabaryo, nakita nilang buhay at walang sugat na dinakip si Rentillosa.

Subalit di nagtagal ay ibinalita ng militar na namatay siya umano sa isang engkwentro kasama ng tatlo pang Pulang mandirigma. Pinabulaanan ng National Democratic Front sa rehiyon na nagkaroon ng engkwentro. Wala rin anitong ibang namatay na mga gerilya at wala ring nakuhang armas o dokumento kay Rentillosa.

Setyembre 10. Dinukot ng mga elemento ng 74th IB sa Barangay Buenavista, San Narciso, Quezon sina Midwen Hiwatig, 26 at Jovito Marco, 23 bandang ala-una ng madaling araw. Dinala ang dalawang magsasaka sa Camp Nakar sa Lucena City pero nang hanapin doon ni Flordeliza Hiwatig, ina ni Midwen ay sinabi ng militar na wala sa kanila ang mga ito.

Setyembre 7. Natagpuan ang bangkay ni Napoleon Bautista sa Calumpit, Bulacan pitong araw matapos siya dukutin ng mga sundalo sa kanilang bahay sa Barangay San Roque, Hagonoy, Bulacan kasama ng kanyang asawang si Ofelia. Parehong kasapi ng Anakpawis-Hagonoy ang mag-asawa. Pinakawalan noong Agosto 31 ang bugbog-saradong si Ofelia. Si Napoleon naman ay halos hindi na makilala nang matagpuan ang kanyang bangkay dahil basag ang kanyang mukha. Tinapyas din ang isa niyang tainga at marami siyang saksak sa buong katawan.

Samantala, pinaslang sa Barangay Cantubod, Danao, Bohol ng dalawang lalaking nakamotorsiklo si Victor Olayvar, 41, provincial coordinator ng Bayan Muna (BM) at upisyal ng Hugpong sa mga Mag-uumang Bol-anon (HUMABOL). Si Olayvar ay isa sa apat na lider ng HUMABOL na target ng asasinasyon ng 302nd IBde. Ang tatlo pa ay sina Felipeneri Bejasa, vice chairman ng HUMABOL; William "Boy" Banting, chairman ng HUMABOL; at Thomasa Santos, tagapangulo ng HUMABOL sa Alicia, Bohol.

Noong araw ding iyon, pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga nakamotorsiklong lalaki sina Konsehal Roberto Victoria at asawa niyang si Shirley bandang alas-5:30 ng umaga sa Pulilan, Bulacan. Aktibong sumusuporta ang mag-asawa sa laban ng mga magsasaka sa Hacienda Meñez sa bayang iyon.

Samantala, sa Barangay San Jose, Hagonoy, Bulacan ay dinukot ng mga armadong lalaki sina Roderick John Cruz at Marvin Verano at pwersahang isinakay sa isang owner-type na dyip.

Setyembre 4. Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng pitong armadong lalaki si Ranbert "Alvin" Placencia, municipal coordinator ng partidong Anakpawis sa Mawab, Compostela Valley, tserman ng Nuevo Iloco Farmers Association at council member ng Nagkahiusang Mag-uuma sa Mawab. Si Placencia, na ninakawan din ng kanyang bag at cellphone, ay pinaslang matapos sitahin ng mga salarin ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Purok 8, Sta. Monica, Nuevo Iloco, Mawab. Siya ang ika-77 biktima ng pampulitikang pamamaslang sa Southern Mindanao.

Report this post as:

Local News

Change Links September 2018 posted S02 10:22PM

More Scandals Rock Southern California Nuke Plant San Onofre A30 11:09PM

Site Outage Friday A30 3:49PM

Change Links August 2018 A14 1:56AM

Setback for Developer of SC Farm Land A12 11:09PM

More problems at Shutdown San Onofre Nuke J29 10:40PM

Change Links 2018 July posted J09 8:27PM

More Pix: "Families Belong Together," Pasadena J02 7:16PM

"Families Belong Together" March, Pasadena J02 7:08PM

Short Report on the Families Belong Together Protest in Los Angeles J30 11:26PM

Summer 2018 National Immigrant Solidarity Network News Alert! J11 6:58AM

Watch the Debate: Excluded Candidates for Governor of California M31 5:20AM

Change Links June 2018 posted M28 7:41AM

The Montrose Peace Vigil at 12 Years M22 8:01PM

Unity Archive Project M21 9:42AM

Dianne Feinstein's Promotion of War, Secret Animal Abuse, Military Profiteering, Censorshi M17 10:22PM

CA Senate Bill 1303 would require an independent coroner rather than being part of police M10 9:08PM

Three years after OC snitch scandal, no charges filed against sheriffs deputies M10 8:57PM

California police agencies violate Brown Act (open meetings) M02 8:31PM

Insane Company Wants To Send Nuke Plant Waste To New Mexico A29 11:47PM

Change Links May 2018 A27 8:40AM

Worker-Owned Car Wash on Vermont Closed A27 5:37AM

GUIDE TO REBEL CITY LOS ANGELES AVAILABLE A13 12:39AM

lausd whistle blower A11 6:58AM

Website Upgrade A10 10:02AM

Help KCET and UCLA identify 60s-70s Chicano images A04 8:02PM

UCLA Luskin: Casting Youth Justice in a Different Light A02 6:58PM

Change Links April 2018 A01 6:27PM

More Local News...

Other/Breaking News

Paraphysique de psychosomatique S22 6:58AM

Chuck Grassley: Women Abusing, Animal Murdering, Illegal War Supporting Criminal S22 2:58AM

Finance Capitalism and the Digital Economy S21 4:45PM

Muselières syndicales, muselières patronales S21 7:19AM

Jeff Bezos, Amazon, The Washington Post, Whole Foods, Etc S21 2:50AM

Why Choose Nut Milk Over Cows' Milk S21 1:01AM

Antrhopocène, le grand effondrement S19 9:53AM

Abolir l'économie S18 11:18AM

The Dictatorship of Corporations S17 5:26PM

18 Lethal Consequences Of Hunting S17 3:13PM

Paraphysique de l'outplacement déontologue S15 6:51AM

Shopping du bashing S14 8:42AM

After Lehman Brothers, Experts Say Global Financial Crisis Can Happen Again S13 8:28PM

“Animaniacs in Concert!” Starring Voice Legend Rob Paulsen S12 9:30PM

Probabilités de fin d'humanité S12 6:49AM

Florida Area of Migrant Farmworkers Denied Right to Construct Health Clinic near NaplesCIW S11 2:57AM

Steer clear of work morality! S09 12:10PM

The Shortwave Report 09/07/18 Listen Globally! S06 11:23PM

August 2018 Honduras Coup update S06 12:28PM

Brett Kavanaugh Filled The 5th Circuit With Execution Judges S06 6:14AM

Augusta Georgia Woman Gets 5 Year Prison Sentence for Writing About Russians Crime Acts S05 8:29AM

Paraphysique de contextualité S05 8:29AM

Crisis Regulation in Global Capitalism S03 3:39PM

Ex-voto de réification S03 10:24AM

Please Oppose Warmonger, Execution and Torture Supporting Bush Operative Brett Kavanaugh A31 10:45PM

Paraphysique d'exploitation occultation A31 10:24PM

Ryan Zinke Is Charging Taxpayers For A Trophy Hunters' Council A31 2:10PM

Is the Financial Crash 2.0 Coming? A31 10:07AM

More Breaking News...
© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy