|
|
json version - view hidden posts
by AJLPP
Saturday, Mar. 07, 2009 at 8:16 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026
buong lakas na kinokondena ng AJLPP ang pasistang kriminal na rehimng US-Arroyo at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang paniktik nito sa pangghasa, pandarahas at walang awing pagpatay kay Rebelyn Pitao, anak na babae ni NPA Kumander Leoncio Pitao- Kumnader Parago ng NPA sa Mindanao.
Si Rebelyn Pitao ay dinukot at walang –awang pinatay matapos gahasain noong 6:30 ng gabi ng Miyerkoles habang pauwi sa kanilang bahay sa Bago Gallera. Ang kanyang bangkay ay natagpuang lumulutang sa ilog ng Carmen, Davao Del Sur may mahigit na 24 oras matapos siyang dukutin ng militar.
 dsc_0423-1.jpgih4drq.jpg, image/jpeg, 3008x2000
AJLPP Update March 6, 2009
Pagpatay kay Rebelyn Pitao-bagong utang na dugo ng mga Pasistang Kriminal na Rehimeng US-Arroyo sa Mindanao
Los Angeles—Buong pagkasuklam at ubod ng lakas na kinokondena ng Alliance-Philippines (AJLPP) papet-pasistang rehimeng US-Arroyo at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang paniktik nito sa pangghasa, pandarahaas at walang awang pagpatay kay Rebelyn Pitao, anak na babae ni NPA Kumander Leoncio Pitao- Kumnader Parago ng NPA sa Mindanao.
Si Rebelyn Pitao ay dinukot at walang –awang pinatay matapos gahasain noong 6:30 ng gabi ng Miyerkoles habang pauwi sa kanilang bahay sa Bago Gallera. Ang kanyang bangkay ay natagpuang lumulutang sa ilog ng Carmen, Davao Del Sur may mahigit na 24 oras matapos siyang dukutin ng militar.
Ayon sa KARAPATAN, isang grupong tumutulong sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas, natagpuan ang bagkay ni Rebelyn Pitao, 20, sa may Purok (sub-village) 5, San Isidro, Carmen ng gabi ng 6:30.
Ayon kay Joel Virador, dating kinatawan ng BAYAN MUNA sa Mindanao- ang insidente ay malinaw na patunay na bahagi ito ng estratehiya ng military laban sa NPA. “ Dahil hindi nila mahuli ang ama ng biktima, tanging ang pagdukot at pagpatay sa anak ang kanilang tanging magagawa.”
Ayon naman sa AJLPP: “Gawa lamang ng mga pasistang duwag ang pumatay ng mga walang labang babae at mga kamag-anak ng kanilang mga kaaway.”
Maruming record ng AFP
Dahil dito kinokondena rin ng AJLPP si Major Randolph Cabangbang, spokesman ng AFP Eastern Mindanao command na nakabase sa Camp Panacan sa pagsasabi nitong” ang mga biktima ni Parago ang may sala sa pangyayari. Gumaganti lang ang mga ito".
Nagpapahayag ng pakikiramay ang AJLPP condole sa Pamilya Pitao dahil sa karumaldumal na pangyayari. Hindi naming masisi si Kumader Pitao na magpahayg ng paghihiganti dahil sa karahasang ito laban sakanyang anak.
Sinabi pa ng AJLPP na ang dahilan ni Maj. Cabangbang ay isang lumang taktikang pusit na magkalat ng lason ng maitim na prpaganda para pagtakpan ang katotohanang bistado na ang AFP sa labis na kawalnghiyaan nito labans masa.
Umaabot na sa may 1,300 activist ang pinaslang ngAFP mula pa noong 2001 ng maupo ang pasistang presidenteng si Gloria Arroyo.
Mahigit na 230 aktibista kabilang ang mga consultant ng NDF para sa usapang pangkapayapaan ang nawawala. May mahigit pang 200 pa ang nakakulong at nasa mga piitan ng rehimen hanggang sa kasalukuyan..
Ang pagpatay kay Rebelyn Pitao ay dagdag sa mahabang listahan ng utang sa dugo ng Rehimeng U-Arroyo, Ngunit tiyak na sisingilin sila ng bayan sa hinaharap sa kanilang utang sa dugo.
Walang utang na hindi pinagbabayaran!
by AJLPP
Saturday, Mar. 07, 2009 at 8:16 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026
 dsc_0197.jpg2lkbnq.jpg, image/jpeg, 3008x2000