imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
• latest news
• best of news
• syndication
• commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
json version - view hidden posts

LUMALAPIT ANG ELEKSYON, TUMITINDI ANG PATAYAN AT KARAHASAN

by AJLPP-Los Angeles Saturday, May. 05, 2007 at 3:01 PM
ajlpp_socal@yahoo.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles,CA 90026

Wala nang tatalo pa sa pagkagarapal ng Rehimeng US-Arroyo. Mula sa panuhuhol, panadaraya at lalo na sa karahasan, dinaig na nito ang pasistang rehimeng US-Marcos sa pagiging makapal ng mukha at pagiging manhid lalo na sa pagkunwari. Dahil dito muling nanawagan ang AJLPP sa mga mamamayan ng Pilipinas na dapat pag-ibayuhin ang pagmamatyag at pagbabantay laban sa karahasan at pandaraya . Lubhang ikinababahala ng AJLPP ang paghdami ng mga insidente ng karahasan at ang lantaran at garapalang paggamit ng gobyerno ng suhol sa masa.

LUMALAPIT ANG ELEKSYON, TUMITINDI ANG PATAYAN AT KARAHASAN

Los Angeles -- Wala nang tatalo pa sa pagkagarapal ng Rehimeng US-Arroyo. Mula sa panuhuhol, panadaraya at lalo na sa karahasan, dinaig na nito ang pasistang rehimeng US-Marcos sa pagiging makapal ng mukha at pagiging manhid lalo na sa pagkunwari.

Dahil dito muling nanawagan ang AJLPP sa mga mamamayan ng Pilipinas na dapat pag-ibayuhin ang pagmamatyag at pagbabantay laban sa karahasan at pandaraya . Lubhang ikinababahala ng AJLPP ang pagdami ng mga insidente ng karahasan at ang lantaran at garapalang paggamit ng gobyerno ng suhol sa masa.

Ayon sa AJLPP ang mga kasalukuyang pangyayari ang malinaw na nagpapatunay dito:

- Pinagbabaril at tinatakot ng grupong BANTAY sa ilalim ni Jovito Palparan ang grupo ng kandidatong si Jun Jun Villanueva sa Bocaue, Bulacan nitong Mayo 4..

Ginagamit ang mga tropa ng 3rd IB g 7th Division, pinagbabaril ang compound ng mga Villanueva sa Bulacan. Tulad ng dati, tameme lang ang COMELEC. Labis na ikinagalit nina Palparan ang pagsuporta ng JIL ni Villanueva sa oposisyon at sa patry-list ANAKPAWIS at BAYAN MUNA sa Bulacan,

- Mayo 5, nagdeploy ng maraming pulis sa city hall ng Makati para gipitin ang kandidato ng oposisyong si Mayor Jejomar Binay. Nais patalsikin ng rehimen ang mayor ng oposisyon sa Makati City.

- Sa Jaen, Nueva Ecija, pinagbabaril ng mga bodyguards ni Rodolfo Antonino, pangunahing galamay ni GMA sa Nueva Ecija ang kalaban nitong si Mayor Tony Esquievel na ikinamatay ng dalawang tauhan nito at dalawa nitong anak na lalaki.

- Sa Pasay City, lantarang nagpapamigay ng mga kagamitang pangeskwela at pagkain ang kandidatong galamay ni GMA na si Connie Dy sa kabila ng pagbabawal ng COMELEC.

- Sa General Santos City, lantran nang sinisiraan ni Manny Pacquiao, boksingero at ngayon ay pulitiko ang kalaban nitong si Darlene Antonino-Custodio na di umano’y nagutos na siya ay patayin. Gumagamit si Pacquiao ng black propaganda.

ESPERON, ANG BAGONG GENERAL VER-Salonga

“ Kung si Marcos ay may Ver, si GMA ay may Esperon”. Ito ang pahayag ni dating senador Jovito Salonga na labis na nababahala sa paggamit ng GMA ng military para tumulong diumano sa pulisya para sa eleksyon ito.

Kamakailan lang nagutos si GMA na gamitin ang pwersa ng AFP para diumano sugpuin ang karahasan gayong ito ay trabaho ng pulisya.

Kasabay nito pinuna rin ni Salonga ang paggamit ng military sa pangkakampanya sa Metro amnila laban sa mga balwarte ng oposisyon.

Nauna dito, natuklasan ng PLDT na may naglagay ng “bugging device’ sa telepono ng dating pangulong Cory Aquino sa bahay nito sa Quezon City.

“Labis na kahiya-hiya” ito ang sabi ni dating pangulong Fidel Ramos sa kanyang komentaryo sa naganap na pagwiwiretapping sa telepono ng dating presidenteng Cory Aquino na ang anak ay kandidato ng oposisyon para sa senado.

TAGAYTAY 5 , DAPAT PALAYAIN-Senador Lacson

Samantala, binisita ni Senador Panfilo Lacson ang “Tagaytay 5” na nakakulong sa Cavite. Ang limang magsasaka na kamakailan ay naghunger strike ng may 68 araw para ipaglaban ang kanilang mga karapatan ay dapat nang palayain ayon kay Lacson.

Umaabot na sa mahigit 100 ang mga insidente ng karahasan na kumitil ng maraming buhay sa panahon ng eleksyon sa Pilipinas.

Ayon naman sa pinakahuling survey ng SWS- mahigit sa 40% ng mga mamamayan ay naniniwala na “ mandaraya sa eleksyong ito ang kampo ni Gloria-Macapagal-Arroyo.”

Ito ang dahilan marahil kung bakit lalong nagiibayo ang pagiging sagadsaring garapal sa karahasan at sa panlilinlang o black propaganda ng rehimeng US-Arroyo.

*********



LATEST COMMENTS ABOUT THIS ARTICLE
Listed below are the 10 latest comments of 1 posted about this article.
These comments are anonymously submitted by the website visitors.
TITLE AUTHOR DATE

© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy