imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
• latest news
• best of news
• syndication
• commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
json version - view hidden posts

Walang katarungan sa ilalim ng rehimeng Arroyo

by AJLPP Monday, Dec. 24, 2007 at 6:36 PM
ajlppsocal@yahoo.com 213-241-0995 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Ipinahayag ng mahigit 2,000 katao ang kanilang damdamin laban sa mga paglabag sa karapatang-tao sa mga plakard at istrimer nila. May mga nagsuot ng mga maskarang may tig-iisang letrang bumubuo ng salitang “hustisya.” Ilang metro bago ang Malacañang ay hinarang sila ng mga pulis na may suportang dalawang trak ng bumbero. Itinuloy ng mga nagmamartsa ang kanilang programa sa Morayta St. sa Sampaloc.

Walang katarungan sa ilalim ng rehimeng Arroyo

Ginunita sa iba’t ibang panig ng bansa nitong Disyembre 10 ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang-tao.

Maynila-- Ipinahayag ng mahigit 2,000 katao ang kanilang damdamin laban sa mga paglabag sa karapatang-tao sa mga plakard at istrimer nila. May mga nagsuot ng mga maskarang may tig-iisang letrang bumubuo ng salitang “hustisya.”

Ilang metro bago ang Malacañang ay hinarang sila ng mga pulis na may suportang dalawang trak ng bumbero. Itinuloy ng mga nagmamartsa ang kanilang programa sa Morayta St. sa Sampaloc.

Ani Rep. Teodoro Casiño ng Bayan Muna, isa sa mga nagtalumpati sa rali, hindi kailanman makakamtan ng mamamayang Pilipino ang minimithing katarungan habang nasa kapangyarihan ang rehimeng Arroyo. Ayon naman kay Marie Hilao-Enriquez ng Karapatan, makakamtan lamang ang katarungan kung ang kasalukuyang administrasyon ay matatanggal sa poder.

Naglunsad rin ng mga martsa at rali sa ibang bahagi ng bansa tulad ng Negros, Panay, Cebu City at Davao City. Ang maikling lakbayan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP)-Negros ay sinalihan ng 1,500 mula sa mga alyadong organisasyon sa ilalim ng BAYAN. Binasa sa pagtitipon sa plasa ng Bacolod City ang isang mensahe mula kay Kasamang Luis Jalandoni, tubong-Negros na tagapangulo ng NDFP Peace Negotiating Panel. Hinikayat ni Jalandoni ang pagkilos at pag-oorganisa ng libu-libong mamamayan para makapag-ipon sila ng lakas upang maipagtanggol at ipaglaban ang karapatang-tao.

Sa Panay, nagmartsa rin ang 3,600 aktibista sa Iloilo City, sa Roxas City, Capiz at sa Kalibo, Aklan. Tinuligsa nila ang kontra-rebolusyonaryong patakaran ng gubyerno na siyang sanhi ng nagpapatuloy na mga pampulitikang pamamaslang at pagdukot sa mga aktibista. Sa Cebu City at Davao, pinamunuan ng BAYAN at Bayan Muna ang mga kilos-protesta.

Sa Mindanao, nilagdaan nina Bishop Delfin Callao ng Iglesia Filipina Independiente, Ustadz Mohammad Tee, Ustadz Wilson Miranda at Amirah Ali-Lidasan ng Suara Bangsamoro Party at iba pang alyadong organisasyon ang isang pahayag na bumabatikos sa “all-out war” ng rehimeng US-Arroyo laban sa mga rebolusyonaryong pwersa at mga pinagsususpetsahang base nila. Anila, sa tabing ng mga programang “counter-terrorism” at “counterinsurgency,” ginagawang target ng mga operasyong istrayk, saywar at gawaing paniniktik ang mga sibilyang komunidad ng Kristyano, Moro at Lumad.

Ipinahayag naman ni Archbishop Angel Lagdameo, presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na mahihirapan, kundi man imposibleng makuha ng gubyernong Arroyo ang tiwala at respeto ng publiko dahil sa talamak na rekord nito sa pang-aabuso sa karapatang-tao

*****************


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy