by AJLPP-USA
Tuesday, Jun. 26, 2007 at 12:55 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026
Tagumpay ang martsa at demonstrasyon nitong Linggo, Hunyo 24, 2007 sa Hollywood and Vine sa Los Angeles. May 15,000 imigrante at kanilang gma tagapgtaguyod ang aktibong lumahok sa martsa-rali na tinawag ng April 7 Coalition.Hermanidad at ANSWER-LA.
Bingo nila ang nais ng mga naghaharing uri na sila ang magdesisyon kung ano ang kapalaran ng 12 millyong migrante at manggagawang walang papeles na tinatwag nilang “ilegal’ dito sa Amerika.
dsc00161.jpg, image/jpeg, 1280x960
TAGUMPAY ANG MARTSA-RALI PARA SA MGA MIGRANTE SA LA!
GANAP NA KARAPATAN PARA SA MGA MIGRANTE!
LEGALISASYON NGAYON!
Tagumpay ang martsa at demonstrasyon nitong Linggo, Hunyo 24, 2007 sa Hollywood and Vine sa Los Angeles. May 15,000 imigrante at kanilang gma tagapgtaguyod ang aktibong lumahok sa martsa-rali na tinawag ng April 7 Coalition.Hermanidad at ANSWER-LA.
Bingo nila ang nais ng mga naghaharing uri na sila ang magdesisyon kung ano ang kapalaran ng 12 millyong migrante at manggagawang walang papeles na tinatwag nilang “ilegal’ dito sa Amerika.
Buong lakas na sinabi niang HINDI!
HINDI sila papayag na alisin nila ang petisyon para sa mga pamilya at ibawal ang pagpepetisyon ng mga magulang at mga kapatid. Hindi rin tayo payag na ipalit nila sa batas sa family reunification ang “ guest worker program” na nakabatay sa mga puntos na masyadong magulo at hindi maintindihan at pabor sa mga kapitalista
Ayaw natin ng malign paninindigang " Sa Wala o sa Mayroon." Sino ba ang tumututol sa debate at pagpapasa ng anumang batas na makakabenipisyo sa mga manggagawa? Ang AFL-CIO na may kasaysayan ng karimarimarin na rasismo at diskriminasyon!
Ang mga unyon at mga organisasyong diumano'y makakamigrante pero nakikinabang sa mga grasya ng gpbyerno at mga mayayamang pundasyong kapitalista! Hindi sila kumakatawan sa mga migrate at mga manggagwa kailanman.
Ang gusto natin ay madinig ang boses ng mga migrante at manggagawa at makasama tayo sa debate. Tutol din tayo na tapusin na ang debate at panatilihin ang mapangaping kalagayan na nagsasamantala at nagpapahirap sa 12 milyong manggagawang migrante. Kaya lumahok tayong lahat at buong lakas na isigaw ang ating panawagan.
Ito ang komon na pahayag: Alyansa –Pilipinas (AJLPP), April 7 Coalition International ANSWER-LA.People’s CORE, Echo Park Community Coalition (EPCC), Kabataang maka-Bayan (KMB), Justice for Filipino American Veterans(JFAV), GAbnet-LA, Pilipino Workers Center (PWC) . Samahang Pilipino ng UCLA, Ecumenical Fellowship for Justice and Peace, Sanctuary Movement atp.
Isulong pa ang kilusan para sa ganap na karapatan para sa lahat ng imigrante!
CDIR-USA at Echo Park Community Coalition at AJLPP
Hunyo 25, 2007
*****