imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
• latest news
• best of news
• syndication
• commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
json version - view hidden posts

Paglabag sa Karapatang Pantao, lalong Lumulubha

by Pesante-USA Tuesday, May. 22, 2007 at 12:58 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

Mariing konondena ngayon ng Alyansa Pilipinas (AJLPP) ang patuloy at papatinding paglabag sa mga karapatang pantao sa Pilipinas noong bago at matapos ang eleksyong Mayo 14. Ayon sa mga nakalap na ulat ng AJLPP, tatlong myembro ng mga progresibong partido ang pinaslang kaugnay ng nakaraang eleksyon sa Camarines Norte at Iloilo. Apat naman mga myembro ng militanteng grupong magsasaka an pinatay sa Agusan del Sur at Negros Occidental Pinaslang din ng mga sundalo at sinalaula ang mg bangkay ng isang mag-ina sa Agusan del Sur.

Paglabag sa Karapatang Pantao, lalong Lumulubha

Los Angeles-- Mariing konondena ngayon ng Alyansa Pilipinas (AJLPP) ang patuloy at papatinding paglabag sa mga karapatang pantao sa Pilipinas noong bago at matapos ang eleksyong Mayo 14.

Ayon sa mga nakalap na ulat ng AJLPP, tatlong myembro ng mga progresibong partido ang pinaslang kaugnay ng nakaraang eleksyon sa Camarines Norte at Iloilo. Apat naman mga myembro ng militanteng grupong magsasaka an pinatay sa Agusan del Sur at Negros Occidental Pinaslang din ng mga sundalo at sinalaula ang mg bangkay ng isang mag-ina sa Agusan del Sur.

Ang mga krimen ay naganap sa panahon ng kampanya at maging matapos ang eleksyon ay nagpapatunay lamang sa pagiging halimaw na pasista ng rehimeng US-Arroyo. Naririto ang mga detalye ng mga balita:

Mayo 16. Natagpuang patay sina Jun Bagasbas, 20, at Ronilo Vallevare, 16, sa pagitan ng Barangay Matague at Cabataguangan sa Capalonga, Camarines Norte. Sina Bagasbas at Vallevare, mga organisador at poll watcher ng Kabataan Party, ay dinukot ng mga pinaghihinalaang sundalo noong gabi ng Mayo 15.

Mayo 14. Binaril ng mga elemento ng death squad si Melbert Camariosa, 32, habang papauwi siya mula sa katatapos na canvassing ng mga boto ng mga kandidato sa Igdampog Sur Primary School, Igdampog Sur, Tubungan, Iloilo. Tinamaan si Camariosa sa dibdib at hindi na nakaabot nang buhay sa ospital. Maliban sa pagiging kasapi ng konseho ng barangay, siya ay aktibong kasapi ng Bayan Muna (BM) at tagapangampanya ng isang kandidato sa pagkaalkalde sa Tubungan.

Mayo 5. Pinatay ng mga berdugong militar ni Arroyo si Jorge Dinolan, 40, myembro ng Nagkahiusang Mag-uuma sa Agusan del Sur-KMP sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur. Umalis si Dinolan sa kanilang bahay noong Mayo 4 at hindi na nakauwi. Kinabukasan, nakita na lamang ang kanyang bangkay malapit sa ilog ng Umayam. Bukod sa tama sa ulo, nagtamo rin ang biktima ng maraming pasa sa katawan.

Mayo 5 hanggang sa kasalukuyan. Tatlong magsasaka ang walang awang minasaker ng nag-ooperasyong mga elemento ng 11th IB sa Sityo Malipayon, Barangay Sibucauan, Isabela, Negros Occidental. Ang mga biktima ay sina Benjamin Gellonga, 72; Richard Sarillo, 28; at Bobby Quilo, 20. Lahat sila ay mga sibilyan na taga-Upper Coyaoyao, Barangay Inulingan sa kanugnog na bayan ng Moises Padilla at pawang mga myembro ng Barangay Inulingan Farmers Association (BIFAD), isa sa mga alyadong organisasyon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Ngunit ipinrisinta sila sa midya ni Lt. Col. Jess Mananquil, kumander ng 11th IB, bilang mga kasapi ng BHB.

Bunga ng karumal-dumal na krimen, halos 1,000 katao ang lumikas sa kanilang mga tahanan at pansamantalang nakatira sa mga paaralan at kapilya ng mga bayan ng Moises Padilla at Isabela. Dahil sa hirap ng kalagayan sa mga sentro ng ebakwasyon ay namatay ang 84 taong gulang na si Sotero Aborado.

Dumarami pa ang mga karumaldumal na krimen laban sa mga karapatang pantao ng rehimeng_US-Arroyo, ang utang nito sa dugo laban sa mga mamamayan ay lalo pang dumarami at hindi makakalimutan ng masa para sa araw ng pagtutuos.

**********


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy