fix articles 19413, pang Los Angeles Indymedia : tag : pang

pang

politikang sekswual sa pilipinas (tags)

Sexual politics in the Philippines now is on trial with the intervention of Eve Ensler's white supremacist-bourgeois "feminism" in the ONE BILLION RISING front via GABRIELA. This reveals US imperial maneuvers far beyond the alibi of "Vagina Monologues" and vitiates Gabriela's claim to vanguardism.

KAMPANYA SA ELEKSYONG PRESIDENSYAL 2010 LALONG PANG UMIINIT (tags)

Lalo pang umiinit ang labanan sa pagkapangulo ng Pilpinas. Ito ay ayon sa mga mampulitikang observers ng PESANTE sa Maynila at sa Los Angeles. Nabigo ang grupong nais diumano i-“censure” o punahin si NP candidate Manny Villar sa senado na ipasa ang censure resolution nang hindi ito makakuha ng quorum sa nakaraang sesyon ng senado. Mukhang nagboykot ang minorya kaya walang quorum sa huling sesyon ng senado.

Mga warlord, inaruga ng mga rehimeng tuta ng Imperyalismong US (tags)

Matagal nang kilala ang angkang Ampatuan sa pagiging mababagsik na warlord. Subalit pinasahol pa ito ng naghaharing rehimeng Arroyo. Bago maganap ang madugong masaker sa Maguindanao, mahigpit na nakapailalim sa kapangyarihang pyudal-militar ng warlord na angkang Ampatuan ang prubinsyang ito at ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Mula pa noong dekada 1930, sa panahon ng tuwirang kolonyalismo ng US ay naghahari na sa mga bahaging iyon ng Mindanao ang angkan. Mahigpit silang nakikipagtulungan sa mga pwersang militar, paramilitar at pulisya ng sunud-sunod na papet na reaksyunaryong rehimen. Pinakabase ng pampulitikang kapangyarihan nila ang sangkatlo ng mga munisipalidad sa prubinsya ng Maguindanao.

Ang Balikatan ay Instrumento ng Pandaigdigang Terorismo ng US sa Pilipinas (tags)

Nandito na sa Lalawigan ng Sorsogon ang BALIKATAN, isang magkasanib na ehersisyong militar ng armadong pwersa ng US at ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA) at Mutual Logistics Support Agreement (MLSA). Layunin diumano ng BALIKATAN na sanayin at paunlarin ang kakayahan ng AFP sa pagsugpo sa terorismo.

KASAYSAYAN NG PANG-AAGAW NG LUPA SA MGA NINUNO NG MGA MAMAMAYANG MORO (tags)

Ang artikulong ito ay inillathala ng Pesante-USA upang itaguyod ang karapatan sa sariling pagpapasya ng mga mamamayang Moro sa Mindanao. Ito ay nalathala sa internet noong Set.7, 2008. Sa amin ang sariling salin at editing)

WALANG AWAT NA KILOS PROTESTA SA PILIPINAS (tags)

Sunud-sunod na kilos-protesta ang inilunsad nitong nagdaang mga araw, laluna ng mga kabataan, laban sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at sa pagtanggi ng rehimeng Arroyo na alisin ang ipinapataw nitong buwis sa mga ito. Papalaki at papadalas na mga kilos-protesta ng mga kabataan. Umabot sa mahigit 5,000 estudyante at kabataang di nakapag-aaral ang nagmartsa patungong Mendiola nitong Hulyo 18. Sa panawagang “Kabataan at Bayan, Mag-aklas,” nag-walkout ang libu-libong estudyante mula sa kani-kanilang eskwelahan. Iginiit nila ang pagbabasura sa value added tax (VAT) sa langis, ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law at ang pagsasabatas sa P125 across-the-board na umento sa sahod.

OPERASYONG MILITAR SA MINDANAO, LUMALALA (tags)

iulat ng Pesante-USA ang napabalitang malawakang operasyong militar sa Sulu at Davao, malawakang pagpapalikas pambubugbog at iligal na pang-aaresto ang tampok sa mga paglabag sa karapatang-tao noong buwan ng Abril.

Malawakang Operasyong Militar sa Mindanao, Abusong Militar Iniulat (tags)

Iniulat ng Pesante-USA ang napabalitang malawakang operasyong militar sa Sulu at Davao, malawakang pagpapalikas pambubugbog at iligal na pang-aaresto ang tampok sa mga paglabag sa karapatang-tao noong huling linggo ng Abril.

Ibayong lumalawak at lumalakas ang NDF (tags)

Lipos ang kagalakan ng mga rebolusyonaryong magsasaka, manggagawa, kabataan, kababaihan, maralitang komunidad, propesyunal, taong simbahan at mga kadre at kasapi ng Bagong Hukbong Bayan at Partido Komunista ng Pilipinas sa anibersaryo ngayon ng pagkakatatag ng National Democratic Front of the Philippines. Umabot na sa 34 taon ang malawak na nagkakaisang prente ng mamamayang lumalaban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Ang pagdiriwang na ito ay sa gitna ng sinungaling na pagmamalaki ng reaksyunaryong rehimeng Arroyo na tagumpay nitong napapahina o nadudurog ang rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng kontra-mamamayang Oplan Bantay Laya. Sa kabila ng sustenidong pagtutugis, panunupil at mala-ararong pag-ooperasyon at pagbabakod ng AFP, higit pang tumatag at humusay ang kalagayan ng buong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon.

ILITAW SI KASAMANG LEO VELASCO--FQSN (tags)

Mahigit nang anim na buwan mula nang garapalang dukutin ng mga operatibang militar ng rehimeng Arroyo si Kasamang Leo Velasco sa Cagayan de Oro City. Sa harap ng maraming tao, sapilitan siyang isinakay ng mga militar sa kanilang van, kasabay ang pagpapakilala sa sarili bilang mga pwersang panseguridad at pagbabanta sa mga tao sa paligid na "huwag makialam." Aktibista ng FQS si Ka. Leo Bilang mga aktibista ng First Quarter Storm Network sa Amerika, nagpapahayag kami ng marubdob na hangarin at panawagang Ilitaw si Ka. Leo Velasco, aktibista ng UP College of Medicine na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (NPA) noong 1971. Dinakip siya at magpahanggang ngayon ay ayaw ilitaw ng militar. Napakarami nang beterano ng FQS ang patuloy pa ring nakikibka sa iba'tibang antas at nagpapatuloy sa pagsusulong ng demokratikong kilusan apra palayain ang bayang Pilipinas sa pangaaapi ng Imperyalistang dayuhan at kamtin ang pambansang demokrasya.

PAMAMASISTA NG REHIMENG-US ARROYO, LUMALALA (tags)

Patuloy na lumalala ang ang panggigipit at panunupil ng pasistang rehimeng Arroyo sa mamamayang Pilipino. Ayon sa ulat ng AJLPP mula sa iba’t-ibang panig ng Piipinas, Pinakatampok nitong Agosto ang pagmamanman at harasment sa tatlong upisyal ng Gabriela Network USA. Bagamat nakauwi na sa Amerika ang tatlong myembre ng Gabriela Network-USA, binatikos ni Kinatawan Liza Maza ang pangigipit ng estado sa isang talumpati sa mababang kapulungan ng Kongreso. Samantala, tatlong myembro rin ng Anakpawis ang dinukot sa Zamboanga del Sur habang pinag-iibayo ang panggigipit sa mamamayang Moro. Umabot na rin sa may 25,000 mamamayang Bangsa Moro sa isla ng Basilan at Sulu ang naging biktima ng pagpapalikas ng military dahil sa pinag-ibayong operasyong military ng AFP sa dalawang lugar. Mahigit na 100 sundalo na ng AFP at ng Abu Sayaff ang napatay sa sunud-sunod na labanan.

IBASURA ANG CARP! ISULONG ANG PAKIKIBAKANG AGRARYO! (tags)

Nanawagan ngayon ang rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas na patuloy na isulong ang rebolusyong agraryo at lalo pang magsumigasig na ibasura ang pekeng land reform ng gobyernong-Arroyo. Sa loob ng halos dalawang dekada nang pagsasakatuparan ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), malinaw sa masang magsasaka na isa lamang itong huwad na programa sa reporma sa lupa. Malaking panloloko ang deklaradong layunin at mga sinasabing tagumpay nito. Nananatili hanggang ngayon ang malawakang problema ng kawalan ng lupa ng nakararaming magsasaka.

IPAGTANGGOL ANG MGA KARAPATANG PANTAO AT MANINDIGAN PARA SA KAPAYAPAAN (tags)

Matinding kinokondena ng Alliance-Philippines (AJLPP) ang mabangis na todo-gyera ng rehimeng US-Arroyo laban sa mga mamayang Pilipino sa halos lahat ng dako ng Pilipinas. Ayon sa mga tala mula sa Pilipinas na sinusubaybayan ng AJLPP, lubos na nakababahala para sa alyansang ito na nakabase sa Estados Unidos at sa mga organisasyong pangkarapatang pantao, simbahan at iba pang grupong internasyunalista sa Amerika, ang lalo pang bumabangis na pagsalakay ng rehimeng US-Arroyo sa masang Pilipino sa pagpasok ng 2007. Muli, nanawagan ang AJLPP sa komunidad Pilipino Amerikano sa Estados Unidos at iba pang nasyunalidad na tumulong sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa kapayapaan at pambansang dignidad. Dapat nilang pagibayuhin ang pagkilos para sa kapayapaan at karapatang pantao. Makakaasang mananatiling kaisa ng mamamayang Pilipino ng AJLPP para sa pagkilos tungo sa kapayapaan, pambansang kalayaan at katubusang panlipunan.

BUONG SIGASIG NA LABANAN ANG MGA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO (tags)

Matinding kinokondena ng Alliance-Philippines (AJLPP) ang tumitinding mabangis na todo-gyera ng Rehimeng US-Arroyo laban sa mga mamayang Pilipino sa halos lahat ng dako ng Pilipinas. Muli, nanawagan ang AJLPP sa komunidad Pilipino Amerikano sa Estados Unidos at iba pang nasyunalidad na lalo pang paginayuihin ang kanilang pagtulong sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa kapayapaan at pambansang dignidad. Makakaasang mananatiling kaisa ng mamamayang Pilipino ng AJLPP para sa pagkilos tungo sa kapayapaan, pambansang kalayaan at katubusang panlipunan.

Sabwatang Imperyalismong US (tags)

Mahigpit at mariing kinokondena ng AJLPP o Alliance-Philippines-USA ang sukdulang kawalang-hiyaan ng pasistang rehimeng US-Arroyo sa pagmamalaki nito sa kasalukuyang kontra-terorismong todo gyera laban sa sambayanang Pilipino. Kasumpa-sumpa ang pagiging nuno sa karagapalan ng pasistang gobyerno . Dahil pati ang usaping ng pagtulong kanhit pakunwari na dating ginagawa ng mga sundalong Pilipino, ngayon ay inaasa na sa mga mapanakop na sundalong Amerikano lalo na sa mga lugar na malakas ang NPA at ang MILF. Dati-rati mula sa panahon ng mga naunang papet na presidente, ang mga civic action (Civac) na ngayon ay tinatawag na “Humanitarian Missions” ay ginagawa ng AFP at ng gobyerno ng Pilipinas. Ngayon, ayon sa kanilang kasunduan, ang Civac o “humanitarian missions’ tulad ng pagtatayo ng mga klinika, eskwelahan at iba pang serbisyong medical at enheneriya tulad ng paggawa ng daan at kalsada, tulay at iba pang imprastraktura ay ipinauubaya na at ginagampanan ng mga tropang Amerikano.

BAKIT NANALO ANG MGA DEMOKRATA SA NAKARAANG ELEKSYON 2006 SA U.S. (tags)

Pagkatapos ng eleksyong 2006, malinaw na panalo ang mga Demokrata sa midterm elections nitong Nobyembre 7. Mahigit 21 bagong kongresista ang naipanalo ng mga ito laban sa dating mayoryang Republicans. Mahigpit pang pinaglalalabanan ang anim na pwesto sa senado. Nakuha din ng mga demokrata ang mayorya ng mga goberador sa 50 estado ng Amerika na isang pinakamalaking bagay sa loob ng 20 taon. Maraming nagsasabing ang mga matitinding eskandalo ang pumatay sa mga Republikano. Nariyan ang mga mabagal na pagtugon ng gobyernong Bush sa Katrina, ang usapin ng pagnanakaw sa gobyerno, kurupsyon sa financial system, ang Foley Scandal at iba pang mga lantad na usaping kinasangkutan ng mga senador at kongresistang Republicans tulad nina Tom Delay atbp.

ignored tags synonyms top tags bottom tags