fix articles 172088, pagpatay
PAGPATAY KAT REBELLYN PITA0-SINADYA LABAN SA USAPANG PAGKAPAYAPAAN (tags)
Kasabay ng buong lakas na pagkondena ng Alliance-Philippines (AJLPP) sa papet-pasistang rehimeng US-Arroyo at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang paniktik nito sa panggahasa at walang awang pagpatay kay Rebelyn Pitao, anak na babae ni NPA Leoncio Pitao- Kumander Parago ng NPA sa Mindanao, nagpapahayag ng pagkabahala ang AJLPP na may bagong balakid sa usapang pangkayapaan . Ayon sa AJLPP: “ Mukhang sinadya ang pagpatay kay Pitao upang sagkaan ang usapang pangkapayapaan na apat na taon nang nahihinto. Kasabay ito ng pagdami ng paglabag sa karapatang pantao ng rehmeng US-Arroyo.
Pagpatay kay Rebelyn Pitao-bagong utang na dugo ng mga Pasistang Kriminal (tags)
buong lakas na kinokondena ng AJLPP ang pasistang kriminal na rehimng US-Arroyo at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang paniktik nito sa pangghasa, pandarahas at walang awing pagpatay kay Rebelyn Pitao, anak na babae ni NPA Kumander Leoncio Pitao- Kumnader Parago ng NPA sa Mindanao. Si Rebelyn Pitao ay dinukot at walang –awang pinatay matapos gahasain noong 6:30 ng gabi ng Miyerkoles habang pauwi sa kanilang bahay sa Bago Gallera. Ang kanyang bangkay ay natagpuang lumulutang sa ilog ng Carmen, Davao Del Sur may mahigit na 24 oras matapos siyang dukutin ng militar.
KAMPANYA NG PAGPATAY SA PILIPINAS, LUMALALA AT NAGPAPATULOY PA. (tags)
Sa kabila ng diumano’y komperensya na ipinatawag ng Korte Suprema para harapin ang usapin ng mga ekstrahudisyal na pamamaslang , nagpatuloy ang mga magkasunod na pagpatay sa mga lider ng Anakpawis sa Tacloban City at Compostela Valley at iba pang panig ng Mindanao. Ayon sa mga ulat na tinipon ng AJLPP at Pesante-USA, naririto ang mga tala ng mga paglabag sa karapatang pantao at pagpatay ng ginagawa ng AFP:
Pagpaslang kay Bishop Ramento, tanda ng kalupitan ng rehimeng Arroyo (tags)
Ang karumal-dumal na pagpaslang noong Oktubre 3 kay Bishop Alberto Ramento, makamasa at patriyotikong tagapangulo ng Supreme Council of Bishops ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) ay tanda ng pagtindi ng kalupitan ng rehimeng US-Arroyo sa kampanya nito ng pamamaslang sa mga kritiko nito at paghahasik ng lagim sa lumalabang mamamayan.
Pesante-USA-- Pagpatay Kay Sotero Llamas, Kagagawan ng Rehimeng US-Arroyo- (tags)
Pataksil na pinatay isang grupo ng mamamatay tao si si Sotero Llamas ng Bicol ng walang kalaban-laban. Isang malaking karuwagan na naman sa ngalan ng nagpapatuloy na kampanya ng terorismo ni Gloria Macapagal-Arroyo ang itinalang krimen ng pangkating Ermita-Gonzales-Senga-Lumibao laban sa sambayanan..
PAHAYAG NG PESANTE-USA HINGGIL SA PAGPATAY KAY SOTERO LLAMAS (tags)
pinahayag ni Vener Malabanan ang pakikiramay ang Pesante-USA sa mga naulila at kaanak ni Ka Teroy. Bilang isang kasama sa First Quarter Storm (FQS) ng 1970 sa Bicol kasama nina Amor Espinas, Romulo at Ruben Jallores, Bodjie Jimenez, Francisco Portem, Cezar Gavanzo, Juan Escandor, Mayor Johnson So at iba ang martir ng kilusan, isa siya sa mga nagpundar ng kilusang magsasaka sa Bicol at nagsulong ng armadong pakikibaka sa matagal na panahon.Ngunit ang tao at ang bayan ngayon ay lumalaban. Ang pagpatay sa may 225 na aktibista mula noong 2005 ay mga baga sa apoy ng pakikibaka ng masa tungo sa ganap na kalayaan at demokrasya. Ibaling ang pamimighati sa rebolusyonaryong katatagan!