imc indymedia

Los Angeles Indymedia : Activist News

About Us Contact Us Calendar Publish RSS
Features
• latest news
• best of news
• syndication
• commentary


KILLRADIO

VozMob

ABCF LA

A-Infos Radio

Indymedia On Air

Dope-X-Resistance-LA List

LAAMN List




IMC Network:

Original Cities

www.indymedia.org africa: ambazonia canarias estrecho / madiaq kenya nigeria south africa canada: hamilton london, ontario maritimes montreal ontario ottawa quebec thunder bay vancouver victoria windsor winnipeg east asia: burma jakarta japan korea manila qc europe: abruzzo alacant andorra antwerpen armenia athens austria barcelona belarus belgium belgrade bristol brussels bulgaria calabria croatia cyprus emilia-romagna estrecho / madiaq euskal herria galiza germany grenoble hungary ireland istanbul italy la plana liege liguria lille linksunten lombardia london madrid malta marseille nantes napoli netherlands nice northern england norway oost-vlaanderen paris/Île-de-france patras piemonte poland portugal roma romania russia saint-petersburg scotland sverige switzerland thessaloniki torun toscana toulouse ukraine united kingdom valencia latin america: argentina bolivia chiapas chile chile sur cmi brasil colombia ecuador mexico peru puerto rico qollasuyu rosario santiago tijuana uruguay valparaiso venezuela venezuela oceania: adelaide aotearoa brisbane burma darwin jakarta manila melbourne perth qc sydney south asia: india mumbai united states: arizona arkansas asheville atlanta austin baltimore big muddy binghamton boston buffalo charlottesville chicago cleveland colorado columbus dc hawaii houston hudson mohawk kansas city la madison maine miami michigan milwaukee minneapolis/st. paul new hampshire new jersey new mexico new orleans north carolina north texas nyc oklahoma philadelphia pittsburgh portland richmond rochester rogue valley saint louis san diego san francisco san francisco bay area santa barbara santa cruz, ca sarasota seattle tampa bay tennessee urbana-champaign vermont western mass worcester west asia: armenia beirut israel palestine process: fbi/legal updates mailing lists process & imc docs tech volunteer projects: print radio satellite tv video regions: oceania united states topics: biotech

Surviving Cities

www.indymedia.org africa: canada: quebec east asia: japan europe: athens barcelona belgium bristol brussels cyprus germany grenoble ireland istanbul lille linksunten nantes netherlands norway portugal united kingdom latin america: argentina cmi brasil rosario oceania: aotearoa united states: austin big muddy binghamton boston chicago columbus la michigan nyc portland rochester saint louis san diego san francisco bay area santa cruz, ca tennessee urbana-champaign worcester west asia: palestine process: fbi/legal updates process & imc docs projects: radio satellite tv
json version - view hidden posts

MEGA PROJECTS NI GLORIA, MEGA DEMOLISYON SA MGA MARALITA

by Pesante-USA Tuesday, Aug. 01, 2006 at 1:36 PM
magsasakapil@hotmail.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd. Los Angeles, CA 90026

"MEGA DEMOLISYON at MEGA DISLOKASYON para sa mga maralita at mamamayang Pilipino ang hatid ng mga pangakong MEGA PROJECTS ni Gng. Arroyo na naging pokus ng pangako para sa "kaunlaran" noong inilahad nito ang bersyon ng State of the Nation Address." Ito ang sinabi ni Carmen "Nanay Mameng" Deunida, pambansang tagapangulo ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY).

Press Release

Reference: Andreb Asido, 09068942223

Spokesperson, PAMARIL-Manila

MEGA PROJECTS NI GLORIA, MEGA DEMOLISYON SA MGA MARALITA



Manila-- "MEGA DEMOLISYON at MEGA DISLOKASYON para sa mga maralita at mamamayang Pilipino ang hatid ng mga pangakong MEGA PROJECTS ni Gng. Arroyo na naging pokus ng pangako para sa "kaunlaran" noong inilahad nito ang bersyon ng State of the Nation Address." Ito ang sinabi ni Carmen "Nanay Mameng" Deunida, pambansang tagapangulo ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY).

Sa idiniin na pokus ng programa ni Gng. Arroyo, siguradong daan-daang libong mga maralita at mamamayan ang direktang maapektuhan ng demolisyon at dislokasyon kung sakaling ipatupad ang mga proyektong pang-imprakstraktura, mga bagong kalsada, tulay, modernisasyon ng mga daungan, paliparan at tren. Higit pa rito ay dahil sa kawalan ng pondo ng administrasyon Arroyo para sa lahat ng proyektong nabanggit, siguradong ang paraan ng pagpapatupad ng mga ito ay sa pamamagitan muli ng pribatisasyon, kung saan nakaasa sa dayuhang pautang at pamumuhunan. Katulad ng naganap sa Philippine National Railways and Modernization Project (PNR MRP) at sa Northrail-Southrail Linkage Project (NSLP) na mula sa mga dayuhang pautang na may malaking interes nagmula ang mga pondo.

"Bago mangarap si Gng. Arroyo ng mga Mega Projects niya, kinakailangang tuunan muna ng masusing pansin ang kinahinatnan ng mga maralitang itinaboy sa tabing-riles sa kahabaan ng Bulakan bunga ng PNR MRP, at sa kasalukuyang kinakaharap ng mga nademolish na maralita sa kahabaan ng San Andres at Paco, Manila sa kanilang relokasyon sa Cabuyao, Laguna, " mariing sinabi ni Andreb Asido, tagapagsalita ng Pagkakaisa ng mga Mamayan sa Riles (Pamaril-Manila).



"Walang kuryente, tubig, malayo sa mga trabaho, kabuhayan at eskuwelahan. Hirap na hirap ang buhay ng mga maralitang galing sa tabing-riles sa relokasyon," dagdag pa ni Asido.

Pagkatapos ng SONA ni Gloria, nagtitipon-tipon ang mga maralitang naninirahan sa tabing-riles sa kahabaan ng Maynila ngayong araw sa Polythecnic University of the Philippines (PUP), Unyon ng Mag-aaral Building. Aabot sa 50 lider ng maralita ang dumalo at nagbahagi ng kani-kanilang mga kalagayan sa kahabaan ng riles sa lungsod ng Maynila.

Sa lahat ng mga proyektong pangkaunlaran, ang mga maralita ang nabibiktima ng pamahalaan. Sa kahabaan ng Maynila, may pitong barangay na ang dinemolish, ang isa pa rito, ang Barangay 825, ay buung-buong ibinura sa mapa ng NSLP. Sa kabuuan, aabot na sa 4,000 pamilya ang nademolish. May iniwang 10 pamilyang naging kabilang na sa homeless mula sa Brgy.825, dahil sa mga uncensus at hindi naikabilang sa relokasyon ng NHA. Ang susunod na nakaambang mademolish ay ang mga komunidad sa Pandacan at Sta. Mesa, Manila. Itinatayang kalahati ng mga naninirahan dito ay kabilang sa mga uncensus kung kaya't mga kandidato na ring maging homeless dahil hindi sila kasama sa relokasyon ng NHA.

Samantala, nanawagan si Asido sa mga maralitang mabibiktima ng NSLP, na huwag pumaloob sa mapanlinlang na iskema ng NHA na "voluntary demolition" . Itinutulak ng ahensya na magkusang idemolish ng mga maralita ang kanilang tahanan upang makasiguro sila ng lote sa relocation site. "Tuso ang iskemang ito dahil nangangako ng magandang kinabukasan sa relokasyon, subalit kagutuman at kamatayan lamang ang ihahatid nito sa ating maralita," dagdag ni Asido.

"MEGA PAGLABAN! Iyan ang nagkakaisang tugon ng maralita sa mga anti-maralita, anti-mamamayan at anti-nasyunal na mga proyekto ni Arroyo katulad ng Northrail-Southrail Linkage Project, " Ani ni Deunida. "Sa sama-samang pagkilos ng mamamayan lamang maipagtatanggol ang karapatan sa paninirahan at karapatang mabuhay ng mga maralita." #


© 2000-2018 Los Angeles Independent Media Center. Unless otherwise stated by the author, all content is free for non-commercial reuse, reprint, and rebroadcast, on the net and elsewhere. Opinions are those of the contributors and are not necessarily endorsed by the Los Angeles Independent Media Center. Running sf-active v0.9.4 Disclaimer | Privacy