imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
• latest news
• best of news
• syndication
• commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
json version - view hidden posts

PAMAMASISTA NG REHIMENG-US ARROYO, LUMALALA

by PESANTE-USA Thursday, Aug. 23, 2007 at 2:49 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Patuloy na lumalala ang ang panggigipit at panunupil ng pasistang rehimeng Arroyo sa mamamayang Pilipino. Ayon sa ulat ng AJLPP mula sa iba’t-ibang panig ng Piipinas, Pinakatampok nitong Agosto ang pagmamanman at harasment sa tatlong upisyal ng Gabriela Network USA. Bagamat nakauwi na sa Amerika ang tatlong myembre ng Gabriela Network-USA, binatikos ni Kinatawan Liza Maza ang pangigipit ng estado sa isang talumpati sa mababang kapulungan ng Kongreso. Samantala, tatlong myembro rin ng Anakpawis ang dinukot sa Zamboanga del Sur habang pinag-iibayo ang panggigipit sa mamamayang Moro. Umabot na rin sa may 25,000 mamamayang Bangsa Moro sa isla ng Basilan at Sulu ang naging biktima ng pagpapalikas ng military dahil sa pinag-ibayong operasyong military ng AFP sa dalawang lugar. Mahigit na 100 sundalo na ng AFP at ng Abu Sayaff ang napatay sa sunud-sunod na labanan.

PAMAMASISTA NG REHIMENG-US ARROYO, LUMALALA

Manila—Patuloy na lumalala ang ang panggigipit at panunupil ng pasistang rehimeng Arroyo sa mamamayang Pilipino.

Ayon sa ulat ng AJLPP mula sa iba’t-ibang panig ng Piipinas, Pinakatampok nitong Agosto ang pagmamanman at harasment sa tatlong upisyal ng Gabriela Network USA.

Bagamat nakauwi na sa Amerika ang tatlong myembre ng Gabriela Network-USA, binatikos ni Kinatawan Liza Maza ang pangigipit ng estado sa isang talumpati sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Samantala, tatlong myembro rin ng Anakpawis ang dinukot sa Zamboanga del Sur habang pinag-iibayo ang panggigipit sa mamamayang Moro.

Umabot na rin sa may 25,000 mamamayang Bangsa Moro sa isla ng Basilan at Sulu ang naging biktima ng pagpapalikas ng military dahil sa pinag-ibayong operasyong military ng AFP sa dalawang lugar. Mahigit na 100 sundalo na ng AFP at ng Abu Sayaff ang napatay sa sunud-sunod na labanan.

Naririto pa ang detalye ng iba pang mga ulat na nakalap ng AJLPP:

Agosto 14. Di bababa sa 100 mga minoryang Agta at 20 pamilyang setler mula sa Dingalan, Aurora ang salat na salat sa pagkain at gamot dahil sa food blockade o di pagpayag na magpasok ng pagkain. Pinagbabawalan din ng militar ang pagpapapasok ng gamot kahit pa kumakalat ang sakit na malarya sa mga residente ng Sityo Pinamaypayan at Sityo Malakawayan, Barangay Umiray, Dingalan. Hibang na idinadahilan ng militar na ang pagkain at gamot ay baka raw mapunta sa Bagong Hukbong Bayan. Pinangangambahang marami ang mamamatay kapag patuloy na pinigilan ng militar ang pagpasok ng kinakailangang mga suplay.

Agosto 5-16. Tatlong pinuno ng Gabriela Network USA (GABnet) ang isinama ng rehimeng Arroyo sa watchlist o listahan ng mga minamanmanan dahil sa umano’y ugnay nila sa mga ”teroristang grupo.”

Sina Annalisa Enrile, pambansang tagapangulo ng Gabriela Network USA, ang bantog na manunulat na si Ninotchka Rosca, at si Judith Mirkinson, International Relations Officer ng GABNet ay pawang dumalo sa Women’s International Solidarity Affair in the Philippines (WISAP) na inilunsad ng grupong GABRIELA. Napag-alaman na ang tatlong lider ng GABnet ay kabilang sa watchlist na ipinalabas ng Department of Justice.

Pinigilang makaalis ng bansa noong Agosto 5 si Enrile. Nang siyasatin niya ang dahilan ng pagpigil sa kanya, pinagpasa-pasahan siya sa iba’t ibang ahensya ng gubyerno. Muli siyang hinarang noong Agosto 16, kasama sina Rosca at Mirkinson, at sinabihang sinisiyasat ang kanilang ugnayan sa Al Qaeda. Kalahating oras silang ibinimbin sa paliparan bago pinayagang makasakay sa eroplano.

Kinundena ng Gabriela ang sinasabing ”watchlist” ng DOJ na ginagamit na panakot sa mga dayuhang nais sumuporta sa pakikibaka ng mamamayang Pilipino laban sa panunupil ng rehimeng Arroyo.

Nagkaroon ng mga rali sa mga konsulada ng gobyerno ng Pilipinas nong Agosto 13 sa Los Angeles, San Francisco at New York. Namudmod naman ng polyeto ang Gabnet sa Chicago.

Sinalubong ng mga pamilya, kaanak at mga kasamahan nila ang GabNet3 na nakauwi na sa U.S noong gabi ng Agosto 14. Sinalubong sa airport ng Los Angeles, San Francisco at New York ang Gabnet 3 dahil sa kanilang matatag na paglaban sa “watchlist ng US-Arroyo”.

Agosto 3. Inaresto ng mga pulis ang manggagawang si Karahudin Usman Talib sa isang shopping mall sa Taguig City at pinalalabas na siya’y ”terorista” at bahagi umano ng Jemaa Islamiya. Pinaharap pa ng pulis si Talib sa midya kung saan ”inamin” niyang siya’y sangkot sa planong pambobomba sa mga istasyon ng bus at shopping mall sa Maynila at Taguig.

Pinabulaanan ni Zainudin Malang, abugado ni Talib ang akusasyon ng pulis. Ayon kay Malang, si Talib ay isang dayo mula sa Libutan, Maguindanao na nagtatrabaho bilang tricycle driver sa Maharlika Village habang naghihintay na maproseso ang mga dokumento para makapunta siya sa ibayong dagat.

Inaresto si Talib, kasama ang isa pang Moro, si Juenail Abdul, kahit walang kaakibat na mandamyento de aresto, alinsunod sa mga probisyon ng Human Security Act. Si Abdul ay hindi pa natatagpuan hanggang ngayon.

Sa araw ding ito ay inaresto ng pulisya sina Emran Gumanod, Mohammad Cosain at Nashrudin Cambang, pawang taga-Maguindano at limang iba pa, kabilang ang ilang menor de edad. Ang mga pag-aresto ay isinagawa sa Cotabato City at Davao City. Inaakusahan ang naturang mga biktima ng pambobomba sa terminal ng bus ng YBL sa Koronadal City noong Agosto 3 kung saan namatay ang isang pastor at nasugatan ang 10 pang iba. Isa pang bomba ang sumabog sa isang YBL aircon bus habang papaalis na ito. Mariing binatikos ng mga grupong Moro na nagtataguyod sa karapatang-tao ang mga arbitraryong pang-aaresto.

Samantala, dinukot din nitong Agosto 3 ng mga berdugo ng rehimeng Arroyo ang tatlong myembro ng Anakpawis sa bayan ng Guipos, Zamboanga del Sur. Mahigit dalawang linggo nang nawawala ang mga biktima na sina Antonino Roda, 39; Eric Buhain, 23; at Julius Sango, 21.

Sakay ang mga biktima ng isang pampasaherong van papuntang bayan ng Dingas nang sila’y dukutin. Habang ang kanilang sasakyan ay papalapit na sa Barangay Balongating, Guipos bandang 2:45 ng hapon, hinarang sila ng apat na armadong lalaking nakamotorsiklo.

Pwersahang pinalipat ang tatlo at dalawa pang babaeng pasahero sa isang puting van na may sakay na limang lalaki. Dumiretso sa bayan ng Dumalinao ang sasakyan at pagdating doon ay pinakawalan ang dalawang babae. Napag-alamang papuntang Pagadian City ang van. Nalaman lamang ang naturang pagdukot nang magreport sa pulisya ang dalawang babaeng pinakawalan.

*****


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy