We had a server outage, and we're rebuilding the site. Some of the site features won't work. Thank you for your patience.
imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

white themeblack themered themetheme help
About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
latest news
best of news
syndication
commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
printable version - js reader version - view hidden posts - tags and related articles

MILITARISAYON SA MINDANAO, LUMULUBHA

by Pesante-USA Monday, Apr. 09, 2012 at 12:56 AM
magsasakapil@hotmail.com 2132410995 2730 W. Temple St.

Iniulat ngayon ng Pesante-USA, na ayon sa mga koresponsal nito, nagapapautloy ang brutal at todo-todong digma ang inilulunsad ngayon ng rehimeng US-Aquino laban sa mamamayan ng Mindanao. Ito ay alinsunod sa kontra-mamamayan at anti-nasyunal na programa nito na bigyang-laya ang pandarambong ng mga dayuhang kumpanya sa pagmimina, pagtotroso at komersyal na plantasyon sa likas na yaman ng isla. Ayon din sa mga nakalap na balita ng Pesante-USA na nakabase sa Los Angeles, mula Enero 2012, walang patumanggang pambobomba at pang-iistraping at iba pang paglabag sa karapatang-tao ang isinagawa na ng mga armadong galamay nito sa mga sibilyang komunidad.

ALLIANCE NEWS

April 07, 2012

MILITARISAYON SA MINDANAO, LUMULUBHA

Los Angeles—Iniulat ngayon ng Pesante-USA, na ayon sa mga koresponsal nito, nagapapautloy ang brutal at todo-todong digma ang inilulunsad ngayon ng rehimeng US-Aquino laban sa mamamayan ng Mindanao. Ito ay alinsunod sa kontra-mamamayan at anti-nasyunal na programa nito na bigyang-laya ang pandarambong ng mga dayuhang kumpanya sa pagmimina, pagtotroso at komersyal na plantasyon sa likas na yaman ng isla.

Ayon din sa mga nakalap na balita ng Pesante-USA na nakabase sa Los Angeles, mula Enero 2012, walang patumanggang pambobomba at pang-iistraping at iba pang paglabag sa karapatang-tao ang isinagawa na ng mga armadong galamay nito sa mga sibilyang komunidad.

Konsentrado ang sustenidong pang-aatakeng ito sa mga lugar ng operasyon ng mga multinasyunal na minahan at kumpanyang agribisnes tulad ng hangganan ng mga lalawigan ng South Cotabato, Sultan Kudarat, Davao del Sur at Sarangani kung nasaan ang SMI-Xstrata; sa hangganan ng Surigao del Sur, Surigao del Norte at Agusan del Norte kung nasaan ang malalaking minahan ng nickel tulad ng Tag-anito at Nickel Asia.

Samantala, sa malawak na kapatagan ng North at South Cotabato kung nasaan ang plantasyon ng Dole-Stanfilco; sa Davao Oriental at Compostela Valley kung nasaan ang dambuhalang Russell Mining; sa Zamboanga peninsula kung nasaan ang Toronto Ventures Inc.; at sa Bukidnon kung saan naroon ang malalawak na plantasyon ng Del Monte, Dole at Sumifru at ang First Gen hydroelectric power plant.

Karahasang Militar, Nagiibayo

Mariing kinundena ng mga katutubo, mga progresibong grupo at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao ang brutal at malawakang pambobomba sa mga sibilyang komunidad ng mga katutubo sa Mindanao. Naririto ang tala ng mga karahasang militar:

--Noong Marso 30, nagmartsa sa Butuan City ang mga katutubong napilitang lumikas sa kani-kanilang mga komunidad. Binatikos nila ang walang patumanggang pambobomba at iginigiit ang kagyat na paglikas ng mga tropa ng AFP sa kanilang mga komunidad.

Ang mga operasyong militar ng AFP ay pinalawak at pinasaklaw gamit ang Special CAFGU Active Auxiliary Units (SCAA) na binuo at pinalaki sa bisa ng utos ng rehimeng Aquino noong Oktubre 2011. Ang pagbubuo ng mga SCAA ay alinsunod sa patakaran ng rehimen na bigyang-laya at protektahan ang malalaking dayuhang kumpanya sa pagmimina.

--Sa kabuuan, umabot na sa 3,000 katao ang napilitang magbakwit sa panahon pa naman ng tagtanim at tag-ani. Tatlong hiwalay na insidente ng sapilitang ebakwasyon at iba pang paglabag sa karapatang-tao sa Bukidnon, Surigao del Norte, Agusan del Norte at Compostela Valley ang naitala ng mga organisasyong nagtatanggol sa karapatang-tao nitong Pebrero-Marso. Umaabot na sa 250 pamilya ang napilitang lumikas sa kanilang komunidad mula sa Kitcharao, Cabadbaran at maburol na bahagi ng Butuan, Agusan del Norte, Claver, Surigao del Norte at Barobo, Surigao del Sur.

--Mahigit 120 pamilya ang nagbakwit mula sa Magpet, North Cotabato, mahigit 50 mula sa Kibawe at 19 na pamilya mula sa San Fernando, pareho sa Bukidnon at ilan pa mula sa Barangay Tibagon, Pantukan, Compostela Valley at Barangay Balabag, Bayog, Zamboanga del Sur.

--Kabilang sa mga nagbakwit ang buong pamilya ng pinaslang na lider-katutubo na si Jimmy Liguyon, kasama ang iba pang myembro ng kanilang angkan at komunidad sa gitna ng tuluy-tuloy na pagbabanta ni Aldy Salusad, lider ng New Indigenous People’s Army Reform (NIPAR), isang grupong paramilitar na pinatatakbo ng 8th IB. Pinaslang ng NIPAR si Liguyon noong Pebrero sa kanyang bahay sa Dao, San Fernando.

--Si Salusad ay myembro rin ng San Fernando Matigsalug Tribal Datus (Sanmatrida), isang grupong sinuhulan ng malalaking dayuhang kumpanya ng pagmimina para puksain ang lokal na pagtutol laban sa mga operasyon nito sa lugar. Nakatigil ngayon ang mga taga-Dao sa Malaybalay, kabisera ng Bukidnon.

**********

Report this post as:

© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy