fix articles 12836, tunay Los Angeles Indymedia : tag : tunay

tunay

paglaban ang tunay na kalayaan at demokrasya. (tags)

Ipaglaban ang Tunay na Kalayan. Demokrasya at Tunay na Makabuluhang Pagbabago (tags)

Sa araw ng kalayaan, Hunyo 12, 2011 --ikinararangal nating magpugay sa mga manghihimagsik ng Rebolusyong 1896. Sa kabila nang naagaw ang kalayaan sa kanila, nagpatuloy silang magiting na kipaglaban, humawak ng armas at nagpahayag sa kalsada mula Pilipinas hanggang Amerika't Europa at ibang ibang panig ng daigdig at hindi sumuko. Dumating sa rurok ang himagsikan ng 1896 noong Hunyo 12, 1898 nang ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kasarinlan habang nasa binggit ng tagumpay ang sambayang Pilipino sa pagpapatalsik sa mga Kastila. ngunit sinakop naman tayo ng bagong imperyalistang Estados Unidos at mapaghanggang ngayon ay isang kunwang malaya ngunit sa totoo isang kontroladong mala- koloyang bansa.

ISULONG ANG TUNAY AT MAKABULUHANG PAGBABAGO! TAMA NA ANG PANGAKO AT PORMA! (tags)

Sisisihin ang nakaraan, mangako para sa kinabukasan. Ito ang laman ng unang talumpati sa SONA ng bagong pangulo Noynoy Aquino III sa sambayanan noong Hulyo 26 saharap ng burgis na Kongreso. Nangako itong papawiin ang korupsyon para mapaglingkuran ang bayan. Isinisi nito ang kawalan ng pera sa nakaraang rehimen at nangakong uusigin ito. Sinalubong ito ng palakpak ng mga nasa Kongreso. Tignan natin kung magkakatotoo ang mga pangako.

PAHAYAG NG AJLP: BULOK NA HUSTISYA (tags)

Ang batayan ng ating kalayaan ay ang pagiging malaya ng ating mga hukuman” Ito ang sabi ng isang dating presidente ng Amerika. John Quincy Adams. 
 
”Kung ako na isang Hukom ay kaya nilang ganituhin, paano pa ang mga pangkariniwang mga tao”. May katwirang magsalita ng masakit ang nasibak na Hukom Vicente Roxas ng Court of Appeals ng Pilipinas.Natumbok niya na may bahid pulitika ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa maalingasngas na kaso ng GSIS at Meralco at kaugnay dito ang buong bulok na sistema ng hustisya sa Pilipinas.

REBOLUSYONG AGRARYO , SAGOT SA ANTI- MAGSASAKANG CARP/ HUWAD NA REPORMA SA LUPA (tags)

ng plano ng rehimeng US-Arroyo na palawigin pa nang limang taon ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ay taliwas sa pagsusulong ng interes ng masang magsasakang matagal nang naghahangad ng tunay na reporma sa lupa. Walang ibang layunin dito ang rehimeng US-Arroyo kundi ang patuloy na linlangin at apihin ang masang magsasaka at ibulsa ang malaking pondo nito. Tulad ng lahat ng nagdaang programa sa reporma sa lupa ng reaksyunaryong estado, ang CARP ay huwad at walang tunay na kaugnayan sa repormang agraryo. Nagsilbi lamang ito para lalong pagtibayin ang monopolyong kontrol ng mga lupain sa bansa, at ibukas ang mga ito sa mga dayuhan alinsunod sa imperyalistang patakarang "globalisasyon."

Gunitain ang Ika –21 taon ng Pag-aalsa ng Masa sa EDSA na Nagpatalsik sa Diktadura (tags)

“Lumalaon bumubuti, sumasama kaysa dati!” Ito ang malungkot na kasabihan ng komunidad ng mga Pilipino-Amerikano sa Estados at ng masang Pilipino sa Rebolusyong sa EDSA na naganap noong Pebrero 21-25, 1986 para sa mga tao at grupong umangkin sa pagpapabagsak ng diktadurang US-Marcos. Dati-rati, sisidlan ng tuwa at karangalan sa mga Pilipino sa Amerika ang rebolusyong Pebrero o Rebolusyong EDSA. Ngunit ngayon, tulad sa Pilipinsa lumipas ito ng hindi man pinapansin o binibigyan ng pagdiriwang o pag-alala ng mga grupo at personalidad na umaangkin dito Ngunit ang pinatunayan ng EDSA, hindi dapat huminto ang masa sa paghahangad lamang ng pagbabago sa liderato o sa estrakturang pamlipunan. Ang simpleng pagapapalit ni Marcos at Aquino at Estrada tungo kayA rroyo ay di na dapat maulit pa! Upang ganap na mabago ang sistema, kailangan ang ganap at tunay na pagbabago sa sistemang sosyal upang makamit ng sambayanan ang tunay na reporma at pagbabagong sosyal. Dapat pa nating pag-ibayuhin ang pakikibaka, maging inspirasyon sa ating ang naganap na rebolusyon sa EDSA na kaya nating baguhin ang lipunang Pilipino gaano man ito katagal at kahit gaano kalaki man ang sakripsiyo na kailangan nating gawin.

Gunitain ang Ika –21 taon ng Pag-aalsa ng Masa sa EDSA na Nagpatalsik sa Diktadura (tags)

Ngunit ang pinatunayan ng EDSA, hindi dapat huminto ang masa sa paghahangad lamang ng pagbabago sa liderato o sa estrakturang pamlipunan. Ang simpleng pagapapalit ni Marcos at Aquino at Estrada tungo kayA rroyo ay di na dapat maulit pa! Upang ganap na mabago ang sistema, kailangan ang ganap at tunay na pagbabago sa sistemang sosyal upang makamit ng sambayanan ang tunay na reporma at pagbabagong sosyal. Dapat pa nating pag-ibayuhin ang pakikibaka, maging inspirasyon sa ating ang naganap na rebolusyon sa EDSA na kaya nating baguhin ang lipunang Pilipino gaano man ito katagal at kahit gaano kalaki man ang sakripsiyo na kailangan nating gawin. Tulad ng dati:

IPAGLABAN ANG KATARUNGAN PARA KAY NICOLE, IPAGTANGGOL ANG DANGAL NG BAYANG PILIPINAS! (tags)

Naninindigan ang Pesante-USA na kung ang soberanya at legalidad ang pag-uusapan, lahat ng mga balibagan ng katumpakan at kamalian ng usapin hinggil sa paglilipat ng may-salang marinong si Daniel Smith sa U. S Embassy, ang tunay na esensya ng usapin ng panggagahasa kay Nicole ay talagang matatabunan. Tunay na makakaligtaan ang isang Pilipina ang nagdurusa dahil sa tahasang kawalang katarungan at pagpapatuta ng gobyerno ng Pilipinas. Ang inapi, inalipusta at hanggang sa ngayon ay binubusabos ng sarili niyang gobyerno, ang kababayan nating si Nicole.

ignored tags synonyms top tags bottom tags