imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
• latest news
• best of news
• syndication
• commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
json version - view hidden posts

KONSULTANT NG NDF ILEGAL NA INARESTO

by Pesante-USA Saturday, Mar. 14, 2009 at 6:52 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0995 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 9026

Inulat ng balitaan ng PESANTE-USA na iligal na inaresto ng mga militar at pulis ang isang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa usapang pangkapayapaan. Mahigit na 20 tauhan na ng NDF ang inaaresto ng AFP mula ng matigil ang usapang pangakapayapaan noong 2004. Samantala. wala ring patid ang pagsalbeyds at pagpapahirap ng mga tropa ng AFP sa mga sibilyang pilit na isinasangkot sa armadong kilusang rebolusyonaryo. Ito ang ulat sa iba't ibang bahagi ng bansa na nilikom ng Pesante News.

KONSULTANT NG NDF IL...
dsc08158-1.jpg, image/jpeg, 2048x1536

PESANTE NEWS

Marso 13, 2009

Konsultant ng NDFP, iligal na inaresto

Los Angeles- Inulat ng balitaan ng PESANTE-USA na iligal na inaresto ng mga militar at pulis ang isang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa usapang pangkapayapaan. Mahigit na 20 tauhan na ng NDF ang inaaresto ng AFP mula ng matigil ang usapang pangakapayapaan noong 2004.



Samantala. wala ring patid ang pagsalbeyds at pagpapahirap ng mga tropa ng AFP sa mga sibilyang pilit na isinasangkot sa armadong kilusang rebolusyonaryo. Ito ang ulat sa iba't ibang bahagi ng bansa na nilikom ng Pesante News.

Marso 3. Napatay si Domingo Barbado at malubhang nasugatan si William Arroyo, parehong mangingisda, nang walang pakundangang paputukan ng mga elemento ng 42nd IB ang isang grupo ng 15 mangingisdang naglalayag sa Lagonoy Gulf, sakop ng Barangay Adiangao, San Jose, Camarines Sur. Para pagtakpan ang kanilang krimen, sinabi ng militar na napagkamalan umanong mga gerilya ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang mga mangingisda kahit hindi sila armado. Bago ito, noong Pebrero 13 ay pinatay din ng mga sundalo ng 42nd IB sa may baybayin ng Lahuy Island, Caramoan si Eli Bracero, isa ring mangingisda, dahil naglalayag siya sa lugar na nakareserba para sa eko-turismo.

Noon namang Enero ay namatay si Victor Panuelos, isang sibilyang taga-Sta. Maria, Presentacion, Camarines Sur nang mamaril ang mga sundalo ng 42nd IB habang tinutugis si Joseph Mendez, isa pang sibilyang iligal nilang inaresto, tinortyur at pinagnakawan at pinaratangang myembro ng BHB. Ang pinaiigting na terorismong militar ng 42nd IB sa lugar ay kaugnay ng clearing operations nito bilang paghahanda sa Balikatan exercises na ilulunsad rito sa Abril.

Pebrero 24. Dinampot ng mga elemento ng ISAFP, PNP CIDG at 8th ID si Eduardo Sarmiento sa Alabang, Muntinlupa, Metro Manila Iligal ang pagdakip kay Sarmiento dahil siya ay konsultant ng NDFP sa usapang pangkapayapaan at may proteksyon sa ilalim ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees.

Tinamnan si Sarmiento ng granada nang siya'y arestuhin para di siya agad makapagpyansa. Isinasangkot siya ng militar sa gawa-gawang kasong multiple murder kaugnay ng purgahan umanong naganap sa Inopacan, Leyte noong 1985.

Bago ito ay iligal ding inaresto, tinortyur at iniuugnay sa parehong kaso sa Inopacan, Leyte si Remegio Burac, istap ni Sarmiento. Si Burac ay dinampot habang sakay ng bus sa Lavezares, Northern Samar noong Enero 27.

Pebrero 22. Dalawang magsasakang napatay ng mga elemento ng 29th IB sa Barangay Lipa, Quezon, Bukidnon ang pinalalabas na mga myembro umano ng BHB para makatakas sa pananagutan ang militar. Sina Emily Ratilla at Danilo Ginanat ay nadamay sa labanan ng BHB at AFP at kinilala na ng punong barangay ng Lipa at meyor ng Quezon na mga ordinaryong sibilyan lamang. Kaugnay nito, umaabot na sa 75 pamilya mula sa mga baryo ng Lipa, Sta. Cruz at Kiburiao (lahat sa bayan ng Quezon) ang napilitang lumikas at pansamantalang naninirahan sa mga barangay hall at plasa sa kanilang mga baryo at karatig na mga lugar.

Pebrero 12. Dalawang magsasaka mula sa Paquibato District, Davao City ang pinagbubugbog ng mga elemento ng 3rd Special Forces. Bago ito, noong Pebrero 7 ay isang residente rin ng naturang lugar ang tinamaan sa istraping ng mga sundalo ng naturang yunit militar. Noon namang Enero 29, tatlong residente ng Panialum at Paquibato, kabilang ang isang lokal na lider ng simbahan ang pinagbubugbog ng mga sundalo ng naturan ding yunit. Apat namang myembro ng Paquibato District Peasant Alliance na residente ng Barangay Mapula, Paquibato ang binugbog ng mga sundalo noong Enero 27.

Pebrero 3. Sinalbeyds ng mga elemento ng 53rd IB si Tony Antubo, 30, isang magsasaka na taga Sityo Madagas Metsamaya,Barangay Gibo, Siayan, Zamboanga del Norte. Ito'y bilang ganti sa pananambang ng BHB-Front Feliciano sa naturang yunit ng militar. Iligal ding inaresto ng militar ang asawa niyang si Desyl at ang nakatatandang kapatid ni Antubo na si Ricky. Isinama rin ng mga sundalo ang sanggol na anak ni Desyl. Para pagtakpan ang kanilang krimen, pinalalabas ng AFP na ang tatlo ay mga myembro ng BHB.


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy