|
printable version
- js reader version
- view hidden posts
- tags and related articles
View article without comments
by Pesante-USA
Thursday, Nov. 26, 2009 at 4:22 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026
Kung gaano kabilis ideneklara ni GMA ang “ national state of emergency" at iutos na ipaaresto ang demokratiko oposisyon tulad ni Crispin Beltran at mga rebeldeng militar, gaanong kabagal naman ang kanyang reaksyon sa mga gumawa ng karumaldumal na masaker sa Maguindanao.
Ito ang pahayag ng Pesante-USA ayon sa tagapagsalita nitong si Melvin Barcenas ng Los Angeles sa mariin nitong pagkondena sa karumaldumal na krimeng pumuti ng buhay ng may aabot sa 57 katao noong Nobyembre 22.
Ayon sa mga balita umabot na sa 57 ang nahukay na bangkay kabilang ang 21 babae, 21 sa napabalitang 34 na mamamahayag at maging mga walang malay na sibilyan na napadaan lamang. Ito rin ang pikamaraming myembro ng media na namatay sa loob ng isang araw sa kaysaysan ng mundo.
img_3535.jpg, image/jpeg, 3888x2592
Masaker sa Maguindanao, Kinondena ng Pesante-USA
PESANTE-USA Contact; Melvin Barcenas Phone; (213) 241-0906 Los Angeles November 25, 2009
MASAKER NG 57 TAO SA MAGUINDANAO, PATUNAY NG BUHAY ANG WARLORDISMO AT MGA PRIVATE ARMIES SA PILIPINAS—PESANTE-USA
Los Angeles— Kung gaano kabilis ideneklara ni GMA ang “ national state of emergency" at iutos na ipaaresto ang demokratiko oposisyon tulad ni Crispin Beltran at mga rebeldeng militar, gaanong kabagal naman ang kanyang reaksyon sa mga gumawa ng karumaldumal na masaker sa Maguindanao.
Ito ang pahayag ng Pesante-USA ayon sa tagapagsalita nitong si Melvin Barcenas ng Los Angeles sa mariin nitong pagkondena sa karumaldumal na krimeng pumuti ng buhay ng may aabot sa 57 katao noong Nobyembre 22.
Ayon sa mga balita umabot na sa 57 ang nahukay na bangkay kabilang ang 21 babae, 21 sa napabalitang 34 na mamamahayag at maging mga walang malay na sibilyan na napadaan lamang. Ito rin ang pikamaraming myembro ng media na namatay sa loob ng isang araw sa kaysaysan ng mundo.
Walang salitang makakapaglarawan ng ating pighati at galit sa nakakasusulasok na krimeng ito laban sa sangkatauhan. Paano ngayon ipaaaresto ni GMA ang kanyang mga tauhan na dahilan ng kanyang maruming panalo bilang pangulo sa pandararaya sa MAguindanao noong 2004 at sa eleksyong 2007.
Maaalalang natalo niya sa dayaan si Fernando Poe Jr, kalaban sa pultitika kahit pa popular ito noong 2004 at naipanalo ng "12-0" ang kanyang mga senador sa lugar na ito na pinamumuguran ng kanyang mga alipures na warlords!
Madugong Rekord sa Paglaban sa Karapatang Pantao ng US-Arroyo.
Pinapatunayan lamang ng karumaldumal na krimen na ito ang palasak na katotohanang buhay ang warlordismo at mga private armies sa Pilipinas lalo na sa Mindanao. Umiiral ang batas ng baril sa bayan natin!
Pinatunayan lamang ng masaker na ang AFP at PNP ang pinakamalaking private army sa Pilipinas dahil sa ito ay bulag na sumusunod sa Pangulong GMA at mga alipures nito. Paano ngayon iuutos ni GMA na arestuhin ang kanyang mga masugid na alagad na sina Ampatuan sa Maguindanao?
Kung gaano ito katapang sa salita, kulang naman it o sa gawa. Palibhasa mahilig sa magarbong talumpati, panay hangin naman ito pagdating sa aksyon!
Madugo ang record ni GMA dahil sa aabot na sa higit 1, 100 ang napatay na aktibista at may 200 ang nawawala kabilang ang mga kinatawan ng NDF sa usapang pangkapayapaan sa ilalim ng rehimeng ito mula pa noong 2001. Patunay na umiiral ang walang habas na paglabag ng tao sa ilalim ng rehimeng US-Arroyo!
Marami pang masaker
Alam na alam ng Philippine Peasant Support Network (Pesante-USA) na ang masaker sa Maguindanao, bagamat isa sa mga pinakamadugong masaker ay matatala sa mga maraming masaker tulad ng naganap sa Dumalneg, Paco Valley at Lupao noong 1987, sa Mendiola noong 1987 at iba pang lugar sa Pilipinas sa madugong kasaysayan nito.
Nauna dito malimit din ang mga masaker sa Mindanao noong panahon ng diktador Marcos at sa ilalim ng mga sumunod na papet na rehimen matapos ito.
Hanggang naghahari ang malakolonyal at malayudal na sistema magpapatuloy ang mga madugong masaker at patuloy na maaapi ang mga mamamayang Pilipino. Ang Imperyalismong US at ang mga papet na rehimen nito sa Pilipinas ang puno’t dulo ng mga masaker na ito.
Lalo lamang dapat magsumikap ang masang Pilipino na lumaban at hanapin ang katarungan sa harap ng ibayong pangaapi ng sistemang mapaniil at mapagsamantala sa Pilipinas!
*********
Report this post as:
by Pesante-USA
Thursday, Nov. 26, 2009 at 4:22 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026
5-11-09kalayaan_forum_038.jpgx7yho7.jpg, image/jpeg, 2816x2112