PESANTE NEWS
February 1, 2010
Kundenahin ang Pagdukot at Pamamaslang sa Inosenteng Sibilyan
Los Angeles--Ayon sa ulat ng PESANTE NEWS , mariing kinukundena ng NDF-Bicol ang sunud-sunod na pagdukot at pamamaslang sa mga inosenteng sibilyan na ginagawa ng 2nd IDPA at 901st Brigade sa probinsya ng Albay.
Walang pakundangang binaril at napatay ang sibilyang si Vergel Mapola Catubig ng mga militar sa isang pistahan sa Bgy. Lawinon, Pio Duran, Albay noong Enero 30 ng umaga.
Mga elemento rin ng special operations team (SOT) ng 901st Brigade ang
dumukot sa mga magsasakang sina Ananias Cardiente Jr. at Vicente
Moradillo noong Enero 15, 2010 sa Bgy. Taplacon, Camalig, Albay.
Nawawala pa ang dalawa hanggang sa ngayon. Isa pang sibilyan sa Camalig
ang dinukot, ginilitan ng leeg at pinatay at natagpuan ang bangkay sa
sakop na ng bayan ng Jovellar.
Ang mga pamamaslang ay bahagi ng taktikang terror at maruming psy-war na sistematikong ginagamit ng 901st Brigade upang maghasik ng takot sa
mamamamayan at kasabay ibintang sa BHB ang kanilang karumaldumal na mga krimen.
Ka Greg Banares
NDF-Bikol
greg_banares@yahoo.com
gb_ndfbicol@yahoo.com