fix articles 12838, gobyerno Los Angeles Indymedia : tag : gobyerno

gobyerno

BADYET NG GOBYERNO PARA PAMBAYAD UTANG AT OPERASYONG MILITAR LABAN SA MAMAMAYAN (tags)

Mariing kinondena ngayon ng PESANTE –USA ang malaking bawas sa badyet ng gobyerno at sa paglalaan ng bawas tungo sa pondo ng military laban sa mamamayan. Ayon sa PESANTE-USA ang P1.64 trillion badyet ng Rehimeng –US AQunino III ay hindi lamamang para sa military kundi kontra mamamayan. Itinaaas niton ng mahigit 81% ang badyet ng military habang kinaltasan ng husto ang badyet para sa serbisyong pambayan. Tinaasan din ni Aquino III ag pambayad sa utang ng bansa ng mahigit 29. 2% o may 29 Bilyong piso habang binawasan ang badyet sa edukasyon ng P172 billion Nagbawas din sa badyet sa kalusugan habang lumalala ang problema sa paglaganap ng dengue.

Sabwatang Imperyalismong US (tags)

Mahigpit at mariing kinokondena ng AJLPP o Alliance-Philippines-USA ang sukdulang kawalang-hiyaan ng pasistang rehimeng US-Arroyo sa pagmamalaki nito sa kasalukuyang kontra-terorismong todo gyera laban sa sambayanang Pilipino. Kasumpa-sumpa ang pagiging nuno sa karagapalan ng pasistang gobyerno . Dahil pati ang usaping ng pagtulong kanhit pakunwari na dating ginagawa ng mga sundalong Pilipino, ngayon ay inaasa na sa mga mapanakop na sundalong Amerikano lalo na sa mga lugar na malakas ang NPA at ang MILF. Dati-rati mula sa panahon ng mga naunang papet na presidente, ang mga civic action (Civac) na ngayon ay tinatawag na “Humanitarian Missions” ay ginagawa ng AFP at ng gobyerno ng Pilipinas. Ngayon, ayon sa kanilang kasunduan, ang Civac o “humanitarian missions’ tulad ng pagtatayo ng mga klinika, eskwelahan at iba pang serbisyong medical at enheneriya tulad ng paggawa ng daan at kalsada, tulay at iba pang imprastraktura ay ipinauubaya na at ginagampanan ng mga tropang Amerikano.

IPAGLABAN ANG KATARUNGAN PARA KAY NICOLE, IPAGTANGGOL ANG DANGAL NG BAYANG PILIPINAS! (tags)

Naninindigan ang Pesante-USA na kung ang soberanya at legalidad ang pag-uusapan, lahat ng mga balibagan ng katumpakan at kamalian ng usapin hinggil sa paglilipat ng may-salang marinong si Daniel Smith sa U. S Embassy, ang tunay na esensya ng usapin ng panggagahasa kay Nicole ay talagang matatabunan. Tunay na makakaligtaan ang isang Pilipina ang nagdurusa dahil sa tahasang kawalang katarungan at pagpapatuta ng gobyerno ng Pilipinas. Ang inapi, inalipusta at hanggang sa ngayon ay binubusabos ng sarili niyang gobyerno, ang kababayan nating si Nicole.

ignored tags synonyms top tags bottom tags