fix articles 20300, masang
Hinggil sa Desisyon ng Korte Supremang Corona laban sa Pangkating Aquino pabor sa pangkat (tags)
Ipinahayag ngayon ng Alliance-Philippines o AJLPP nakabase sa Amerika na ang nakaraang desisyong Korte Supremang Corona na pinili ni GMA na nagbasura sa bisa ng Truth Commission na nilikha ng pangkating Aquino III ay patunay na pinaglalaruan lamang ng kasalukuyang rehimeng Aquino III at ng nakaraang pasistang rehimeng GMA ang masang Pilipino. Sinabi din ng AJLPP na tiyak na gagawing katwiran ng rehimeng Aquino III na “ hindi niya kayang usigin si GMA’ dahil sa utos ito ng batas” at kunwang susunod na batas.Isang tunay na moro-moro at sarswelang dinerekta ng amo niyang Imperyalismong US. Makasaysayang ang araw na ito ng Disyembre 7 dahil ito ay pataksil na salakay ng Hapon laban sa Amerika noong Disyembre 7, 1941 sa Pearl Harbor, Hawaii. Kahalintulad ito ng atake ng Korte Suprema ni Corona sa masang Pilipino.
Tagumpay ng BHB sa Isabela, Ipinagbunyi ng Masang Magsasaka (tags)
Nabalitaan ng Pesante Buletin nitong Hulyo 21 mula sa Isabela na Lubos na ikinalulugod ng masa ng Timog Isabela ang pagkakaparusa o pagkamatay ng sa isang batikang mandarambong at pasistang nagpahirap sa masa ng Isabela sa mahabang panahon.
MAS MASAKIT ANG AMBA KAYSA BIGWAS” Ni NOYNOY AQUINO SA MASANG PILIPINO (tags)
Mukhang mas masakit ang amba ng Rehimeng US-Aquino III kaysa aktwal na hambalos nito sa sambayanan. Hindi pa man nakakabangon ang masa sa mariing parusa ng nakaraang siyam na taon ng rehimeng US-Arroyo, eto na naman ang bagong rehimeng Aquino II na naghahanda ng panibagong atake sa sambayanan. Kitang kita sa pagpili nito ng mga tao sa military na naghahanda ito ng mabagsik at panibagong opensiba laban sa masang Pilipino. Paano ba, ang bagong hirang na hepe ng AFP na si General David na galling sa NOLCOM ay nagbabanta agad na “wawasakin ang NPA sa loob ng tatlong taon.”
REBOLUSYONG AGRARYO , SAGOT SA ANTI- MAGSASAKANG CARP/ HUWAD NA REPORMA SA LUPA (tags)
ng plano ng rehimeng US-Arroyo na palawigin pa nang limang taon ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ay taliwas sa pagsusulong ng interes ng masang magsasakang matagal nang naghahangad ng tunay na reporma sa lupa. Walang ibang layunin dito ang rehimeng US-Arroyo kundi ang patuloy na linlangin at apihin ang masang magsasaka at ibulsa ang malaking pondo nito. Tulad ng lahat ng nagdaang programa sa reporma sa lupa ng reaksyunaryong estado, ang CARP ay huwad at walang tunay na kaugnayan sa repormang agraryo. Nagsilbi lamang ito para lalong pagtibayin ang monopolyong kontrol ng mga lupain sa bansa, at ibukas ang mga ito sa mga dayuhan alinsunod sa imperyalistang patakarang "globalisasyon."
IBASURA ANG CARP! ISULONG ANG PAKIKIBAKANG AGRARYO! (tags)
Nanawagan ngayon ang rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas na patuloy na isulong ang rebolusyong agraryo at lalo pang magsumigasig na ibasura ang pekeng land reform ng gobyernong-Arroyo. Sa loob ng halos dalawang dekada nang pagsasakatuparan ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), malinaw sa masang magsasaka na isa lamang itong huwad na programa sa reporma sa lupa. Malaking panloloko ang deklaradong layunin at mga sinasabing tagumpay nito. Nananatili hanggang ngayon ang malawakang problema ng kawalan ng lupa ng nakararaming magsasaka.
AJLPP,Binatikos ang Order ng Comelec na Itigil ang Media Quick Countt (tags)
Mariin at ubos tinding binatikos ngayon ng Alyansa (AJLPP) ang ginawang pagpapahinto ng ng Commission on Elections sa lahat ng quick count na isinasagawa ng mga television at radio stations dahil na rin sa pagsisimula ng official canvassing ng National Board of Canvassers sa mga boto para sa mga kandidatong senador. “ Ang tinig ng bayan ay dapat pakinggan. Nagsalita na ang masang Pilipino sa pamamagitan ng balota. Ayaw na nila sa mga alipures na tuta ni Gloria lalo na kay Gloria’’ pahayag ni Mario Santos, pambansang tagapagsalita ng AJLPP. “ Kahit anu pang pandaraya ang gawin ni Gloria tulad ng ginawa nila noong 2004, napahayag na ng saloobin ang masang Pilipino. Ang pagboto nila sa mga kumakatwan sa oposisyon tulad kay LTJG Antonio Trillanes ay sampal sa kanyang paghahari.