{"article":{"id":198173,"heading":"LUMALAPIT ANG ELEKSYON, TUMITINDI ANG PATAYAN AT KARAHASAN","author":"AJLPP-Los Angeles","created":"2007-05-05 15:01:27","modified":"2013-11-11 00:48:26","last_modified":"Mon, 11 Nov 2013 07:48:26","article":"
LUMALAPIT ANG ELEKSYON, TUMITINDI ANG PATAYAN AT KARAHASAN

Los Angeles  --  Wala nang tatalo pa sa pagkagarapal ng Rehimeng US-Arroyo.  Mula sa panuhuhol, panadaraya at  lalo na sa karahasan, dinaig na nito ang pasistang rehimeng US-Marcos sa pagiging makapal ng mukha at pagiging manhid lalo na sa pagkunwari.

Dahil dito  muling nanawagan ang AJLPP sa mga mamamayan ng Pilipinas na  dapat pag-ibayuhin ang pagmamatyag at pagbabantay laban sa karahasan at pandaraya . Lubhang ikinababahala ng AJLPP ang pagdami ng mga insidente ng karahasan at ang lantaran at garapalang paggamit ng gobyerno ng  suhol sa masa.

Ayon sa AJLPP ang mga kasalukuyang pangyayari  ang malinaw na  nagpapatunay dito:

-  Pinagbabaril at tinatakot ng grupong BANTAY sa ilalim ni Jovito Palparan ang grupo ng kandidatong si Jun Jun Villanueva sa Bocaue, Bulacan nitong Mayo 4..

Ginagamit ang mga tropa ng 3rd IB   g 7th Division, pinagbabaril ang compound ng mga Villanueva sa Bulacan. Tulad ng dati, tameme lang ang COMELEC. Labis na ikinagalit nina Palparan ang pagsuporta ng JIL ni Villanueva sa oposisyon at sa patry-list ANAKPAWIS at BAYAN MUNA sa Bulacan,

-  Mayo 5, nagdeploy ng maraming pulis sa city hall ng Makati para gipitin ang kandidato ng oposisyong si Mayor Jejomar Binay. Nais patalsikin ng rehimen ang mayor ng oposisyon sa Makati City.

- Sa Jaen, Nueva Ecija, pinagbabaril ng mga bodyguards ni Rodolfo Antonino, pangunahing galamay ni GMA sa Nueva Ecija ang kalaban nitong si Mayor Tony Esquievel na ikinamatay ng dalawang tauhan nito at dalawa nitong anak na lalaki.

- Sa Pasay City, lantarang nagpapamigay ng mga kagamitang pangeskwela at pagkain ang kandidatong galamay ni GMA na si Connie Dy sa kabila ng pagbabawal ng COMELEC.

- Sa General Santos City, lantran nang sinisiraan ni Manny Pacquiao, boksingero at ngayon ay pulitiko ang kalaban nitong si Darlene Antonino-Custodio na di umano’y nagutos na siya ay patayin. Gumagamit si Pacquiao ng black propaganda.

ESPERON, ANG BAGONG GENERAL VER-Salonga

“ Kung si Marcos ay may Ver, si GMA ay may Esperon”. Ito ang pahayag ni dating senador Jovito Salonga na labis na nababahala sa paggamit ng GMA ng military para tumulong diumano sa pulisya para sa eleksyon ito.

Kamakailan lang nagutos si GMA na gamitin ang pwersa ng AFP para diumano sugpuin ang karahasan gayong ito ay trabaho ng pulisya.

Kasabay  nito pinuna rin ni Salonga ang paggamit ng military sa pangkakampanya sa Metro amnila laban sa mga balwarte ng oposisyon.

Nauna dito, natuklasan ng PLDT na may naglagay ng “bugging device’ sa telepono ng dating pangulong Cory Aquino sa bahay nito sa Quezon City.

“Labis na kahiya-hiya” ito ang sabi ni dating pangulong  Fidel Ramos sa kanyang komentaryo sa naganap na pagwiwiretapping sa telepono ng dating presidenteng Cory Aquino na ang anak ay kandidato ng oposisyon para sa senado.

TAGAYTAY 5 , DAPAT PALAYAIN-Senador Lacson

Samantala, binisita ni Senador Panfilo Lacson ang “Tagaytay 5” na nakakulong sa Cavite. Ang limang magsasaka na kamakailan ay naghunger strike ng may 68 araw para ipaglaban ang kanilang mga karapatan ay dapat nang palayain ayon kay Lacson.

Umaabot na sa mahigit 100 ang mga insidente ng karahasan na kumitil ng maraming buhay sa panahon ng eleksyon sa Pilipinas.

Ayon naman sa  pinakahuling survey ng SWS- mahigit sa 40% ng mga mamamayan ay naniniwala na “ mandaraya sa eleksyong ito ang kampo ni Gloria-Macapagal-Arroyo.”

Ito ang dahilan marahil kung bakit lalong nagiibayo ang pagiging sagadsaring garapal sa karahasan at sa panlilinlang o black propaganda ng rehimeng US-Arroyo.

<\/p>\n","contact":"ajlpp_socal@yahoo.com","link":"","address":"337 Glendale Blvd. Los Angeles,CA 90026","phone":"213-241-0906","parent_id":0,"mime_type":"text\/plain","summary":"Wala nang tatalo pa sa pagkagarapal ng Rehimeng US-Arroyo.  Mula sa panuhuhol, panadaraya at  lalo na sa karahasan, dinaig na nito ang pasistang rehimeng US-Marcos sa pagiging makapal ng mukha at pagiging manhid lalo na sa pagkunwari.\r\n\r\nDahil dito  muling nanawagan ang AJLPP sa mga mamamayan ng Pilipinas na  dapat pag-ibayuhin ang pagmamatyag at pagbabantay laban sa karahasan at pandaraya . Lubhang ikinababahala ng AJLPP ang paghdami ng mga insidente ng karahasan at ang lantaran at garapalang paggamit ng gobyerno ng  suhol sa masa. \r\n\r\n","numcomment":1,"fileurl":"\/uploads\/","filesize":null,"article_url":"\/news\/2007\/05\/198173.php"},"attachments":[],"comments":[]}