imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
• latest news
• best of news
• syndication
• commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
json version - view hidden posts

Peace Talks ng MILF at GRP Nais ibagsak ng rehimeng Arroyo

by Pesante-USA Wednesday, Oct. 25, 2006 at 1:49 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

”Ang rehimeng Arroyo ang responsable sa pagbagsak ng usapang pangkapayapaan.” Ito ang pahayag ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos mabigo noong Setyembre 7 ang ika-13 exploratory talks (mga usapan para makapaghanap ng kalutasan sa di pagkakasundo) sa pagitan ng mga kinatawan nito at ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP).

Usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at GRP Nais ibagsak ng rehimeng Arroyo

Manila--”Ang rehimeng Arroyo ang responsable sa pagbagsak ng usapang pangkapayapaan.” Ito ang pahayag ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos mabigo noong Setyembre 7 ang ika-13 exploratory talks (mga usapan para makapaghanap ng kalutasan sa di pagkakasundo) sa pagitan ng mga kinatawan nito at ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP).

Nang simulan ang pag-uusap sa Kuala Lumpur, Malaysia, umasa ang MILF na seryoso ang GRP na makipag-ayusan ukol sa usapin ng teritoryong iginigiit ng mamamayang Moro na kanilang lupang ninuno at saklaw ng ”pinaunlad na awtonomya” ng Bangsamoro. Ang usaping ito ang pinakamalaking balakid sa pagbubuo ng kasunduan ng MILF at GRP. Ito rin ang usaping nasa pinakaubod ng pakikibaka ng mamamayang Moro para sa sariling pagpapasya.

Noong Mayo, nagpahayag ng panimulang pakikipagkasundo ang GRP sa konsepto, pamamahala, pagbabahaginan ng rekurso at pagtutukoy ng saklaw ng lupang ninunong siyang magiging teritoryong maipaiilalim sa Bangsamoro Juridical Entity (BJE). Umayon ang GRP na ipailalim sa BJE ang limang prubinsya ng ARMM, isang syudad at 613 pang barangay sa labas ng ARMM kung saan mayorya ng mga naninirahan ay mga Moro.

Nangako ang rehimen na ipagkakaloob nito ang naturang mga teritoryo nang walang kundisyon, alinsunod na rin sa Agreement of Peace na pinirmahan ng MILF at pamahalaang Arroyo sa Tripoli, Libya noong 2001 na kumilala sa makasaysayan at makatarungang karapatan ng Bangsamoro sa kanilang lupang ninuno at sariling teritoryo.

Lagpas dito, iginigiit ng MILF ang mahigit 1,000 pang barangay kung saan ang nakararami ring naninirahan ay Bangsamoro. Kailangan ding maidugtung-dugtong ang hiwa-hiwalay na pira-pirasong lupang nakapaloob sa kasalukuyang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM). Para sa MILF, hindi maitatayo ang tunay na awtonomya kung wala itong sinasaklaw na iisang buong teritoryo. Batay dito, sinabi nitong kailangang mapalawak na ang kasalukuyang saklaw ng ARMM.

Ngunit nitong Setyembre ay tusong idineklara ng mga kinatawan ng GRP na wala silang awtoridad na makipagnegosasyon kaugnay sa mga teritoryong lampas sa sinasaklaw na ng ARMM dahil taliwas umano ito sa konstitusyon.

Kinwestyon din ng GRP kung nakararami nga ba ang Moro sa iba pang hinihinging barangay. Iginigiit din nito na kailangang idaos ang isang reperendum upang alamin kung sasang-ayong maipailalim sa awtonomus na rehiyong Bangsamoro ang mga naninirahan sa mga dagdag na teritoryo.

Bilang resolusyon umano, hinimok ng rehimeng Arroyo na suportahan na lamang ng MILF ang “Cha-cha” o pagbabago sa konstitusyon.

Ang mga hakbanging ito ng rehimeng Arroyo ay pawang pagsasara ng pinto sa anumang posibilidad na sumulong pa ang usapang pangkapayapaan.

Dahil dito, naobliga ang MILF na umatras sa usapan at maghanda para sa pagbabalik sa landas ng armadong pakikipaglaban. Hindi na nila masikmura ang pagpapaikut-ikot at panloloko ng rehimen. Maging ang mga kinatawan ng Malaysia na nagsilbing facilitator ay nagbanta ring tumiwalag sa usapan. Anila, hangga’t hindi binibigyan ng rehimeng Arroyo ang mga kinatawan nito ng awtoridad na makipagnegosasyon, “walang silbi at walang mararating” ang usapan.

Hindi na bago sa MILF ang pagtatraydor, panghaharang at tahasang pambabastos ng reaksyunaryong rehimen sa hangarin ng mamamayang Moro. Muli lamang ipinakikita ng rehimeng Arroyo na wala itong intensyon at interes na mapayapang resolbahin ang mga usaping kinakaharap ng Bangsamoro.

Malinaw na ipinakikita ng rehimeng Arroyo sa MILF kung papaano nitong ginagamit ang usapang pangkapayapaan para sa pansariling interes kabilang ang pagkuha ng suporta ng MILF sa Cha-cha. Wika ng MILF, insulto para sa isang rebolusyonaryong organisasyon tulad nila na pumailalim sa konstitusyon ng republika at dito iasa ang pagkilala sa karapatan nila.

Batid rin ng MILF na ginagamit lamang ng rehimeng Arroyo ang usapan bilang taktika sa “counter-insurgency.” Kasabay ng mga maniobra nito sa usapang pangkapayapaan, naglulunsad ito ng kampanya upang siraan at pahinain ang mga pwersa ng MILF.

Kabilang dito ang pag-aakusang isang teroristang organisasyon ang MILF, na kadikit nito ang mga bandidong grupong Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah, at na ito ang nasa likod ng mga pambobomba sa matataong lugar sa Mindanao at Luzon.

Ayonsa MILF, handa ang MILF at ang Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF), mga organisasyong masa at mamamayang Moro na muling pasiklabin ang armadong pakikipaglaban sa reaksyunaryong gubyerno ng Pilipinas bilang tugon sa panloloko at tuluy-tuloy na pandarahas nito sa kanila.

Katunayan, noon pa man ay handa na ang MILF at mga pwersa at tagasuporta nito sa ganitong posibilidad. Anila, bagamat mahalaga ang prosesong pangkapayapaan, hindi sila maaaring pumirma sa isang kasunduang nagmamaliit sa kagalingan at mga karapatan ng Bangsamoro

#####


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy