Kinondena ng AJLPP ang lumalawak na Interbensyong militar ng US sa Pilipinas
Los Angeles- Mariin at matinding kinokondena ng AJLPP-USA ang ginawang pagkukubli sa iba't ibang paraan ng interbensyong militar ng US ang RP-US 2007 Balikatan military exercises na ginanap sa Sulu mula Pebrero 19 hanggang Marso 4. Nilahukan ito ng 400 US Marines at 1,500 tropa ng Philippine Army.
Ayon sa AJLPP, ang Isang pinagsanib na tim mula sa militar ng US na kabilang sa Fusion Piston na nagkataon umanong lumahok din sa Balikatan ang nakipagpulong sa mga upisyal ng PNP sa Region 12 noong Marso 1 upang talakayin ang pagtutulungan umano nila sa pagsawata sa pagpupuslit ng iligal na droga sa karagatan ng Mindanao.
Para sa AJLPP, lubhang nakakagalit na ginagamit ng US ngayon ang kontra-kampanya sa droga bilang sangkalan upang magpalipad ng mga unmanned surveillance vehicles at gumamit ng iba pang kagamitang paniktik sa erya. Sa ganitong paraan, mailulusot nila ang kanilang operasyong surbeylans sa mga pwersa ng BHB sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa.
Ikinubli rin ng Balikatan ang teroristang kampanya ng US sa Sulu sa pamamagitan ng diumano'y makataong mga proyekto gaya ng pagtatayo ng mga silid-aralan, klinika at kalsada at pagbibigay ng mga serbisyong medikal sa may14 na komunidad ng Moro sa Mindanao.
Ayon din sa AJLPP. lubhang nakakahiya na ang dating civi action na ginagawa ng gobyernong Pilipinas ay inaasa na sa mga amerikano para lamang pabanguhin sila mata ang publiko. Gayung patunay lamang na inutil ang gobyerno kahit man lang sa pagpapakitang taong civi action na dati nilang ginagawa.
Bintatikos din ng AJLPP ang pinalakas naman na aspetong militar ng BALIKATAN sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng koordinasyon sa pagitan ng AFP at US sa pagharap sa mga internal na usapin.
Sinabi rin ni Maj. Gen. Stephen Douglas Tom, co-director ng exercise na hindi mag-aatubili ang mga tropang Amerikano na lumaban para umano depensahan ang sarili sakaling salakayin sila ng mga lokal at dayuhang terorista.
************