fix articles 7267, ayon Los Angeles Indymedia : tag : ayon

ayon

KAWALAN NG USAPANG PANGKAPAYAPAAN : (tags)

Ayon sa nakalap na balita ng PESANTE BULETIN, dahil sa kawalan ng usapang pangkapayapaan, lalong tumitindi ang labanan sa kanayunan sa pagitan ng AFP at ng NPA. Ayon sa mga balita dumarami ang namamatay sa mga sunud-sunod na ambus at labanan sa pagitan ng NPA at ng mga tropa ng armi sa iba't ibang dako ng bansa. Ayon sa PESANTE Buletin hindi interesado ang kasalukuyang pangulo sa usapang pangkapayapaan at sinusunod nito ang utos ng Amerika na lipulin ang MILF at ang NPA sa pamamagitan ng lakas ng militar at ng diumano'y pang-papaunlad.

UTOS NA DOJ PABOR SA AMPATUAN- UTOS NI GMA, TALAMAK NA KAWALANGHIYAAN! (tags)

“ Sagad sa butong kawalanghiyaan!” Ito ang naibulalas ng Philippine Peasant Support Network (PESANTE))-USA na nakabase sa Los Angeles sa desisyon ng Department of Justice Secretary Agra na nagbasura sa kasong murder ng dalawang Ampatuan noong nakaraang Biyernes. Ayon pa kay Arturo P. Garcia ng Pesante “ Maliwanag na utos ito ni GMA at paghahanda ito para pawalang wala ang mga Ampatuan at gamitin ang mga ito lalo na si dating Governor ng ARMM Zaldy Ampatuan na muling mandaya sa darating na eleksyong Mayo 10, 2010” ayon sa PESANTE-USA.

Labanan sa Umpisa ng Kampanya sa Eleksyong Presidensyal 2010,Tumitindi. (tags)

Ayon sa mga pinakahuling balita, tabla ang labanang Villar-Aquino sa mga survey. Ayon naman sa isang political analyst sa internet na si Doy Cinco higit na mainit ito sa Metro Manila. Malamang na magiging battle ground ni Noynoy Aquino-Mar Roxas at Villar-Loren ang Kamaynilaan at kung sino ang lalamang, may malaking epekto sa pambansang resulta ng halalan sa kabuuan. “ Ayon kay Cinco, “ Sa kabuuang 50.0 milyong rehistradong botante sa bansa, may 15% nito o mahigit anim (6) na milyon ay matatagpuan sa Kalakhang Manila, Sa anim na milyon botante, kulang sa kalahati (2.8 milyon) ay matatagpuan sa Quezon City (1.2 milyon), Manila (1.0 milyon) at Caloocan (0.7 milyon). Ang Kalakhang Manila ay kinukunsidirang sentrong pampulitika, pang-ekonomya, panlipunan at pangkultura ng Pilipinas. Siya ang pinakamatao, pinaka-konsentrado at pinakamasikip na lugar sa buong bansa

LAKBAYAN 2010, PUMASOK NA SA NCR (tags)

Balita mula sa Manila, nakapasok na ang LAKBAYAN 2010s at militanteng nagmartsa sa pusod ng National Capial Region ayon sa PESANTE NEWS. Ayon pa sa PESANTE NEWS ,kahapon, Enero 20, dumating sa may south wing ng Alabang, Muntinglupa, Rizal ang grupong mula sa Timog Katagalugan, Visayas at Mindanao. Sinalubong sila ng kulang sa isang libong mga mamamayan ng NCR.

KAMPANYA SA ELEKSYONG PRESIDENSYAL 2010 LALONG PANG UMIINIT (tags)

Lalo pang umiinit ang labanan sa pagkapangulo ng Pilpinas. Ito ay ayon sa mga mampulitikang observers ng PESANTE sa Maynila at sa Los Angeles. Nabigo ang grupong nais diumano i-“censure” o punahin si NP candidate Manny Villar sa senado na ipasa ang censure resolution nang hindi ito makakuha ng quorum sa nakaraang sesyon ng senado. Mukhang nagboykot ang minorya kaya walang quorum sa huling sesyon ng senado.

KAMPANYA SA ELEKSYONG 2010 LALONG UMIINIT (tags)

Lalo pang umiinit ang labanan sa pagkapangulo ng Pilpinas. Ito ay ayon sa mga pampulitikang observers ng PESANTE sa Maynila at sa Los Angeles. Nagdesisyon diumano ang mayorya sa Senado na punahin “censure” si Senador Villar at hinihiling na ibalik nito ang may P 2.6 bilyong diumano ay nakurakot nito sa bayan. Ngunit hindi ito pinapansin ni Villar at binansagan pa itong “walang kwenta at isang pirasong papel” ng tagapagtanggol ni Villar na si Senador Rene Cayetano.

LABANANG AQUINO-VILLAR, UMIINIT (tags)

Umiinit ang labanan sa pagkapangulo ng Pilpinas. Ito ay ayon sa mga mampulitikang observers ng PESANTE NEWS sa Maynila at sa Los Angeles. Bumaba naman mula ikalawa pwesto tungo sa ikatlo si brother Eddie na sumegunda kay Gibo Teodoro noong nakaraang Disyembre 2009. Ngayon si Noynoy naman ang naguguna sa facebook. Patunay lamang na ang labanan ay umiinit na rin kahit na sa internet.

PARUSAHAN ANG MGA AMPATUAN: UTAK NG MASAKER SA MAGUINDANAO (tags)

Kung gaano kabilis magpaaresto si GMA sa kanyang mga kalaban, gaanong kabagal naman at kaingat siya sa pagprotekta sa katulad na warlord na si Ampatuan na gumawa ng karumaldumal na masaker sa Magunidanao. Ayon sa tagapagsalita nitong si Melvin Barcenas ng Los Angeles, nakapangngangalit ang pahayag na GMA na “ kaibigan pa rin niya ang mga Ampatuan” kaya ganong kaingat sila sa pagprotekta dito. Ayon sa mga balita umabot na sa 67 ang nahukay na bangkay kabilang ang 22 babae na kanilang ginahsa bago pinatay, 30 mamamahayag at maging mga walang malay na sibilyan na napadaan lamang. Ito rin ang pikamaraming myembro ng media na namatay sa loob ng isang araw sa kaysaysan ng mundo.

GYERA SA MINDANAO-LUMALALA (tags)

Ayon sa pinakahuling ulat ng grupong Pesante-USA, parami nang parami ang bilang ng mga sibilyang Morong binibiktima ng mababangis na operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilang bahagi ng Mindanao. Ayon sa ulat ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na nahalaw ng Pesante, noong Oktubre 29, sa mga evacuation center sa Datu Piang, Maguindanao pa lamang ay mayroon nang 55,000 indibidwal na nagsilikas sa kani-kanilang mga tahanan, mula sa 35,000 katao noong Agosto. Mula Agosto hanggang ikatlong linggo ng Oktubre, umaabot na sa 127,164 pamilya o 611,753 indibidwal ang naaapektuhan ng mga sagupaan sa pagitan ng MILF at AFP sa mga prubinsya ng Lanao del Norte, Lanao del Sur, Sultan Kudarat at Maguindanao.

PANAGUTIN ANG GOBYERNOng US-Arroyo, ,SULPICIO LINES AT DEL MONTE SA SAKUNANG PAGKALIKASAN (tags)

Los Angeles --Mariing kinokondena ng Pesante-USA Gobyernong US-Arroyo,. Silpicio lines at ang Del Monte Philippines sa paggamit at pagbibiyahe ng mga nakakalasong nakamamatay na produktong pestisidyo na ibibiyahe sa lumubog na barko ng Sulpicio Lines. Hinahagkis ng Pesante ang Sulpicio Lines sa pagbibiyahe ng pestisidyong endosulfan. Nakikiisa kami sa grupong KALIKASAN na naghihinala ayon kay Clemente Bautista, national coordinator ng Kalikasan-PNE, na matagal nang Gawain ito ng dalawang kompanya.

Palparan, sangkot sa pagdukot--Court of Appeals (tags)

Naiulat mula sa mga tagapagbalita ng AJLPP na diumano sangkot si Brig. Gen. Jovito Palparan at ang ilan tauhang militar sa pagdukot sa magkapatid na Reynaldo at Raymond Manalo noong 2006, ayon sa 2 d Division ng Court of Appeals (CA). Ang 30-pahinan desisyon ay inilabas noong huling linggo ng Disyembr ekaugnay ng paggawad ng writ of amparo sa magkapatid.

KAMPANYA NG PAGPATAY SA PILIPINAS, LUMALALA AT NAGPAPATULOY PA. (tags)

Sa kabila ng diumano’y komperensya na ipinatawag ng Korte Suprema para harapin ang usapin ng mga ekstrahudisyal na pamamaslang , nagpatuloy ang mga magkasunod na pagpatay sa mga lider ng Anakpawis sa Tacloban City at Compostela Valley at iba pang panig ng Mindanao. Ayon sa mga ulat na tinipon ng AJLPP at Pesante-USA, naririto ang mga tala ng mga paglabag sa karapatang pantao at pagpatay ng ginagawa ng AFP:

Privilege Speech of ANAKPAWIS Rep. Rafael Mariano (tags)

Ang bumabalot na pasistang terror sa buong Gitnang Luzon laluna sa lalawigan ng Nueva Ecija ay hindi senyales na nagtatagumpay ang AFP laban sa NPA. Bagkus, lalo lamang nitong ginigising ang mayaman at makasaysayang militante at rebolusyonaryong tradisyon ng mamamayan ng Gitnang Luzon sa pakikibaka laban sa tiranya, pang-aapi't pambubusabos tulad ng ipinamalas nila sa nakaraan.

Kalabasa sa eskwela, dulot ng kahirapan! -- KADAMAY (tags)

Dulot ng kagutuman at kahirapan ang papalubhang performance sa pampublikong elementarya kasama ang papataas na bilang ng dropouts ayon kay Carmen "Nanay Mameng" Deunida, Tagapangulo ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY). Ayon sa pag-aaral ng Department of Education (DepEd), dulot ito ng mga problema sa kalusugan ng mga estudyante na resulta naman ng kawalan ng rekurso at kakulangan sa medical personnel. Sa rekord ng DepEd, ang ratio ng medical personnel ay 1 doktor kada 70, 500 estudyante, 1 dentista para sa 18,000 estudyante at 1 nars kada 4, 830 estudyante.

Kalabasa sa eskwela, dulot ng kahirapan! -- KADAMAY (tags)

Dulot ng kagutuman at kahirapan ang papalubhang performance sa pampublikong elementarya kasama ang papataas na bilang ng dropouts ayon kay Carmen "Nanay Mameng" Deunida, Tagapangulo ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY

Sa ika-6 na anibersaryo ng trahedya sa Payatas (tags)

Matapos ang anim na taon mula nang maganap ang malagim na trahedya dulot ng pagguho sa Payatas dumpsite noong Hulyo 10 2000, wala pa ring hustisyang nakakamit ang mga biktima ayon sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY).

ignored tags synonyms top tags bottom tags