PESANTE NEWS
Enero 18, 2010
KAMPANYA SA ELEKSYONG 2010 LALONG UMIINIT
Los Angeles—Lalo pang umiinit ang labanan sa pagkapangulo ng Pilpinas. Ito ay ayon sa mga pampulitikang observers ng PESANTE sa Maynila at sa Los Angeles.
Nagdesisyon diumano ang mayorya sa Senado na punahin “censure” si Senador Villar at hinihiling na ibalik nito ang may P 2.6 bilyong diumano ay nakurakot nito sa bayan. Ngunit hindi ito pinapansin ni Villar at binansagan pa itong “walang kwenta at isang pirasong papel” ng tagapagtanggol ni Villar na si Senador Rene Cayetano.
Pinirmahan diumano ng may 12 senador na kaaway ni Villar ang dokumento ayon sa pangulo ng senado na si Senador Juan Ponce Enrile. Ito naman ay kinontra ng minorya sa pamununo ni Senador Aquilino Pimentel Jr, tagapagtaguyod ni Villar.. Maliwanag na isa itong pampulitilkang maniobra sa harap ng umiinit na kampanya sa pangpanguluhan ng Pilipinas sa Mayo 2010.
Atake laban kay Noynoy
Ngunit hindi lamang si Villa ang nasa mainit na hurnong pampulitika. Si Sendor Aquino ay lumasap din ng matitinding atake dahil sa paninindigan nitong hindi dapat humirang si Arroyo ng punong mahistrado. Lalo pa itong uminit ng magpahayag siya na “ hindi niya Gloria Macapagal-Arroyo kapalit ni Hepe Mahistrado Puno.
Mainit na talakayan at marami ang nagsasabing hindi dapat humirang ng kapalit ni Puno ng panahon ng eleksyon. Ngunit nagpipilit ang mga alipures ni GMA na gawin ito bago mageleksyon sa kanilang paniniguro sa hinaharap.
Isa pang linya ng atake ay ang pinasok na alingasgas ng kapatid nitong si Kris Aquino. Bagamat hindi dapat, isinasangkot ang usapin ni Kris sa kapatid nito na hindi naman dapat maging isang usaping pulitika. Ngunit ayon sa mga observers, sa pag-atake kay Kris ay lalo lamang tataas ang popularidad ni Noynoy dahil dito.
Binabatikos din ang hindi pagsipot ni Aquino sa isang talakayan hinggil sa diplomasya at usaping pandaigdig na dinaluhan ng ilang kandidato. Abala diumano si Noynoy sa pangangampanya sa La union, kung saan siya mahina. Hindi rin dumalo si Joseph Estrada sa debate sa Carlos P. Romulo Foundation.
Suporta kay Binay, hindi kay Erap
Nagpahayag naman ng suporta para kay Mayor Jejomar Binay siSenador Francis Escudero. Ngunit tahasang hindi nito sinuportahan si Estrada sa pagkapangulo.
Isa itong malaking pagbabago sa kampanya atg kay Binay. nakikitang malaking dagdag para kay Binay.
Samantala inaabangan ng lahat ang paghaharap ng sakdal laban kay Senador Panfilo Lacson. Inaasahang totohanin ng DOJ ang pagsasampa ng demanda laban sa senador na nasasangkot at itinuturong mastermind ng pagpatay kina Bobby Dacer-Corbito noong 2001.
Ayon kay Enrile kukupkupin nila sa Senado si Lacson. Hinihintay ng lahat kung kukupkupin ng sa ilalim ng prokesyon ng senado si Lacson o paparusahan naman sa kabilang panig si Villar.
***********