fix articles 100415, nila Los Angeles Indymedia : tag : nila

nila

Analisis sa Eleksyong 2010 (tags)

Sa wari dahil nagsalita na ang taumbayan. Tinanggap na ang rebolusyonaryong kilusan ang hatol ng bayan at kinilala ang sintimyentong anti-GMA at maagap na naghain ng mga hamon at kahilingan sa bagong uupong pangulo. Ito ay dapat dahil kailangang singilin ang mga pulitiko sa kanilang mga pangako. Ang malakas na lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang nagtaboy sa mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Palparan, Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza at iba pa. Gayunman nakapanatili sa pwesto ang papaalis na pangulong GMA at ag kanyang mga alagad. Maging ang imperyalismong US ay hindi nakahuma at pumayag na lamang sa kosmetikong pagbabago paara payapain ang nagpupuyos na loob ng masa. Sa labanan ng dalawang departamento, nanalo ang manok ng State Department sa manok ng Depense department sa nakaraang eleksyon.

DVA, UBOD NG SINUNGALING--JFAV (tags)

Ubod talaga ng sinungaling ang DVA. Noong 2001, sabi nila may 18,000 na lang nalalabing beterano sa US at Pilipinas. Nang magfile ng claims ang may 41,000,nahuli sila ng nagsinungaling! Pagkatapos, Idineny nila ang may 16,000 veterans.Ngayon sinasabi nilang nagbigay na sila ng 12,000 gayung marami ang umaangal na nagihintay na hindi pa sila nakakatangap ng benepisyo. Ayon sa datos ng JFAV, kulang 4,000 pa lamang sa mga beteranong nasa Amerika ang nakakatangap ng lump sum. Kailan sila titigil sa pagiging bulaan?

Analisis sa Eleksyong 2010 (tags)

Sa wari dahil nagsalita na ang taumbayan. Tinanggap na ang rebolusyonaryong kilusan ang hatol ng bayan at kinilala ang sintimyentong anti-GMA at maagap na naghain ng mga hamon at kahilingan sa bagong uupong pangulo. Ito ay dapat dahil kailangang singilin ang mga pulitiko sa kanilang mga pangako. Ang malakas na lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang nagtaboy sa mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Palparan, Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza at iba pa. Gayunman nakapanatili sa pwesto ang papaalis na pangulong GMA at ang kanyang mga alagad. Maging ang imperyalismong US ay hindi nakahuma at pumayag na lamang sa kosmetikong pagbabago paara payapain ang nagpupuyos na loob ng masa. Sa labanan ng dalawang departamento, nanalo ang manok ng State Department sa manok ng Depense department sa nakaraang eleksyon.

Walang katarungan sa ilalim ng rehimeng Arroyo (tags)

Ipinahayag ng mahigit 2,000 katao ang kanilang damdamin laban sa mga paglabag sa karapatang-tao sa mga plakard at istrimer nila. May mga nagsuot ng mga maskarang may tig-iisang letrang bumubuo ng salitang “hustisya.” Ilang metro bago ang Malacañang ay hinarang sila ng mga pulis na may suportang dalawang trak ng bumbero. Itinuloy ng mga nagmamartsa ang kanilang programa sa Morayta St. sa Sampaloc.

TAGUMPAY ANG MARTSA-RALI PARA SA MGA MIGRANTE SA LA! (tags)

Tagumpay ang martsa at demonstrasyon nitong Linggo, Hunyo 24, 2007 sa Hollywood and Vine sa Los Angeles. May 15,000 imigrante at kanilang gma tagapgtaguyod ang aktibong lumahok sa martsa-rali na tinawag ng April 7 Coalition.Hermanidad at ANSWER-LA. Bingo nila ang nais ng mga naghaharing uri na sila ang magdesisyon kung ano ang kapalaran ng 12 millyong migrante at manggagawang walang papeles na tinatwag nilang “ilegal’ dito sa Amerika.

SUMAMA SA MARTSA-RALI SA HUNYO 24 (tags)

GANAP NA KARAPATAN PARA SA MGA MIGRANTE! Nanawagan ang lahat ng mga grupong nagtataguyod para sa ganap na karapatan para sa lahat ng migrante lalo na sa lahat ng mga Pilipino na aktibong lumahok sa demosntrasyon sa Linggo, Hunyo 24, 2007 sa Hollywood and Vine sa Los Angeles. Gusto ng mga naghaharing uri na sila ang magdesisyon kung ano ang kapalaran ng 12 millyong migrante at manggagawang walang papeles na tinatwag nilang “ilegal’ dito sa Amerika. Ang sabi natin at HINDI! HINDI tayo papayag na alisin nila ang petisyon para sa mga pamilya at ibawal ang pagpepetisyon ng mga magulang at mga kapatid. Hindi rin tayo payag na ipalit nila sa batas sa family reunification ang “ guest worker program” na nakabatay sa mga puntos na masyadong magulo at hindi maintindihan at pabor sa mga kapitalis

PILIPINAS: Eleksyong 2007: Anong Bago at Anong Luma sa Pandaraya? (tags)

Kaisa ang AJLPP sa pahayag ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas na “ Ilang ulit na pinasahol ng naghaharing pangkating Arroyo ang bulok na sistema ng eleksyon sa Pilipinas. Labis-labis ang karahasan, pandaraya, panunuhol, maruruming maniobra at pambabraso sa eleksyon nitong Mayo. Isinagawa ito sa pamamagitan ng militar, pulis, mga tauhan sa Comelec at burukrasya. Lalong tumingkad ang kahungkagan ng sinasabing demokratikong eleksyon sa ilalim ng kasalukuyang reaksyunaryong sistema”

AJLPP,Binatikos ang Order ng Comelec na Itigil ang Media Quick Countt (tags)

Mariin at ubos tinding binatikos ngayon ng Alyansa (AJLPP) ang ginawang pagpapahinto ng ng Commission on Elections sa lahat ng quick count na isinasagawa ng mga television at radio stations dahil na rin sa pagsisimula ng official canvassing ng National Board of Canvassers sa mga boto para sa mga kandi­datong senador. “ Ang tinig ng bayan ay dapat pakinggan. Nagsalita na ang masang Pilipino sa pamamagitan ng balota. Ayaw na nila sa mga alipures na tuta ni Gloria lalo na kay Gloria’’ pahayag ni Mario Santos, pambansang tagapagsalita ng AJLPP. “ Kahit anu pang pandaraya ang gawin ni Gloria tulad ng ginawa nila noong 2004, napahayag na ng saloobin ang masang Pilipino. Ang pagboto nila sa mga kumakatwan sa oposisyon tulad kay LTJG Antonio Trillanes ay sampal sa kanyang paghahari.

Rehimeng Arroyo, Naghahanda sa Malawakang Pandaraya sa Eleksyong Mayo 14 (tags)

Wala nang tatalo sa pagkapalalo at lantarang pagiging garapal ng mga tauhan ng Pangulong Arroyo. Mariing kinokondena ng Alyansa-Pilipinas o AJLPP ang lantarang ipinamamarali ng mga kandidato at susing mga tauhan ni Gloria Macapagal-Arroyo ang kanilang makinarya at salapi para bumili ng boto. Nakakasuka ang pagmamayabang ng TEAM UNITY at ng Malacanang ang kanilang “makinarya” at “command votes” na magpapanalo daw sa kanila sa eleksyong Mayo 14. At sa huli, pupulutin si GMA tulad ng mandarayang si Marcos noong 1986, sa kangkungan ng kasaysayan. Sa huling pagtutuos, hindi makakasa ang masa sa eleksyon. Nasa masa ang huling pagpapasya para sa tunay na pagbabago sa lipunang Pilipino. ###

HINGGIL SA KOMISYONG MELO AT HALALAN SA 2007 (tags)

Panloloko sa bayan at panibagong inhustisya sa mga biktima ng paglabag sa mga karapatang tao ang kawalang lubos na liwanag tungkol sa nilalaman ng ulat ng Komisyong Melo. Pinapaugong ng Malakanyang na inaakusahan ng ulat ang militar at Heneral Palparan tungkol sa ilang pamamaslang. Kasabay nito, sinasabi rin nila na hindi lamang ang militar at pulis ang gumagawa ng mga krimen. Sa gayon, pinagtatakpan nila ang kriminal na pananagutan ni Gloria M. Arroyo at mga alipuris niyang militar at pulis sa higit ng 820 na pamamamaslang at higit na 200 pagdukot sa ilalim ng Oplan Bantay Laya I at II.

Huling Pahimakas sa Obispo ng mga Anak-Pawis (tags)

Alay kay Obispo Alberto Ramento, alagad ng kapayapaan at Obispo ng mga Anak-Pawis, sa paghahatid sa kanyang huling hantungan-- Arturo P. Garcia , Oktubre 12, 2006

ANG MGA MANUNULAT AT ARTISTA SA PANAHON NG GLOBALISASYON (tags)

Kailangang ipaalam sa madla na ang ugat ng mga ideya ng mga naghaharing uri na ipinapakalat ng mga binabayarn nilang mga alagad sa sining at panitikan ay naka-ugat sa kanilang pagnanais na panatiliin ang kaugalian ng kanilang uri.

ignored tags synonyms top tags bottom tags