imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
• latest news
• best of news
• syndication
• commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
json version - view hidden posts

Militarisasyon sa kanayunan ng Pilipinas lalong tumitindi-AJLPP

by AJLPP-USA Sunday, Dec. 23, 2007 at 5:22 PM
ajlpp_socal@yahoo.com 213-241-0995 337b Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Patuloy ang pamamaslang ng mga berdugo ni Arroyo sa mga lider-masa at tagasuporta ng progresibong kilusan. Nitong Disyembre, isang makamasang konsehal ng bayan ang binaril sa loob ng kanyang upisina sa Masbate. Sa Quezon at Surigao, biktima ng dislokasyon ang libu-libong mamamayan kabilang ang maraming bata dahil sa militarisasyon. Sa Compostela Valley, isang lider-manggagawa ang pinagbantaang papatayin. Samantala, dalawang pinaghihinalaang kadre ng Partido ang dinukot at tinortyur sa Nueva Ecija noong huling linggo ng Nobyembre.

Militarisasyon sa kanayunan, lalong tumitindi

Manila-- Patuloy ang pamamaslang ng mga berdugo ni Arroyo sa mga lider-masa at tagasuporta ng progresibong kilusan.

Nitong Disyembre, isang makamasang konsehal ng bayan ang binaril sa loob ng kanyang upisina sa Masbate. Sa Quezon at Surigao, biktima ng dislokasyon ang libu-libong mamamayan kabilang ang maraming bata dahil sa militarisasyon. Sa Compostela Valley, isang lider-manggagawa ang pinagbantaang papatayin.

Samantala, dalawang pinaghihinalaang kadre ng Partido ang dinukot at tinortyur sa Nueva Ecija noong huling linggo ng Nobyembre.

Disyembre 16. Pinagbantaang papatayin si Joel Cuyos, presidente ng Nagkahiusang Mamumuo sa San Jose-National Federation of Labor Unions-Kilusang Mayo Uno. Natanggap ni Cuyos ang pagbabanta sa pamamagitan ng mga mensaheng text. Tatlong kaduda-duhang lalaki ang namataang nagmamanman sa plantang pinagtatrabahuan niya noong araw ding iyon. Nasa kalagitnaan ngayon ng negosasyon ang unyon at Sumitimo Fruits Corp. hinggil sa mga iginigiit ng mga manggagawa.

Disyembre 11. Daan-daang mga Agta mula sa bayan ng General Nakar, Quezon ang napilitang lumikas sa kani-kanilang mga tahanan nang maglunsad ang militar ng sunud-sunod na mga opensiba noong unang linggo ng Disyembre. Karamihan sa mga biktima ay mga bata. Ikinagalit ng mga Agta ang sapilitang pagrerekrut ng militar ng kalalakihan para maging myembro ng Citizens’ Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).

Samantala, ayon sa Karapatan-Southern Tagalog, mahigit 9,000 nang mga bata mula sa Quezon ang naging internal refugee mula noong unang linggo ng Disyembre. Napilitan silang lumikas dahil sa matitinding abusong militar sa kanilang mga pamilya tulad ng pananakot, harasment at tortyur. Ipinatatawag ng mga sundalo ang mga magulang ng mga bata tatlong beses isang buwan para sa interogasyon. Kapag di sila nakapupunta sa kampo, pinagbibintangan silang kasapi ng BHB.

Ang mga batang biktima ng militarisasyon na huminto na sa pag-aaral ay mula sa mga bayan ng General Luna, Agdangan at Lopez, Quezon. Sa Barangay Malaya, General Luna, nagtayo ang militar ng detatsment malapit sa paaralan kaya nagmistulang war zone ang paligid. May ilang batang ikinulong kasama ng kanilang mga magulang na pinagbibintangang mga simpatisador o myembro ng BHB.

Disyembre 7. Pinatay ng isang isnayper si Regolo Moran, bise alkalde ng bayan ng Dimasalang, Masbate sa loob ng kanyang upisina. Malubha ring nasugatan ang dalawa niyang empleyado. Si Moran ay matagal nang kumukundena sa serye ng mga pamamaslang sa mga aktibista nitong nakaraang anim na taon. Pamumunuan sana niya ang isang rali para sa pagtataguyod ng karapatang-tao noong Disyembre 10.

Nobyembre 28. Dinukot ng sampung elemento ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at ng 7th ID ng Philippine Army sina Emeterio Antalan at Edgardo Friginal sa Pulong Bomba, Barangay Dimasalang Norte, Talavera, Nueva Ecija. Sina Antalan at Friginal ay parehong pinagsususpetsahang kadre ng PKP. Ayon sa mga saksi, ginapos ng militar ang kanilang mga kamay, binugbog, pinagsisipa at kinulata. Isinakay silang nakapiring sa isang puting van na may plakang NUK 899 na papunta sa direksyon ng Barangay San Ricardo, Talavera. Inamin lamang ng AFP na nasa kanila sina Antalan at Friginal makalipas ang apat na araw. Bakas pa rin sa mga katawan nila ang mga pambubugbog at iba pang tortyur na naranasan nila nang makausap na sila ng kanilang mga kamag-anak nitong Disyembre 3 sa Nueva Ecija Provincial Jail sa Cabanatuan City. Bagamat pulitikal ang kaso nila, sinampahan sila ng multiple murder, pagnanakaw at panununog.

Mistulang batas militar sa Eastern Visayas. Nagkaroon ng 139 kaso ng paglabag sa karapatang-tao na bumiktima sa 5,486 na indibidwal, 916 na pamilya at 12 komunidad sa Eastern Visayas ngayong 2007, ayon sa KATUNGOD-Sinirangan Bisaya. Tampok sa ulat ang karumal-dumal na pagmasaker ng mga elemento ng 19th IB sa pitong magsasaka ng Barangay San Agustin, Palo, Leyte kung saan kasamang napaslang ang magsasakang si Alma Bartoline at ang kanyang ipinagbubuntis na sanggol. Isa pang kasuklam-suklam na krimen ng AFP ang pagsunog ng mga elemento ng 62nd IB sa mga bahay ng mga magsasaka sa Sityo Ogbok, Barangay Villa Aurora, Basey, Samar at Barangay Sinalangtan, Calbiga, Samar. Natupok ng apoy ang lahat ng kanilang mga ari-arian.

Matatandaang ipinangalandakan ng 62nd IB noong Disyembre 10 na ang Barangay Villa Aurora ay isa sa limang barangay kung saan nabawi na umano ang mga lupaing kinumpiska ng rebolusyonaryong kilusan at naibalik na sa mga may-ari nito. Ang mga magsasakang biktima ng panununog ay kabilang sa sinasabi ng militar na mga nagbubungkal daw ng lupaing ginawang mga komunal na sakahan.

Buo-buo ring mga pamilya ang inaresto at ikinulong. Isang halimbawa ang mag-asawang Dominador Doque at Divina Belanigue, kasama ang kanilang isang taong gulang na anak. Patuloy silang nakakulong sa kampo ng 62nd IB sa pamumuno ni Lt. Col. Jonathan Ponce.

Ayon sa KATUNGOD-SB, mistulang batas militar ang pinaiiral sa buong Eastern Visayas dahil sa tindi ng mga paglabag sa karapatang-tao.

Hagupit sa mamamayan ng Surigao del Sur. Sa Surigao del Sur, mahigit 400 residente kabilang ang mga bata mula sa Sityo Kilometer 22, Barangay Anahao Daan, Tago ang sumilong noong Disyembre 2 sa mga abandonadong kubo sa Barangay Parina. M

Mahigit 100 lumad naman sa Barangay Lagangan ang nagsisiksikan sa barangay hall ng Carac-an, Tago dahil sa panibagong opensibang militar ng AFP. Nauna rito, mahigit 3,000 residente ang nagsilikas dahil sa matitinding operasyong militar.

Lumikas ang mga taumbaryo dahil tinututukan sila ng baril ng mga nag-ooperasyong mga sundalo kapag dumaraan sa kanilang bukirin. Nirekisa rin ng mga sundalo ang kanilang mga bahay, ninakaw ang kanilang mga produkto at pinaalis sila sa kani-kanilang mga tahanan para mapagkampuhan ng militar ang mga ito.

Matinding gutom at hirap ang kinakaharap ngayon ng mga bakwit dahil hindi kayang ibigay ng mga upisyal ng Barangay Anahao Daan ang kanilang mga pangangailangan. Naiulat na 53 bata ang dumaranas ngayon ng grabeng pag-ubo, sipon, pagtatae at pananakit ng mata.

Iginiit ng mga bakwit na hindi sila babalik sa kanilang mga bahay hangga’t hindi umaalis ang mga sundalo. Ito’y sa kabila ng panawagan umano ni Col. Francisco Mendoza, namumuno ng nag-ooperasyong mga tropa ng 58th IB, na bumalik na sila sa kani-kanilang mga tahanan.

Ayon sa mga bakwit, ayaw na nilang maulit ang isang pangyayari noong Mayo 2005 kung saan walong magsasakang sapilitang pinagsilbing giya ng militar ang hindi na muli natagpuan. Isa ring magsasaka, si Jessie Bacasmas, ang basta na lamang binaril habang nagsasakay ng mga gamit sa trak na may lulang mga bakwit. Anila, habang nagpapatuloy ang operasyong militar at nakapakat ang daan-daang tropa sa kanilang mga barangay ay hindi sila ligtas sa mga abusong militar.

Mahigit isang buwan nang naglulunsad ng operasyong militar ang mga elemento ng 58th IB sa liblib na mga komunidad ng mga bayan ng Lianga, San Agustin, Tago at San Miguel, Surigao del Sur. Desperado itong pagtatangka ng 401st Infantry Brigade sa pamumuno ni Col. Jose Vizcarra na durugin ang armadong rebolusyonaryong kilusan at lipulin ang BHB matapos ang 2010.

******************


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy