imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
• latest news
• best of news
• syndication
• commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
json version - view hidden posts

GYERA SA MINDANAO-LUMALALA

by Pesante-USA Sunday, Nov. 16, 2008 at 1:17 AM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0995 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Ayon sa pinakahuling ulat ng grupong Pesante-USA, parami nang parami ang bilang ng mga sibilyang Morong binibiktima ng mababangis na operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilang bahagi ng Mindanao. Ayon sa ulat ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na nahalaw ng Pesante, noong Oktubre 29, sa mga evacuation center sa Datu Piang, Maguindanao pa lamang ay mayroon nang 55,000 indibidwal na nagsilikas sa kani-kanilang mga tahanan, mula sa 35,000 katao noong Agosto. Mula Agosto hanggang ikatlong linggo ng Oktubre, umaabot na sa 127,164 pamilya o 611,753 indibidwal ang naaapektuhan ng mga sagupaan sa pagitan ng MILF at AFP sa mga prubinsya ng Lanao del Norte, Lanao del Sur, Sultan Kudarat at Maguindanao.

GYERA SA MINDANAO-LU...
dsc00143.jpg2wqh9r.jpg, image/jpeg, 1280x960

PESANTE MEWS

Nob. 14, 2008

Dumaraming sibilyang Moro ang biktima ng militarisasyon

Los Angeles- Ayon sa pinakahuling ulat ng grupong Pesante-USA, parami nang parami ang bilang ng mga sibilyang Morong binibiktima ng mababangis na operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa ulat ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na nahalaw ng Pesante, noong Oktubre 29, sa mga evacuation center sa Datu Piang, Maguindanao pa lamang ay mayroon nang 55,000 indibidwal na nagsilikas sa kani-kanilang mga tahanan, mula sa 35,000 katao noong Agosto.

Mula Agosto hanggang ikatlong linggo ng Oktubre, umaabot na sa 127,164 pamilya o 611,753 indibidwal ang naaapektuhan ng mga sagupaan sa pagitan ng MILF at AFP sa mga prubinsya ng Lanao del Norte, Lanao del Sur, Sultan Kudarat at Maguindanao.

Laganap ang ligalig. Ang matinding militarisasyon ay nagdudulot na ng iba't ibang problema sa pag-iisip sa mga bakwit. Ayon sa pagsisiyasat ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Oktubre, laganap ang mga palatandaan ng traumatic distress sa mga bakwit tulad ng pagiging ligalig, matatakutin at labis na mapaghinala.

Ang gayong sintomas ay nakita sa mga bakwit mula sa Lanao del Norte na nagsilikas patungong Kauswagan at Kolambugan sa naturang prubinsya at sa 17 iba pang evacuation center sa Ozamiz City at Tudela sa kanugnog na lalawigan ng Misamis Occidental. Anang CHR, isang dahilan nito ang takot ng mga bakwit bunga ng pagkalat ng mga bali-balitang may napipintong labanan sa pagitan ng AFP at MILF.

Ulat ng Luwaran, Pahayagan ng MILF sa Internet

Ligalig din maging ang mga Morong nakatira pa rin sa kani-kanilang mga baryo. Ayon sa Luwaran, ang website ng MILF, maraming residente ng Barangay Inas at Dungguan sa Mlang, North Cotabato ang nagbalot at naghandang lumikas matapos simulan ng militar ang pagsesensus ng mga residenteng Moro noong Oktubre 18. Walang ibinigay na dahilan ang mga sundalo sa ginagawa nilang pagsesensus kaya naghihinala ang mga Moro sa lugar na may "niluluto" ang militar laban sa kanila.

Di nakapagtataka ang takot na nararamdaman ng mga Moro sa naturang lugar. Dalawang araw bago simulan ng mga sundalo ang sensus sa Mlang, tatlong sibilyan ang dinukot ng mga elemento ng 40th IB sa Barangay Nalapaan sa kalapit na bayan ng Pikit, North Cotabato. Ang mga dinukot ay sina Rahman Suleik, anak niyang si Taurin Suleik at si Tontongan Dilanggalen.

Sa kanugnog na prubinsya ng Maguindanao, anim katao ang basta na lamang inaresto sa Barangay Linantangan, Mamasapano noong Oktubre 16 at pinagbubugbog. Nakilala ang mga biktima na sina Aladin Lamalan, Ding Datuan, Alimudin Ibrahim, Daud Ibrahim, Binyamin Abdulatip at isang nagngangalang Kaumbo. Nasa kamay pa rin ng militar ang apat sa kanila.

Mahigit ding 100 bahay ng mga sibilyan ang sinunog ng mga sundalo sa Barangay Nimao at Andabit sa Datu Piang, Maguindanao nitong kalagitnaan ng Oktubre, ayon din sa Luwaran.

Mga bakwit, ginugutom ng AFP. Samantala, hirap na nga ang mga bakwit ay pinagkakaitan pa ng AFP ng kinakailangang ayuda. Pinigilan ng mga sundalo ng 54th IB noong Oktubre 23 ang isang komboy ng United Nations World Food Programme nang dumaan ito sa isang tsekpoynt sa Dapiawan, Datu Piang, Maguindanao na may dala-dalang pagkain.

Para sana ito sa daan-daang pamilyang bakwit sa Libutan, Mamasapano, Maguindanao na nangagutom na mula nang pagbawalan sila ng mga sundalo na magtrabaho sa kanilang mga sakahan at anihin ang kanilang mga produkto. Ang mga nangangahas na pumunta sa kanilang mga bukirin ay binabaril. Dalawang magsasaka na ang nasugatan, ayon sa Luwaran.


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy