|
|
json version - view hidden posts
by Pesante-USA
Monday, Jun. 05, 2006 at 10:44 PM
magsasakapil@hotmail,.com 213-241-0906 337 Glendale Blvd.Los Angeles, CA 90026
Pesante-USA reprinted an interview by Ang Bayan of Salud Roja, a revolutionary leader in Central Luzon. it was printed at the QC Indymedia regarding the political killings in Central Luzon on June 4.
Pagbayarin nang mahal ang rehimeng Arroyo!
Pagbayarin nang mahal ang rehimeng Arroyo! Panayam kay Ka Salud Roja hinggil sa militarisasyon sa Central Luzon Hunyo 4, 2006
Nakapanayam ng AB si Ka Salud noong unang bahagi ng Mayo kaugnay sa tumitinding militarisasyon at pananalasa ng pasismo ng rehimeng US- Arroyo sa Central Luzon.
AB: Naparami nang kaso ng pamamaslang at iba pang paglabag sa karapatang-tao ng rehimeng Arroyo sa Central Luzon, bakit pinupuruhan ng rehimen ang rehiyon?
SR: Ang mga asasinasyong pulitikal, salbedying at pagdudukot ay pinakamatinding nananalasa sa mga rehiyon at lugar na itinakdang prayoridad sa kampanya ng AFP GHQ laban sa rebolusyonaryog kilusan. Mula sa Timog-Katagalugan noong 2001-2004, ibinaling ng GHQ ang pokus nito sa Eastern Visayas at Gitnang Luzon mula ikalawang hati ng 2004 hanggang sa kasalukuyan.
Para lalong idiin ang pagiging isa sa mga pambansang prayoridad ng AFP ang GL, itinalaga dito ang dalawa sa pinakamasusugid na pasistang berdugo: si Gen. Jovito Palparan sa 7th ID PA at si Gen Romeo Tolentino sa North Luzon Commission (NOLCOM). Ang mga pamamaslang at iba pang paglabag ng AFP sa mga karapatang tao ay ibayong suminsin sa rehiyon mula nang italaga si Palparan sa GL noong Setyembre 2005.
AB: Gaano katindi ang militarisasyon at pasistang pamamaslang sa rehiyon?
SR: Noong 2005 lamang, sa Gitnang Luzon may 71 kaso ng mga pampulitikang pamamaslang, kasama na ang mga bigong pamamaslang, masaker at pagdukot. Mga 60% ito ng kabuuang bilang sa buong bansa.
Nitong unang kwarto ng 2006, mayroong naitalang 35 (to be updated) ganitong mga kaso.
Ang masang magsasakang naninirahan sa teatro ng pangunahing armadong rebolusyon sa kanayunan ang pangunahing biktima nitong mga karahasan at terorismo ng estado. Kalakhan ng mga pinaslang at dinukot ay mga magsasakang sibilyan at noncombatant: 62% ng kabuuang bilang ng kaso noong 2005, at 83% nitong unang kwarto ng 2006. May makabuluhang bilang din ng mga biktima mula sa uring manggagawa at malamanggagawa, 13%, at mga gitnang uri, 25%, noong 2005. Ibig sabihin, ang mga pamamaslang ay laganap din sa mga kabayanan at kalunsuran ng rehiyon.
AB: Anu-anong mga lugar ang pinakapinupuruhan ng rehimen at ng AFP sa Central Luzon?
SR: Sa pagpatupad ng estratehiyang kontrainsurhensya ng AFP ayon sa pormula umano nilang win-hold-win, prayoridad nila ang mga sumusunod na lugar batay sa hinalang saklaw ng mga larangang gerilya ng BHB ang mga ito: Hacienda Luisita sa Tarlac; timog-silangang bahagi ng Pampanga, sa partikular ang bayan ng Mexico; silangang bahagi ng Bulacan, sa partikular ang kulumpon ng mga bayan ng San Miguel at San Ildefonso; at ang eryang Guimba-Cuyapo sa Nueva Ecija.
Ang mga larangan at eryang prayoridad ay pinakatan ng di kukulangin sa tig-isang batalyon ng mga SOT, maliban pa sa mga CAFGU. Hindi ito kasingdami ng anim na batalyong ipinakat sa buong Mindoro, at walong batalyon sa Batangas noong 2002-2004. Pero sa katangian ng mga eryang pinopokusan kung saan patag ang kalupaan at relatibong masisinsin at matao ang mga baryo, kahit ang isang batalyon lamang ay nagdudulot na matinding militarisasyon sa mga ito. Halimbawa, humigit-kumulang isang batalyon ang nasa 10 baryo ng Hacienda Luisita, at isang batalyon sa 23 sa 44 na baryo ng Mexico, Pampanga. Sa apat ng eryang prayoridad, ikinonsentra ang kalahati ng kabuuang bilang ng mga regular at ispesyal na pwersa ng AFP na nakatalaga sa rehiyon.
Sa mga prubinsya ring ito, pinakamalaki ang bilang ng mga pamamaslang, pagdudukot at pagtortyur. Halimbawa, kung pagsasama-samahin, 90% ng kabuuang bilang ng mga kaso noong 2005, at 77.5% nitong unang kwarto ng 2006, ang naganap sa Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac at Pampanga.
Maliban sa mga kaso ng pamamaslang at pagdudukot, nairehistro rin ang tatlong kaso ng panununog, pitong kaso ng iligal na pang-aaresto at detensyon at 223 kaso ng pananakot at panghahalughog sa iba’t ibang baryo sa buong rehiyon.
AB: Ano ang mga hakbang na isinasagawa ngayon ng PKP at BHB kaugnay dito?
SR: May sapat na ebidensya ang Partido at BHB sa GL laban sa mga upisyal at yunit ng AFP at mga death squad na responsable sa mga kaso ng pamamaslang, pagdudukot, pagtortyur, pang-aaresto at detensyon. Pagbabayaran ng mga ito sa takdang panahon ang mga krimen nila sa mamamayan. Gayundin, may sapat na ebidensya na ang ilang elemento ng isang makapangyarihang pamilyang kabilang sa malalaking panginoong maylupa sa Tarlac ay sangkot sa mga pamamaslang at pakikipagkutsabahan para rito sa mga militar, pulis at upahang mamamatay-tao. Nakahapag sa kinauukulang antas ng hukumang bayan ang kanilang kaso.
|