imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
• latest news
• best of news
• syndication
• commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
json version - view hidden posts

Alisin ang piring sa mata ng sambayanan!

by Pesante-USA Monday, Dec. 28, 2009 at 3:56 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, Ca 90026

Nais kong makiisa sa National Democratic Front-Mindanao sa isinasagawa nitong programa ng pagkilala at pagpugay sa mga taong-midya na nag-aambag sa pagsisikap ng sambayanang Pilipino na itaguyod ang katotohanan, ilantad ang pagsasamantala at pang-aapi sa mamamayan, iwaksi ang mga kasinungalingan ng mga bulok na naghahari, at tuluy-tuloy na itaguyod ang mga makatarungang interes ng mamamayan. Nitong nagdaang halos isang dekada, nakapailalim ang mamamayang Pilipino sa paghahari ng isang buktot na rehimeng walang lubay sa pambabaluktot sa katotohanan at sa pagsisikap na maitago ang maraming krimen at katiwalian nito. Sa layong bulagin ang sambayanan, nagpakadalubhasa si Gloria Arroyo at ang mga masugid niyang tagasunod sa paglulubid ng buhangin at sa pambubusal o pagpapatahimik sa mga nakaaalam sa kanyang mga krimen at katiwalian.

PESANTE NEWS

December 26, 2009

Alisin ang piring sa mata ng sambayanan! Pagpupugay sa mga taong-midya na nagtataguyod sa katotohanan at interes ng sambayanan

Disyembre 26, 2009

Nais kong makiisa sa National Democratic Front-Mindanao sa isinasagawa nitong programa ng pagkilala at pagpugay sa mga taong-midya na nag-aambag sa pagsisikap ng sambayanang Pilipino na itaguyod ang katotohanan, ilantad ang pagsasamantala at pang-aapi sa mamamayan, iwaksi ang mga kasinungalingan ng mga bulok na naghahari, at tuluy-tuloy na itaguyod ang mga makatarungang interes ng mamamayan.

Nitong nagdaang halos isang dekada, nakapailalim ang mamamayang Pilipino sa paghahari ng isang buktot na rehimeng walang lubay sa pambabaluktot sa katotohanan at sa pagsisikap na maitago ang maraming krimen at katiwalian nito. Sa layong bulagin ang sambayanan, nagpakadalubhasa si Gloria Arroyo at ang mga masugid niyang tagasunod sa paglulubid ng buhangin at sa pambubusal o pagpapatahimik sa mga nakaaalam sa kanyang mga krimen at katiwalian.

Sa desperadong hangaring mapigilang kumilos at lumaban ang pinagsasamantalahan at inaaping mamamayan, ginawa ng naghaharing rehimen ang lahat para makulong pa sila sa kadiliman.

Sa harap ng paghahari ng kasinungalingan at pambabaluktot, naging napakahalaga ng papel ng masmidya sa pakikibaka ng mamamayan na ilantad ang katotohanan at isiwalat ang mga kasinungalinan at pambabaluktot. Gayon na lamang ang pasasalamat ng sambayanang Pilipino sa mga journalist, brodkaster, photographer, mananaliksik, cameraman at iba pang manggagawa sa masmidya na nagpamalas ng militansya para sa katotohanan. Nagpunyagi silang magtanong, mag-ungkat at magpalaganap ng katotohanan, laluna tungkol sa mga usaping mahigpit na nakasalang ang interes ng buong bayan o nakararaming mamamayan.

Nakikiisa ang rebolusyonaryong kilusan sa paglaban ng mga taong-midya para ipagtanggol ang kanilang propesyon laban sa pandarahas sa kanilang hanay. Kaalinsabay ng walang habas na pasistang atake ng mga armadong ahente ng estado laban sa mga aktibista at iba pang masugid na kritiko ng rehimen, ang masmidya ay partikular na target din ng karahasan ng mga pasistang pwersa ng estado at mga makapangyarihan na nagpupumilit na busalan ang kanilang bibig at baliin ang determinasyon ng mga mamamahayag na alamin at ilantad ang katotohanan. Mula 1992, halos isandaan nang manggagawa sa midya sa ating bansa ang pinaslang.

Nais naming ipaabot sa mga taong-midya na nakahanda ang rebolusyonaryong kilusan na makipagtulungan sa inyo para kamtin ang katarungan sa mga krimeng ito.

Sinusuportahan din ng rebolusyonaryong kilusan ang pakikibaka ng sektor ng masmidya sa mga batas, hakbangin at panukalang yumuyurak sa kalayaan sa pamamahayag at nagtatangkang ipataw ang kapangyarihan ng estado sa masmidya.

Kasabay nito, hinihikayat namin ang masmidya na tuluy-tuloy na magbigay ng masusing pansin at pagsisiwalat sa mga mabibigat na isyu ng mamamayan at sa kanilang mga pakikibaka. Nawa'y magkaroon ng mas malaking espasyo sa mga pahayagan at oras sa radyo at telebisyon ang mga manggagawa at magsasaka at iba pang inaaping uri at sektor upang maipahayag nila ang kanilang mga hinaing at mapatampok ang kanilang mga ipinaglalaban.

Nais din namin kayong anyayahan na maglaan ng ilang panahon para makipamuhay sa loob ng mga sonang gerilya upang makita ninyo ang magagandang bunga ng pagsusulong ng rebolusyong agraryo; armadong pakikibaka; mga repormang pampulitika, sosyo-ekonomiko at kultural; at pagtatatag at pagpapatakbo ng bagong demokratikong gubyernong bayan kung saan umiiral ang Pulang kapangyarihang pampulitika. Sa pamamagitan ng inyong mga mata, nawa'y makita ng higit na nakararaming mamamayan, sa loob at labas ng bansa, ang rebolusyonaryong pag-asa para sa kinabukasan ng mga Pilipino.

Umaasa kami na patuloy tayong magtutulungan para sa pagsusulong ng patriyotismo, demokrasya, kaunlaran at interes ng sambayanan!

Gregorio "Ka Roger" Rosal

National Spokesperson

Communist Party of the Philippines


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy