CDIR Update No. 50
Mayo 9, 2008
Kalagayan ng Paggawa sa Amerika, Lumulubha
Los Angeles- Habang maraming kilos protesta ang naganap sa buong Estados Unidos sa Araw ng Pagawa, Mayo 1,2008, mahalagang suriin ang kalagayan ng paggawa sa Amerika.
Kaugnay ito ng nagaganp sa krisis sa kabuhayan at pagdarahop dulot ng natural na krisis ng kapitalismo, sa harap ng lumulubhang gyera sa Iraq at resesyon sa Amerika.
Nagpag-alaman ng CDIR-USA ma ayon sa mga estastika ng Paggawa sa Estados Unidos, ang lakas paggawa sa US ay may 131 milyong manggagawa. Ngunit 14% ng manggagawa sa US ay nasa unyon.
May 10 milyong manggagawa ang nasaktan noong 2005 habang nagtratrabaho. Bawat araw. May 9,000 manggagawa ang nasasaktan sa trabaho. Bawat araw. 16 na manggagawa ang mamatay habang nagtratrabaho.
Bawat araw, may 137 manggagawa ang namamatay sa sakit dahil sa trabaho. Noong 2001, 5.2 milyong manggagawa ang nasaktan, 5,900 ang namatay dahil sa malubhang pinsala at mula 50,000-60,000 ang namamatay sa sakit dahil sa pagtratrabaho.
Ang mga manggagawang Latino ay madalas na may pinakamaraming pinsala dahil sa mga peligrosong trabaho sa lahat ng grupong etniko. Dahil ditto, malinaw na makikita sa mga datos na ang malubhang pinsala sa trabaho sa kababaihan, kabataan at Hispaniko o manggagawang Latino ay patuloy na tumataas at ito ay nakababahala.
Sinaad din ng mga datos na noong 2006, mahigit 4. 1 Milyong manggagawa ang nasaktan sa Estados Unidos . Noong 2006, 5,703 manggagawa ang namatay sa mga panganib ng trabaho
Datos sa California
Sinasaad din ng estatistika nay 50.000 manggagawa ang namatay noong 2006 dahil sa mga nakakalasong kemikal. Ayon din sa Taun-taon, Sa California. 23,000 ang napapapag-alamang nagsakit dahil sa kemikal buhat sa pinatratrabahuan.
Bawat taon. 6,500 mangagagawa sa California ang namamatay kaugnay ng sakit buhat sa pinagtatrabahuan. Mahigit sa isang dosenang manggagawa sa pier ng namamatay sa West Coast sa nakaraang anim na taon.
Ang California ay may pinakamataas na insidente ng kamatayan sa trabaho pangalawa sa Texas. May 87 buhay ang nawala sa California dahil sa pagbagsak sa trabaho.
Sa California din , mahigit na 448 manggagawa ang namatay sa trabaho noong 2006Ang pagkalantad sa nakakalasong bagay habang nagtratrabaho ang nadulot ng 45 kamatayan sa California. May 8401 namatay sa lugar ng trabaho sa California mula 1992-2006.
May 465 namatay na manggagawa sa California noong 2995, 203 sa kanila ay taga-ibang bansa. 37 mangagawa sa konstruksyon sa California ang namatay noong 2006
May 25 manggagawa sa ground maintainance sa California ang namatay noong 2006. Noong 2006, may 17 tagapagpatupad ng batas ang namatay habang tumutupad ng tungkulin. Noong 2006, may 7 bumbero ang namatay sa California. ]May anim na security guards ang namatay sa California noong 2006
Noong 2006, may 30 manggagawa sa serbisyong pangproteskyon ang namatay sa California ]Noong 2006. May 15 manggagawa sa pagkumpuni, instilasyon at pagmementena ang namatay sa California. Sa California, may 61 bayolenteng pagkamatay sa pook trabahuan ang naganap noong 2006.
Sa suma, 5,703 malubhang pagkakasugat sa trabaho sa U.S noong 2006 May 72 kamatayan sa trabaho dulot ng mga bagay at kagamitan noong 2006. May 167 kamatayan sa trabaho sa transportasyon noong 2006.
Para sa mahahalagang impormasyon tumawag sa cdir- usa (213)241-0906 o magemail sa
cdir_usa@yahoo.com