imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
• latest news
• best of news
• syndication
• commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
json version - view hidden posts

OPERASYONG MILITAR SA MINDANAO, LUMALALA

by Pesante-USA Thursday, May. 15, 2008 at 2:17 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

iulat ng Pesante-USA ang napabalitang malawakang operasyong militar sa Sulu at Davao, malawakang pagpapalikas pambubugbog at iligal na pang-aaresto ang tampok sa mga paglabag sa karapatang-tao noong buwan ng Abril.

OPERASYONG MILITAR S...
totingaugust2007040.jpg, image/jpeg, 682x511

Malawakang Operasyong Militar sa Mindanao, Abusong Militar Iniulat ng Pesante-USA

Manila- Iniulat ng Pesante-USA ang napabalitang malawakang operasyong militar sa Sulu at Davao, malawakang pagpapalikas pambubugbog at iligal na pang-aaresto ang tampok sa mga paglabag sa karapatang-tao noong buwan ng Abril.

Abril 30. Iniulat din na ang ma sundalong sangkot sa masaker sa Sulu, hindi pa nakakasuhan hanggang ngayon. Tatlong buwan na matapos ang pagmasaker ng militar sa walo katao noong Pebrero 4 sa Barangay Ipil, Maimbung, Sulu.

Pero hanggang ngayon ay wala pang kasong kriminal na naisasampa laban sa mga salarin. Kasama sa mga biktima ang mga batang apat at siyam na taong gulang at isang buntis.

Iginigiit ng militar na lehitimong engkwentro sa bandidong Abu Sayaff ang pangyayari sa kabila ng pahayag ng Commission on Human Rights (CHR) na walang habas na pamamaslang ang naganap. Tinukoy na ng CHR ang sangkot na mga yunit ng militar subalit ikinukubli pa rin ng AFP ang pangalan ng mga salarin.

Samantala, nagkukumahog ang upisina ni AFP chief of staff Gen. Hermogenes Esperon na bayaran na lamang ng tig-P200,000 na "blood money" ang pamilya ng bawat biktima.

Abril 28. Tatlong sundalo, kabilang ang dalawang tinyente ang nambugbog kay Olpiano Santillan, 40, sa Payatas, Quezon City. Pawang mga elemento ng National Capital Region Command ng AFP ang tatlo at nakatalaga sa gawaing "civil-military operations" sa Payatas.

Nag-aaway sina Santillan at kanyang asawa nang mapadaan sila sa tatlong sundalong nag-iinuman sa harap ng barangay hall.

Sinita sila ng tatlong sundalo at dinala si Olpiano sa loob ng barangay hall kung saan nakahimpil ang mga ito. Paulit-ulit na hinataw ng isang pirasong tabla sa likurang bahagi ng kanyang hita si Olpiano habang hinahawakan siya ng dalawang sundalo sa braso. Nagkapasa-pasa ang kanyang katawan matapos siya pagsusuntukin.

Abril 26. Arbitraryong inaresto at ikinulong ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Central Mindanao at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) si Jeramil Benedicto, isang magsasaka.

Katatapos lamang ng seremonya ng kanyang kasal sa Cannery Village, Polomolok, South Cotabato nang sumalakay ang mga elemento ng CIDG at ISAFP. Inaresto si Benedicto dahil kasapi umano siya ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa hangganan ng Saranggani at Davao del Sur. Walang

ipinakitang warrant of arrest ang mga pulis.

Abril 29-30 .Noon ding huling linggo ng Abril. Daan-daang pamilyang Lumad ang lumikas mula sa kanilang mga tirahan dahil sa matinding militarisasyon sa mga hangganan ng New Bataan at Compostela sa Compostela Valley at Baganga sa Davao Oriental. Tumungo sila sa sentrong bayan at iba pang mga ligtas na barangay.

Nagsimulang salakayin ng 28th, 30th, 67th at 72nd IB sa ilalim ng kumand ng 1001st Bde ang tatlong bayan noong Abril 5. Si Brig. Gen. Carlos Holganza ang nangangasiwa sa brigada.

Bukod sa pwersahang pagpapalikas, nagdudulot ang operasyong militar ng marami pang kaso ng paglabag sa karapatang-tao tulad ng intimidasyon, panghaharas, food blockade, pagkakampo ng militar sa mga bahay at iba pang lugar ng mga sibilyan at paninira ng mga ari-arian. Maraming hayop na ang kinatay ng mga sundalo at pinutol ang mga puno, abaka at iba pang pananim.

Isang siyam na buwang gulang na sanggol na kabilang sa tribong Mandaya ang namatay sa isang evacuation center. Mahina ang katawan ng bata nang makarating sa sentrong bayan. Tumaas ang lagnat nito subalit hindi maipagamot dahil walang ospital sa lugar. May iba pang mga batang maysakit, lalupa't kulang ang pagkain sa mga evacuation center.

Abril 29-30. Samantala, di bababa sa 400 pamilya ang lumikas dahil sa pambobomba ng militar sa isang kampo ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Indanan, Sulu noong madaling araw ng Abril 30.

Abril 29 nang mag-umpisa ang operasyong military sa Sulu. Pansamantalang nagkakanlong ang mga sibilyan sa Sityo Talatak, Barangay Bato-bato. Tapos na ang operasyon subalit nangangamba pa rin ang mga residente na mauulit ang pambobomba

********

FILIPINOS IN THE US PROTESTS HUMAN RIGHTS VIOLATIONS

by Pesante-USA Thursday, May. 15, 2008 at 2:17 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

FILIPINOS IN THE US ...
2459782171_dba2929398_o.jpg, image/jpeg, 1280x853

FIlipinos protest human rights violations of the USAR regime in the Philipppines


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy