Pahayag ng AJLPP-USA Para Nobyembre 30, 2006
by AJLPP-USA 2006-11-30 9:59 AM +0800
Pahayag ng AJLPP-USA sa Ika-143 Taong Kaarawan Nobyembre 30, 2006 at ika-42 taong Anibersaryo ng Kabataang Makabayan (KM)
Buong pagmamalaking ipinagdiriwang natin lalo ng Alyansa para Tunay at Pangmatagalang Kapayapaan sa Pilipinas (AJLPP)-USA ,ang ika 143 taong kaarawan ng dakilang Supremo Andres Bonifacio, ang tagapagtatatag ng Katipunan na tumapos sa mahigit sa 300 daang taong paghahari ng Kolonyalismong Espanya sa Pilipinas, Nobyembre 30, 1863.
Eksaktong sa ika 101 taong ng kanyang kaarawan, itinatag naman ang organisasyong Kabataang Makabayan (KM) noong Nobyembre 30, 1964. Kasunod nito, nagtatag din ng iba’t-ibang organisasyong kabataan ang mga estudyante at kabataan at mga nasa komunidad tulad ng Samahang Demokratikong Kabataan (SDK), Katipunan ng Kabataang Demokratiko (KKD), Samahang Molabe (SM), Kamanyang at iba pa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Mula noon, nag-iba na ang takbo ng kasaysayan. Mula sa mga maliit na aksyong masa, unti-unti ito ay lumaki at nagiging matutunog na pagkilos. Noong Oktubre 24, 1966 hanggang sa pagsiklab ang welga ng mga guro noong unang hati ng 1969 hanggang sa malakihang mga welgang estudyante na yumanig sa buong Pilipinas. Hanggang sa pumutok ang Sigwa ng Unang Kwarto noong Enero 1970.
Nagsilbi itong ikalawang kilusang Propaganda at nagmistulang Revolusyong Pangkultura na yumanig sa kaibuturan ng reaksyonaryong sistema. Ang mga sigaw na “ Maghinagsik ay Makatarungan!”, Paglingkuran ang Sambayanan!”, “Digmaang Bayan, Sagot sa Batas Militar” , “Sigaw ng Bayan- Himagsikan!” ay dumagundong sa lahat ng panig ng kapuluan at naging malinaw na panawagan sa lahat na labanan ang mapang-aping sistema.
Naging mapagpasya din at malupit ang sagot ng estado. Dineklara nito ang batas military noong Setyemre 1972 at winasak ang mga demokratikong institusyon ipinamamalaki ng Imperyalismong US, sa wari, ibinalik ang Pilipinas sa panahong ng Kastila sa ilalim ng panahon ng malulupit na Kasike at mga mababagsik na amo.
Ngunit tumagal lamang ang imbing diktadura ng 14 na taon hanggang sa mag-alsa ang masa sa gitna ng pagtingi ng armadong pakikibaka at pakikibakang masa mula pa noong 1972.
Kaya’t buhay pa rin ang rebolusyong ipinaglaban ni Andres Bonifacio. Hanggang ngayon nakikibaka pa ang sambayanang Pilipino sa Pilipinas at maging sa ibang bansa lalo na sa bunganga ng balyenang Imeryalismong U.S para sa pambansang demokrasya at kalapayaan.
Pakikibaka sa Bunganga ng Balyenang Imperyalista US
Noong 1972 halos pagkatapos maideklara ang martial law, binuo ng mga kabataan sa Amerika ang Samahang Pilipino sa UCLA Los Angeles na mula noon nagbandila ng interes ng mga Pilipino Amerikano sa Amerika.
Noong 1993, iginiit nila ang Philippine Studies at isinulong ang pakikibaka para sa demokratikong karapatan ng mga beteranongh Pilipino na kilalanin ng Amerika. Hanggang ngayon ito ang pinakamalaking organisasyong ng mga kabataang estudyanteng Pilipino sa Amerika.
Noong Nobyembre 30, 1999, itinatag naman ang Kabataang maka-Bayan(Pro People Youth) sa Los Angeles na nagbandila ng anti-imperyalismo at makabayang interes ng kabataan, estudyante at komunidad sa Amerika. Nanguna ito sa mga anti-imperyalistang pagkilos mula sa Seattle noong 1999 hanggang sa malakihang pagkilos laban sa gyera mula 2001. Sa ikapitong taon nito, lalo pa nitong ipinagsusumigasig na paglingkuran ang sambayanang Pilipino.
Mula nang maluklok si PGMA sa kapangyarihan, pinadugo nito ng husto ang sambayanan sa baliw na hangaring supilin ang paglaban ng masa. Higti sa nasa 791 ang kanilang pinslang mula pa noong 2001. Ngunit siya ay mabibigo sa kanilang baliw na pakanang manatili sa kapangyarihan.
Nilipol ng mga Kastila ang may 30,000 martir na rebolusyonaryo sa kanilang putting lagim mula 1896 hanggang sa 1898. Pinatay ng mga Amerikano ang may 1.5 milyong Pilipino sa kanilang malupit na digmaan. Nagbuwis ng buhay ang may higit sa 2 milyong Pilipino noong Ikalwang Digmaang Pandaigdig. Ngunit nanaig pa rin ang diwang palaban at ang kagitingan ng sambayanan.
Nagpupugay tao sa mga martir na Pilipino Amerikano tulad ni William Begg at ang mga nagsiyaong sina Daniel Boone Schrimer, William Hinton, Fr. Berrigan at iba pang Amerikano na nagtaguyod ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino.
Sa ika-143 kaarawan ng dakilang proletaryong Andres Bonifacio, sa ngalan ng lahat n gating mga ninunong nagbuwis ng buhay at nag-alay ng kanilang talino, giting . luha at sakripisyo, sumusumpa kaming ipagpapatuloy ang kanyang laban at sisikaping ipagtagumpay ang rebolusyong 1896 upang malayang ganap ang sambayanan!
Mabuhay si Gat. Andres Bonifacio!
Isulong at ipagpatuloy ang naudlot na rebolusyong 1986 tungo sa ganap na tagumpay!
Kalihimang Pampulitika
AJLPP-USA
Nobyembre 29, 2006
San Francisco, CA
U.S.A