fix articles 22610, mamamayan
BINATIKOS ANG PAHAYAG NI AQUINO III (tags)
-Ayon sa grupong tagapamalita ng ALLIANCE NEWS na nakabase sa Los Angeles, Ipinahayag ngayon ng rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas na pawang kasinungalingan at panakip-butas ang laman ng talumpati ni Benigno Aquino III sa pagbubukas ng reaksyunaryong kongreso noong Hulyo 25. Pilit niyang pinalalabas na gumaganda na ang kalagayan ng bansa at patuloy ang mga pagbabago. Tinangka niyang ibalik ang tiwala ng mamamayan sa reaksyunaryong gubyerno. Pero sa desperasyon niyang takpan ang katotohanan, lalo lamang niyang ihiniwalay ang kanyang rehimen sa mamamayan. Dinagdagan lamang ni Aquino ang kawalan ng tiwala at pag-asa ng bayan sa naghaharing sistema.
BADYET NG GOBYERNO PARA PAMBAYAD UTANG AT OPERASYONG MILITAR LABAN SA MAMAMAYAN (tags)
Mariing kinondena ngayon ng PESANTE –USA ang malaking bawas sa badyet ng gobyerno at sa paglalaan ng bawas tungo sa pondo ng military laban sa mamamayan. Ayon sa PESANTE-USA ang P1.64 trillion badyet ng Rehimeng –US AQunino III ay hindi lamamang para sa military kundi kontra mamamayan. Itinaaas niton ng mahigit 81% ang badyet ng military habang kinaltasan ng husto ang badyet para sa serbisyong pambayan. Tinaasan din ni Aquino III ag pambayad sa utang ng bansa ng mahigit 29. 2% o may 29 Bilyong piso habang binawasan ang badyet sa edukasyon ng P172 billion Nagbawas din sa badyet sa kalusugan habang lumalala ang problema sa paglaganap ng dengue.
Alisin ang piring sa mata ng sambayanan! (tags)
Nais kong makiisa sa National Democratic Front-Mindanao sa isinasagawa nitong programa ng pagkilala at pagpugay sa mga taong-midya na nag-aambag sa pagsisikap ng sambayanang Pilipino na itaguyod ang katotohanan, ilantad ang pagsasamantala at pang-aapi sa mamamayan, iwaksi ang mga kasinungalingan ng mga bulok na naghahari, at tuluy-tuloy na itaguyod ang mga makatarungang interes ng mamamayan. Nitong nagdaang halos isang dekada, nakapailalim ang mamamayang Pilipino sa paghahari ng isang buktot na rehimeng walang lubay sa pambabaluktot sa katotohanan at sa pagsisikap na maitago ang maraming krimen at katiwalian nito. Sa layong bulagin ang sambayanan, nagpakadalubhasa si Gloria Arroyo at ang mga masugid niyang tagasunod sa paglulubid ng buhangin at sa pambubusal o pagpapatahimik sa mga nakaaalam sa kanyang mga krimen at katiwalian.
Rebolusyonaryong pagpupugay kay Navy Capt. Danilo "Ka Dan" Vizmanos (tags)
Nagpupugay ang buong rebolusyonaryong kilusan kay retired Capt. Danilo "Ka Dan" Vizmanos, masugid na anti-imperyalista at demokratang intelektwal, tapat na lingkod at aktibista para sa bayan, tunay na kawal at bayani ng rebolusyon at sambayanang Pilipino. Pumanaw si Ka Dan noong Hunyo 23 sa edad na 79 sa sakit na prostate cancer. Si Ka Dan ay nagsilbing maningning na halimbawa ng mga upisyal ng pasistang militar na tumatalikod at nagtatakwil sa imperyalismo, sa papet na reaksyunaryong estado at sa pasistang hukbo nito. Taos-puso niyang niyakap ang mga demokratiko at rebolusyonaryong simulain, lubusang pumanig sa rebolusyon at mamamayan, at puspusang lumahok sa kanilang pakikibaka. Huwaran siya sa katatagan sa prinsipyo, pagiging makatotohanan, masipag, pursigido, mapagkumbaba, at malapit sa mga kasama at sa mamamayan. Itinatanghal siya at pinararangalan ng sambayanang Pilipino.
Samantalahin ang lumalalim na krisis pampulitika (tags)
Ang naghaharing rehimeng Arroyo na mismo ang lumilikha ng kundisyon para sumambulat ang tumitinding krisis pampulitika at humantong ito sa maigting na pagtutuos sa pagitan nito at ng mamamayan. Sa desperadong pagpupumilit ng rehimen na makapangunyapit sa poder lampas pa sa 2010, ginawa nito ang lahat para maipanalo ang mga kandidato nito sa kagaganap na eleksyon. Nagsagawa ito ng todo-todong pandaraya at maruruming maniobra, panggigipit sa mga kalaban at malawakang paghahasik ng karahasan.
Pagpaslang kay Bishop Ramento, tanda ng kalupitan ng rehimeng Arroyo (tags)
Ang karumal-dumal na pagpaslang noong Oktubre 3 kay Bishop Alberto Ramento, makamasa at patriyotikong tagapangulo ng Supreme Council of Bishops ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) ay tanda ng pagtindi ng kalupitan ng rehimeng US-Arroyo sa kampanya nito ng pamamaslang sa mga kritiko nito at paghahasik ng lagim sa lumalabang mamamayan.
On the Death/Martyrdom of Ilagan Mayor Delfinito Albano (tags)
Pesante- USA reprinted the Tagalog Statement of the NDFP-Cagayan Valley re the murder of Ilagan Mayor Delfinito Albano who was murdered by unknown assailants in Metro Manila. Ilagan is the provincial capital of Isabela where agrarian or land problems is very grave. Ilaga is also the area where the 11,000 Hacienda San Antonio and Sta Isabel, now the crisis area of land problems in the Philippines is located. Foreign corporations are trying to gran the lands of peasants opening up coal mining and cassava plantations in the traditionally rice and corn lands in the area. Mayor Albano took the side of the lowly peasants that is why he became a marked man. Pesante condoles with the Albano family on the untimely death and martyrdom of one of the servants of the people.