imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
• latest news
• best of news
• syndication
• commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
json version - view hidden posts

ILITAW SI KASAMANG LEO VELASCO--FQSN

by First Quarter Storm Network( FQSN) Thursday, Sep. 06, 2007 at 6:44 PM
fqsn_usa@yahoo.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Mahigit nang anim na buwan mula nang garapalang dukutin ng mga operatibang militar ng rehimeng Arroyo si Kasamang Leo Velasco sa Cagayan de Oro City. Sa harap ng maraming tao, sapilitan siyang isinakay ng mga militar sa kanilang van, kasabay ang pagpapakilala sa sarili bilang mga pwersang panseguridad at pagbabanta sa mga tao sa paligid na "huwag makialam." Aktibista ng FQS si Ka. Leo Bilang mga aktibista ng First Quarter Storm Network sa Amerika, nagpapahayag kami ng marubdob na hangarin at panawagang Ilitaw si Ka. Leo Velasco, aktibista ng UP College of Medicine na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (NPA) noong 1971. Dinakip siya at magpahanggang ngayon ay ayaw ilitaw ng militar. Napakarami nang beterano ng FQS ang patuloy pa ring nakikibka sa iba'tibang antas at nagpapatuloy sa pagsusulong ng demokratikong kilusan apra palayain ang bayang Pilipinas sa pangaaapi ng Imperyalistang dayuhan at kamtin ang pambansang demokrasya.

Pahayag ng FQSN-USA

Agosto 30, 2007

Ilitaw si Ka.Leo Velasco!

Los Angeles -- Mahigit nang anim na buwan mula nang garapalang dukutin ng mga operatibang militar ng rehimeng Arroyo si Kasamang Leo Velasco sa Cagayan de Oro City. Sa harap ng maraming tao, sapilitan siyang isinakay ng mga militar sa kanilang van, kasabay ang pagpapakilala sa sarili bilang mga pwersang panseguridad at pagbabanta sa mga tao sa paligid na "huwag makialam."

Aktibista ng FQS si Ka. Leo

Bilang mga aktibista ng First Quarter Storm Network sa Amerika, nagpapahayag kami ng marubdob na hangarin at panawagang Ilitaw si Ka. Leo Velasco, aktibista ng UP College of Medicine na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (NPA) noong 1971. Dinakip siya at magpahanggang ngayon ay ayaw ilitaw ng militar.

Napakarami nang beterano ng FQS ang patuloy pa ring nakikibka sa iba'tibang antas at nagpapatuloy sa pagsusulong ng demokratikong kilusan apra palayain ang bayang Pilipinas sa pangaaapi ng Imperyalistang dayuhan at kamtin ang pambansang demokrasya.

Si Ka Leo ay konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa usapang pangkapayapaan sa Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP). Inaamin ng mga upisyal militar na si Ka Leo ay matagal na nilang gustong dakpin at patayin.

Mariing kinukundena ng buong rebolusyonaryong kilusan ang duwag na pagdukot kay Ka Leo, ang walang pakundangang paglabag sa kanyang mga karapatan at ang patuloy na pagtanggi ng reaksyunaryong gubyerno at militar na ilitaw siya. Walang habas ang pasistang karahasan ng rehimeng Arroyo sa lahat ng masugid na lumalaban sa bulok na papet at reaksyunaryong gubyerno, estado at sistemang panlipunan.

Sino si Ka Leo?

Si Kasamang Leo Velasco ay kabilang sa ilampung libong naglitawang magigiting na mandirigmang Pilipino sa kanilang pakikibaka para sa pambansang kalayaan, katarungan, demokrasya, kapayapaan at tunay na kaunlaran. Isa siya sa mahuhusay na lider ng rebolusyong Pilipino.

Sa araw ding ito, 56 na taon na ang nakararaan, ipinanganak si Ka Leo sa Olongapo, Zambales. ( Kasabay niyang isinilang sa araw din ng Agosto 23,si Ka. Venerando Villacillo ng Mindanao na yumao noong 1985)

Maaga siyang namulat sa api at di pantay na pagtrato sa mga Pilipinong manggagawa kumpara sa mga pribilehiyadong Amerikano sa Subic Naval Base, kung saan nagtrabaho ang kanyang ama. Sa paghahangad na maging manggagamot, pumasok siya sa College of Medicine ng University of the Philippines noong 1970 at sumapi sa Progresibong Kilusang Medikal (PKM).

Sa inspirasyon ng Unang Sigwa ng 1970, masugid siyang lumahok sa pakikibaka para sa mga pambansa-demokratikong karapatan at interes ng sambayanan.

Estudyante pa lamang siya sa medisina'y may marubdob na pagnanais na siyang makapaglingkod sa mamamayan sa pamamagitan ng paggamot sa mga maysakit.

Lumahok siya at ang kanyang kabyak na si Ka. Kary ay sumama sa mga misyong medikal sa mga maralitang komunidad. Doo'y nakita niyang ang laganap na mga sakit ng tao ay sintomas lamang ng malalalim na sakit ng buong sistemang panlipunan.

Sa pagpapalalim ng pagsusuri ay nakita niyang nauugat ang mga ito sa mga saligang suliranin ng imperyalismong US, laganap na pyudalismo at malalang burukrata kapitalismong humantong na sa pasismo. Nagpasya siyang ialay ang buong buhay sa puspusang pakikibaka para sa mga interes at adhikain ng mamamayan, lalong-lalo na ng masang anakpawis.

Buhay rebolusyonaryo

Tumungo siya at ang kanyang kabyak na si Ka. Kary sa kanayunan, kumilos at lumahok sa mga pakikibaka sa hanay ng maralitang masang magsasaka. Doo'y tuluy-tuloy niyang isinapraktika at pinaunlad ang panimulang mga natutunan niya sa medisina.

Napabilang siya sa Seksyong medikal at naging isang mediko. Naging mahusay siya sa acupuncture at iba pang paraan ng panggagamot. Isa siya sa mga pangunahing naging guro na nagbigay ng pagsasanay sa iba pang mga manggagamot na naglilingkod sa masa.



Kasabay nito'y naging mahusay siyang pampulitikang instruktor ( naging instruktor sa Makilos na Paaralang Pulitiko-Militar) may malaking naiambag sa pagmumulat, pag-oorganisa at paglulunsad ng mga pakikibakang masa lalo na sa pagtutuwid ng mga kamalian sa Forest Region ng Isabela.

Ipinamalas niya ang sipag sa pag-aaral at talas ng pagsapol at pagpapaliwanag ng mga saligang rebolusyonaryong prinsipyo, istratehiya at taktika. Masigasig siya sa pagdidiskubre at pagtuturo ng mga bagong kaalaman. Sa iba pang linya ng gawain, mga kumperensya at pagpupulong, lagi siyang aktibo sa paglilinaw ng mga susing kawing ng mga gawain, paghahapag ng mga bagong ideya at taktika sa pagharap sa samu't saring usapin, laluna sa praktikal na pagpapatupad ng mga ito.

Mulat na sinuong at pinangibabawan niya ang lahat ng kahirapan at pagpapakasakit—gutom, puyat, sakit, mahahaba at mahihirap na lakaran o matatarik na akyatin, matitinding operasyong militar ng kaaway sa kanayunan, pagtugis ng kaaway sa kalunsuran, pagkawalay sa mga magulang, asawa't anak. Tanging sandata niya ang mahigpit na pagyakap sa makatao't makatarungang layunin ng pambansa-demokratiko at proletaryong rebolusyon.

Kilala si Ka Leo bilang mapagmahal at mahusay na asawa at ama. Sa gitna ng mga kahirapan sa buong-panahong pagkilos at paglalaan ng buhay sa rebolusyon, ang madalang na pakikipagkita sa asawa't anak ay palaging masaya, makabuluhan at mabungang mga okasyon.

Siya ay mapagmahal at maalalahanin sa mga kasama. Mahilig siyang mamigay ng mga bagay na mayroon siya. Lagi siyang mabilis umagapay sa mga kasamang nasa kagipitan at humaharap sa mga suliranin. Maraming kwento ang mga kasama at masa tungkol sa kanyang matiyagang pag-aasikaso sa mga may sakit, sa kanyang pagiging simple at madaling kausap. Mabilis niyang makuha ang loob ng mga kasama at masa.

Istrikto Ngunit Maprinsipyo

Subalit istrikto rin siya sa disiplinang pang-organisasyon at sa pagtupad ng mga gawain. Marami ang natuto sa kanyang mahusay na aktitud at istilo ng paggawa at pamumuno.

Sa lahat ng pagkakataon, ipinamamalas ni Ka Leo ang katatagan kahit sa harap ng matitinding kahirapan. Kabilang siya sa mga mandirigmang ilang buwang naglakad sa mga kabundukan at kagubatan ng Sierra Madre noong dekada 1970 noong panahong matindi at walang tigil ang mga pagkubkob at pag-atake ng kaaway.

Sa panahong ito, ipinamalas niya ang pagkamapanlikha sa pangingibabaw sa mga kinaharap nilang suliranin katulad ng panggigipit ng kaaway sa suplay ng pagkain (at mga kapansanan sa katawan.)

Hindi kailanman natitinag ang kanyang paniniwala sa pagtatagumpay ng rebolusyon. Kabilang siya sa nakararaming muling nagpatibay at puspusang nagtaguyod sa mga saligang prinsipyo ng Partido sa harap ng mga tangka ng ilang traydor na baluktutin ito at lubhang pinsalain ang Partido at rebolusyonaryong kilusan.

Nag-ambag siya nang malaki sa tagumpay ng Unang Kilusang Pagwawasto lalo na sa pagtutuwid ng mga kamalian sa Dulong Hilagang Luzon mula 1973-77 at sa sumunod na Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto at sa higit na malalaking pagsulong ng Partido at buong rebolusyonaryong kilusan.

Rebolusyonaryong pamumuno

Pinakamatagal na kumilos si Ka Leo sa Cagayan Valley kung saan naglingkod siya sa pamunuan ng rebolusyonaryong kilusan. Sa panahong ito, inabot ng rehiyon ang noo'y pinakamalaganap at masinsing pagmumulat at pag-oorganisa sa masa, at pinakamalawak na paglulunsad ng mga pakikibakang agraryo at paglalatag ng rebolusyonaryong kilusan.

Tampok sa mga pinamunuan niyang malalawak na pakikibaka ng libu-libong magsasaka para sa lupa ang paglaban noong 1981-82 sa pangangamkam ng Hacienda San Antonio at Hacienda Sta. Isabel sa Ilagan, Isabela.

Pinaugong niya at ng mga kasama ang panawagang "Labanan ang Kahirapan!" at "Lupa para sa mga Magsasaka at hindi bomba!" na nagsenyal ng pagrurok sa pagkilos ng laksang magsasaka sa buong Cagayan Valley laban sa pang-aapi at kahirapan. Ginising niyon ang pag-asa ng mga magsasaka na magkaroon ng sariling lupang mabubungkal mula sa mahigit sandaantaong pagiging mga mala-tenante ng malalaking panginoong maylupa.

Masigasig at matiyaga siya sa pagtuklas at pagtuturo ng mapanlikhang mga paraan sa pakikibaka. Masipag niyang pinamunuan ang mga breyktru para igiit ang karapatang-tao ng mamamayan sa gitna ng katindihan ng militarisasyon ng kaaway noon sa Cagayan Valley, sa panahong kailangang-kailangan pero hindi pa nakabubwelo ang mga hayag at ligal na antipasistang kilusang masa.

Kabilang sa mga pinamumuan niyang breyktru ang mabilis at ligtas na pagkakabit ng mga anti-militarisasyong istrimer at poster sa mismong tapat at pader ng mga kampo militar, sa mga poste sa haywey at sa mga gusali at bakod sa kabayanan, raling iglap sa mga sentrong bayan, at harassment sa mga kampo militar ng mga kabataan at pang-aagaw ng armas sa kaaway para makadagdag sa arsenal ng BHB na noo'y kulang na kulang ng armas.

Tampok sa mga pagkilos na ito ang malaking martsa ng mamamayan ng Baggao noong 1979 para iprotesta ang pagpaslang ng militar sa lokal na lider magsasakang si Renato Diasan. Lumahok sa nasabing protesta si dating Sen. Jose "Pepe" Diokno, isa sa mga nangunguna noong tagapagtaguyod at abugado para sa karapatang-tao.

Sa akyong masang ito na Misang Bayan, nagsimulang lumarga mula noon ang sunud-sunod na mga pagkilos ng masa sa mga kabayanan at sa mismong mga kampo militar para ireklamo ang mga pasistang karahasan at pang-aabusong militar at igiit ang pagpapalalayas sa mga kampo militar.

Pagkatapos nito rumagasa na ang legal na kilusang magsasaka sa Cagayan Valley.

Kilala si Ka Leo sa kanyang tiyaga at husay sa pagsisistematisa at pagpapalalim ng pag-aaral teoretikal ng mga pagkilos at latag ng militar, laluna sa antas ng istratehiya at masasaklaw na plano at disposisyon, at paghahapag ng mga ideya sa pagkontra sa mga ito. Masusi niyang pinag-aaralan ang iba't ibang mga planong internal security operation ng kaaway at kung papaano bibiguin ang mga ito.

Pinakahuli sa mga masugid na pinag-aralan niya ang Oplan Bantay Laya (OBL). Pagkakuha na pagkakuha ng kabuuang plano at mga detalye ng ekstensyon nito, ang OBL2, kaagad siyang naghapag ng mga panukala para mabigo rin ito, katulad ng pagbigo ng rebolusyonaryong kilusan sa naunang bersyon nito at iba pang mas maagang oplan ng kaaway.

Pasistang karahasan ng rehimeng Arroyo

Ilan nang konsultant pangkapayapaan ng NDFP ang dinukot at maaaring tuluyang pinatay na ng mga operatibang paniktik at militar sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Ang pagdukot kay Ka Leo ay paglabag at walang pakundangang paglapastangan ng rehimen sa mga kasunduan sa pagitan ng reaksyunaryong gubyerno at ng NDFP, gayundin sa mga pandaigdigang batas sa pagrespeto sa mga karapatang-tao at iba pang sibil at pampulitikang karapatan at sa mga pandaigdigang batas sa sibilisadong pakikidigma.

Kabilang sa mga ito ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) na gumagarantiya sa buhay at kaligtasan sa aresto ng mga konsultant at istap ng NDF na lumalahok sa usapang pangkapayapaan, at ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Sa loob lamang ng anim na taon, mahigit isang libo nang mga aktibista at kritiko ng rehimeng Arroyo ang dinukot at pinatay ng mga pwersang militar at paramilitar sa desperasyong supilin ang paglaban ng mamamayang Pilipino. Ipinatutupad ng rehimen ang patakarang "huwag kumuha ng bilanggo" at iba pang masasahol na patakarang lumalapastangan sa karapatang-tao at pandaigdigang alituntunin sa digmaan.

Kabilang sa mga konsultant ng NDFP na dinukot ng kaaway sina Kasamang Rogelio Calubad at anak niyang si Gabriel, Kasamang Prudencio Calubid at kanyang asawang si Celina Palma, si Kasamang Cesar Batralo at ang sibilyang si Gloria Soco. Dinukot din ang mga kabilang sa istap ng NDFP na sina Philip Limjoco, Leopoldo Ancheta, Federico Intise at asawa niyang si Nelly.

Inihapag na ng NDFP ang kanilang mga kaso sa United Nations Working Group on Enforced Disappearances. Tinutukoy ng mga kasong ito ang responsibilidad ni Gloria Arroyo bilang Commander-in-Chief ng AFP sa pagdukot kay Ka Leo at iba pang mga konsultant at istap ng NDFP sa usapang pangkapayapaan. Naghapag din ang iba't iba pang ligal na organisasyon at personahe ng mga kaso, reklamo at ulat sa Permanent People's Tribunal, sa United Nations High Commission For Human Rights (UNHCHR) at sa iba pang pandaigdigang ahensya.

Gumawa na rin ng ulat ang Special Rapporteur (ispesyal na tagapagsiyasat) ng UNCHR kaugnay ng nagaganap na malawakang ekstrahudisyal na pamamaslang, pagdukot at iba pang karahasan sa mga aktibista, mga masugid na oposisyon at maging sa mga inosenteng sibilyan. Nakapaglabas na ng mga depinidong hatol at kongklusyon ang mga pandaigdigang korte at ahensyang ito na tunay na maysala ang rehimeng Arroyo at AFP.

Kongkretong patunay ang mga ito ng pagsagasa ng teroristang rehimen at mga pwersang militar nito sa prosesong pangkapayaaan at sampal sa lahat ng nananawagan at nagsisikap na muling buhayin ang usapang pangkapayapaan.

Dapat labanan ng lahat ng mamamayang nagmamahal sa kalayaan, demokrasya at kapayapaan ang mga pagdukot, pamamaslang, iba pang karahasan at pang-aapi sa kanila at ang kabuuang pasistang palakad ng rehimeng Arroyo at mga armadong pwersa nito.

Sisingilin ng mamamayan at rebolusyonaryong kilusan ang rehimeng Arroyo sa kriminal na pagdukot kay Ka Leo Velasco at lahat ng iba pang pasistang krimen nito.

Dapat puspusan at tuluy-tuloy na isulong at paigtingin kapwa ang armadong rebolusyonaryong pakikibaka at ang mga hayag at ligal na kilos protesta laban sa bulok at brutal na papet at reaksyunaryong rehimeng Arroyo. Dapat gawin ang lahat upang ito'y ibagsak at palitan ng isang malaya, demokratiko, makatarungan at maka-mamamayang gubyerno at estado.

****


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy