OPERASYONG MILITAR NI PALPARAN, BIBIGUIN NG MASA NG SAMBAYANAN!
Los Angeles—Ang tuta ay laging tumutulad sa kanyang amo!
Nglunsad ng malakihang operasyong militar ang mga tropa ng US sa Iraq kamakailan at katulad ng tuta sa amo—naglusad din ng operasyong militar si heneral Jovito Palparan ng 7th ID Philippine Army sa Gitnang Luzon
Idineploy ni Palparan, ang 500 tropa sa mga bayan ng of San Fernando, Angeles City at Mabalacat sa n Pampanga at sa Malolos City, Bulacan, Obando, Hagonoy, Pandi at Sta. Maria sa Bulacan mula noong isang linggo.
Ayon kay Palparan, magtatayo siya ng 17 detachments sa Pampanga at ng may 40 sa Bulacan. Sinabi rin niya na ito ay maliit kung ikokompara sa laki ng populasyon ng Gitnang Luzon. “ Magkakaroon lamang ng- nine-man team para sa bawat 5,000 population” sabi pa ni Palparan.
Sa ganitong pagsakop sa mga sentro ng popluasyon na kahawig sa Irag, malinaw na ang target ni Palparan ay takutin ang mga mamamayan ng Gitnang Luzon na siyang sentro ng kanilang atake sa OPLAN BANTAY LAYA ng AFP. Umarangkada ng matindi ang AFP sa mga teroristang atake nito na pumatay ng may higit sa 600 aktibista mula noong 2001.
Para sa Pesante-USA malaki ang tiwala naming sa masa ng Gitnang Luzon. Tulad ng lahat ng pasista sa nakaraan, mabibigo si Heneral Palparan sa kanyang maitim na balak.
Kung ang mga Kastila ay nabigo na durugin ang rebolusyong 1896 na ang pugad ay ang gitnang Luzon, kung ang mga Amerikano ay nagtae ng dugo laban sa mga rebolusyonaryo noong digmaang Pilipino_amerikano, kung ang mga Hapones ay nakalbo sa kunsumisyon sa mga HUKBALAHAP sa gitnang Luzon, ngayon pa na ang masang anak-pawis ay nagoorganisa at lumalaban?
Walang magagawa ang gaya-gayang si Palparan.:Lahat ng kontrarebolusyonaryo at anti-mamamayang sa kasaysayan tulad niya ay mabibigo at pupulutin sa basurahan ng kasaysayan!