imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
• latest news
• best of news
• syndication
• commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
json version - view hidden posts

WALANG AWAT NA KILOS PROTESTA SA PILIPINAS

by Pesante-USA Wednesday, Jul. 23, 2008 at 1:25 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Sunud-sunod na kilos-protesta ang inilunsad nitong nagdaang mga araw, laluna ng mga kabataan, laban sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at sa pagtanggi ng rehimeng Arroyo na alisin ang ipinapataw nitong buwis sa mga ito. Papalaki at papadalas na mga kilos-protesta ng mga kabataan. Umabot sa mahigit 5,000 estudyante at kabataang di nakapag-aaral ang nagmartsa patungong Mendiola nitong Hulyo 18. Sa panawagang “Kabataan at Bayan, Mag-aklas,” nag-walkout ang libu-libong estudyante mula sa kani-kanilang eskwelahan. Iginiit nila ang pagbabasura sa value added tax (VAT) sa langis, ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law at ang pagsasabatas sa P125 across-the-board na umento sa sahod.

Tugon sa walang-awat na pagtaas ng presyo ng langis :

Walang-awat na mga kilos-protesta sa Pilipinas



Manila- Sunud-sunod na kilos-protesta ang inilunsad nitong nagdaang mga araw, laluna ng mga kabataan, laban sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at sa pagtanggi ng rehimeng Arroyo na alisin ang ipinapataw nitong buwis sa mga ito.

Papalaki at papadalas na mga kilos-protesta ng mga kabataan. Umabot sa mahigit 5,000 estudyante at kabataang di nakapag-aaral ang nagmartsa patungong Mendiola nitong Hulyo 18. Sa panawagang “Kabataan at Bayan, Mag-aklas,” nag-walkout ang libu-libong estudyante mula sa kani-kanilang eskwelahan. Iginiit nila ang pagbabasura sa value added tax (VAT) sa langis, ang pagbabasura sa Oil Deregulation Law at ang pagsasabatas sa P125 across-the-board na umento sa sahod.

Malayo pa sila sa Mendiola ay hinarang na sila ng mga pulis. Tumungo sila sa Mehan Garden at doon naglunsad ng programa. Kabilang sa programa ang mga dulang kalye at mga awitin. Nagsagawa ng alternatibong paaralan sa lansangan ang mga estudyante kung saan pinag-aralan ang bulok na sistema ng lipunang Pilipino.

Kasabay ding naglunsad ng pagkilos ang mga estudyante sa mga unibersidad sa Baguio City, Cebu City, Davao City, Negros Occidental at Negros Oriental. Sa Baguio City, umabot sa 1,000 estudyante na pawang nakapula ang nagmartsa sa mga kalsada. Nagawa nilang makapagtipon sa Malcolm Square sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at ng tatlong tangkang panghaharang ng mga pulis sa Session Road at Magsaysay Avenue.

Ang demonstrasyong ito ang ikalawang malaking kilos-protesta ng mga kabataan sa loob ng sampung araw. Noong Hulyo 10, na idineklarang National Youth Action Day, libu-libo ring estudyante ang nag-walkout sa mga klase sa pangunguna ng Youth for Truth and Accountability Now (Youth Act Now) at ng mga myembrong organisasyon nito tulad ng Anakbayan, League of Filipino Students, Student Christian Movement, Kabataang Pinoy, Youth Revolt, National Union of Students in the Philippines at College Editors Guild of the Philippines.

Lumahok ang libu-libong estudyante ng University of the Philippines, Polytechnic University of the Philippines, Philippine Christian University at Adamson University. Lumahok din sa mga pagkilos ang mga estudyante mula sa Ateneo de Manila, De La Salle University at University of Santo Tomas, gayundin ang mga mag-aaral mula sa Jose Rizal University, Lyceum of the Philippines, University of the East-Manila, pati na ang mga estudyante mula sa Sauyo, Culiat at Quirino High School. Nagkaroon sila ng programa at iba pang aktibidad sa kani-kanilang eskwelahan bago magtipon sa España Avenue sa Maynila at magmartsa patungong Mendiola Bridge (Don Chino Roces Bridge ngayon). Ang iba namang mga estudyante ay nagtipon sa tapat ng University of Santo Tomas sa España. Sinunog nila ang isang effigy ni Arroyo.

Hinarang ng mga pulis ang mga estudyante sa Mendiola kaya sa Morayta Avenue sila nagdaos ng programa.

Noon namang Hulyo 3, umabot sa 3,000 estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang nag-walkout mula sa kani-kanilang mga klase at nagmartsa patungong Mendiola. Isang linggo bago ito, napilitan ang administrasyon ng PUP na isauli sa mga estudyante ang dating siningil nitong P250 na developmental fee matapos magmartsa ang halos 2,000 estudyante sa upisina ng Commission on Higher Education sa Pasig City.

Nag-aalimpuyong mga protesta sa mga upisina ng kumpanya ng langis. Sunud-sunod na mga protesta ang inilunsad ng mga manggagawa at iba pang sektor sa tapat ng mga upisina ng mga kumpanya ng langis upang ipakita ang matinding galit ng mamamayan sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong langis.

Sinugod at binarikadahan noong Hulyo 14 ng mga myembro ng mga progresibong organisasyon sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang upisina ng Pilipinas Shell sa Valero Street, Salcedo Village, Makati City. Lumahok din sa kilos-protesta ang mga kasapi ng Anakbayan, Kilusang Mayo Uno, Migrante at iba pang mga organisasyon. Pinagbabato nila ng pintura at pinintahan ang pader ng gusali ng Shell ng mga mensaheng tulad ng "Oust Gloria" at "No to oil price hikes." Tinangkang harangin ng mga gwardya ng Shell ang mga nagpoprotesta. Tumagal nang ilang minuto ang protesta.

Noong Hulyo 11 naman, nilusob ng mga estudyante sa pangunguna ng Anakbayan ang pangunahing upisina ng Petron Corp. sa Gil Puyat Avenue sa Makati City. Pinagbabato nila ng grasa ang upisina ng Petron. Partikular na daing ng mga estudyante ang hirap na dinaranas ng kanilang mga magulang upang makaagapay sa lalong tumataas na presyo ng mga bilihin dulot ng hindi maawat na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Noong Hulyo 5, binato ng kamatis ng mga kasapi ng BAYAN ang upisina ng Pilipinas Shell sa Makati City upang tutulan ang panibagong pagtataas ng presyo ng langis noong araw na iyon.

Kumakalat na protesta sa buong bansa. Noon ding Hulyo 11, inilunsad ang 18 araw na protestang caravan sa pangunguna ng Anakbayan-Southern Tagalog mula sa Los Baños, Laguna. Kasama sa caravan ang Southern Tagalog Cultural Network at iba pang organisasyon ng kabataan. Dala-dala ng caravan ang mga isyu ng mataas na matrikula, presyo ng mga produktong petrolyo at ng mga bilihin tulad ng bigas.

Nakatakdang dumaan ang caravan sa Rizal, Quezon at Batangas upang manghimok ng mas marami pang kabataan na sumali sa protesta. Nakatakdang magtapos ang caravan sa Quezon City sa Hulyo 28 kung saan sasama sila sa iba pang organisasyon sa protesta sa araw ng State of the Nation Address ni Gloria Arroyo.

Samantala, inilunsad ngayong buwan ang isang signature campaign para ibasura ang Oil Deregulation Law at ang VAT sa mga produktong petrolyo. Umiikot ang kampanya sa mga terminal ng dyip at traysikel iba pang pampublikong lugar.

Sa Legazpi City, isinasagawa ang lingguhang noise barrage sa pangunguna ng mga progresibong organisasyon laban sa walang patid na pagtaas ng presyo ng langis.


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy