imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
• latest news
• best of news
• syndication
• commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
json version - view hidden posts

Pasistang Paglabag sa karapatang pantao, Lumulubha

by AJLPP Monday, Jun. 11, 2007 at 1:47 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Mariing kinokondena ngayon ng Alyansa-Pilipinas (AJLPP) ang patuloy na pasistang pananalanta ng mga berdugo ng rehimeng Arroyo nitong nakaraang dalawang linggo. Pinakatampok sa mga kasong nakalap ng AJLPP-Usa ay ang pagdukot at iligal na pagkulong sa isang progresibong pastor at lider-masa sa Laguna ng PNP o pambansang pulisya ng Pilipinas.

Pasistang Paglabag sa karapatang pantao, Lumulubha

Los Angeles—Mariing kinokondena ngayon ng Alyansa-Pilipinas (AJLPP) ang patuloy na pasistang pananalanta ng mga berdugo ng rehimeng Arroyo nitong nakaraang dalawang linggo. Pinakatampok sa mga kasong nakalap ng AJLPP-Usa ay ang pagdukot at iligal na pagkulong sa isang progresibong pastor at lider-masa sa Laguna ng PNP o pambansang pulisya ng Pilipinas.

Naririto pa ang ilang mga balita na nakalap ng AJLPP:

Hunyo 6. Dinukot si Gilbert Rey Cardeno, 27, tagapangulo ng Bayan Muna-South Cotabato, bandang alas-11 ng umaga sa Barangay Crossing Dos, Koronadal City. Si Cardeno ang pinakabatang kagawad ng National Council ng Bayan Muna.

Mayo 28. Dinukot ng mga elemento ng 730th Combat Wing ng Philippine Air Force mula sa kanyang bahay sa Barangay Bunducan, Nasugbu, Batangas mga alas-10 ng gabi si Diego Samonteza, myembro ng lokal na tsapter ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Karapatan. Walang ipinresentang mandamyento de aresto ang militar nang dukutin ang biktima. Kahit maraming nakapagtestigo, mariing pinabulaanan ng militar na nasa kanilang kustodiya si Samonteza. Sa halip ay itinuro nito ang mga pulis ng Calabarzon. Itinuro naman ng mga pulis ang AFP bilang salarin.

Samantala, sa Pampanga, pinatay ng dalawang nakamotorsiklong salarin si Mario Nulud, 47, punong barangay ng San Juan Bautista, Guagua sa tapat ng kanyang bahay mga alas-9:30 ng umaga. Si Nulud ay nagsilbing tagapangampanya ng kapapanalo pa lamang na gubernador ng Pampanga na si Fr. Ed Panlilio. Pinaniniwalaang utak ng naturang pagpaslang ang jueteng lord na si Rodolfo "Bong" Pineda, asawa ni Lilia Pineda, ang natalong kandidato pagkagubernador.

Nitong nakaraang linggo, pinaslang din ang dalawa pang punong barangay mula sa mga bayan ng Porac at Mabalacat. Pareho silang tagasuporta ni Panlilio.

Mayo 27. Dinukot at tinortyur ng mga operatiba ng Naval Intelligence Security Forces (NISF) sa Barangay Malaban, Biñan, Laguna, mga alas-5:30 ng hapon si Berlin Guerrero, 44, pastor ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) at dating tagapangulo ng Bayan. Nakabimbim siya ngayon sa Camp Pantaleon Garcia ng PNP sa Imus, Cavite.

Inaresto si Guerrero dahil umano sa mga kasong pagpatay at inciting to sedition subalit walang ipinakitang mga mandamyento de aresto ang mga dumakip sa kanya. Nang ipakita na sa midya si Guerrero ay may mga bakas siya ng tortyur sa kanyang katawan.

Nasaksihan ang pagdukot sa pastor ng kanyang asawang si Merlinda, 40 at mga anak na sina Julian Mark, 16, Lora Wigbertte, 15 at Jarius Vinces, 13.

Pauwi na ang pamilya mula sa paggunita ng UCCP sa unang anibersaryo ng pagpaslang kay Noel Capulong, regional coordinator ng Bayan Muna sa Southern Tagalog, nang sila'y dukutin sa tapat ng Seven Gas Station sa Casile Road. Isinakay sila sa isang kulay puting L-300 van na walang plaka.

Pinalaya ang mag-iina pero tinangay ng NISF ang pastor. Kinabukasan ay tinawagan ni Guerrero si Mylene para sabihing nasa kustodiya siya ng PNP-Cavite.

Mayo 21. Pinatay ng mga armadong badigard ng isang pulitiko sa Cavite si Dodie Nuñez, photojournalist ng "Katapat", alas-9 ng gabi habang papauwi sa kanyang bahay sa General Mariano Alvarez. Ang "Katapat" ay isang lokal na pahayagan na pagmamay-ari ni Archie Gadang, na kumandidato pagka-gobernador laban kay Ireneo Maliksi noong nakaraang eleksyon. Isa si Nuñez sa mga naglantad ng korapsyon sa administrasyong Maliksi. Si Gadang ay may nakabimbing kaso na libelo ngunit nakapyansa kaya nakalaya.

Mayo 20. Tinangkang dukutin sa Las Piñas City ng mga berdugo ng rehimeng Arroyo si Roy Valdez, nominado ng Anakpawis para sa Kongreso, mga alas-9 ng umaga. Ang mga nagtangkang dumukot ay mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group at ilan pang militar na sakay sa isang L-300 van na may plakang WNM 238 at isang Revo van na may plakang XDM 541. Tatlo pang motorsiklo na may tagdadalawang operatiba ang nagsilbing lookout at back-up para sa naturang grupo. Nakabantay ang mga salarin malapit sa kanyang bahay at minanmanan pa ang paligid ng 20 kataong nakasibilyan. Sa tulong ng mga kaibigan at kapitbahay, nakatakas si Valdez sa naturang pagkakahon. Si Valdez ay bise-presidente rin ng KMU National Council.

Mayo 10. Inambus ang ika-pitong nominado ng Anakpawis na si Orly Marcellana ng mga berdugo ni Gloria Arroyo sa Barangay Sala, Cabuyao, Laguna alas-3:30 ng hapon. Kagagaling nina Marcellana at Virgilio Batarlo sa upisina ng Anakpawis papuntang Calamba City nang napansin nilang sinusundan ang kanilang sinasakyang dyip ng dalawang nakabonet na taong nakamotorsiklo. Nang dumaan sila sa isang istasyon ng gasolina, dumating ang dalawa pang tao na ang isa ay may bitbit na M16. Agad tumalon si Marcellana at tumakbo sa malapit na komunidad. Humingi siya ng saklolo at nabigo ang tangkang patayin siya.

Si Marcellana ay pangkalahatang kalihim ng KASAMA-Timog Katagalugan, ang rehiyunal na organisasyon ng mga magsasaka sa rehiyon at regional coordinator ng Anakpawis-Southern Tagalog. Balo siya ng yumaong pangkalahatang kalihim ng Karapatan-TK na si Eden Marcellana na pinatay ng mga berdugo ni Jovito Palparan, Jr. sa Mindoro Oriental noong Abril 2003

**************


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy