fix articles 54102, heneral emilio aguinaldo
Ipaglaban ang Tunay na Kalayan. Demokrasya at Tunay na Makabuluhang Pagbabago (tags)
Sa araw ng kalayaan, Hunyo 12, 2011 --ikinararangal nating magpugay sa mga manghihimagsik ng Rebolusyong 1896. Sa kabila nang naagaw ang kalayaan sa kanila, nagpatuloy silang magiting na kipaglaban, humawak ng armas at nagpahayag sa kalsada mula Pilipinas hanggang Amerika't Europa at ibang ibang panig ng daigdig at hindi sumuko. Dumating sa rurok ang himagsikan ng 1896 noong Hunyo 12, 1898 nang ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kasarinlan habang nasa binggit ng tagumpay ang sambayang Pilipino sa pagpapatalsik sa mga Kastila. ngunit sinakop naman tayo ng bagong imperyalistang Estados Unidos at mapaghanggang ngayon ay isang kunwang malaya ngunit sa totoo isang kontroladong mala- koloyang bansa.
Bakit Hindi Dapat Ipagdiwang ang Marso 22 bilang AFP Day? (tags)
Bakit hindi dapat ipagdiwang ang Marso 22 bilang araw ng hukbong sandatahan ng Pilipinas o ng AFP? Una, ang araw na ito ay kaarawan ni Heneral Emilio Aguinaldo, Itinalaga ng araw na ito na anibersaryo ng AFP para parangalan ang heneral ng Cavite. Ito ay simbolo ng partiarkalismo at eletismo para sa iisang tao. Ito rin ang nagaganap ngayon dahilang AFP ay sumusumpa lamang ng katapatan nito sa iisang tao-kay Presidente Gloria Arroyo na simbolo ng tiraniya at pangungurakot sa modernong panahon. Ikalawa, bagamat ito ay simbolo ng pagtatagumpay ng grupong Magdalo noong 1897, ang sumunod ay ang pagkatalo ng hukbong rebolusyonaryo sa mga Kastila sa Kabite at lahat ng dako. Ito ay nang matapos nilang paslangin si Andres Bonifacio. Pagkatapos nito sila ay nagpatapon sa Hongkong sa halagang P 100,000 piso. Ayon ito sa kasunduan sa Biak na Bato.