fix articles 53951, lahat Los Angeles Indymedia : tag : lahat

lahat

Makibaka Tungo sa Ganap na Kalayaan at Panlipunang katubusan ng Kababaihan (tags)

Buong giting na nagpupugay ang Alyansa-Pilipinas (AJLPP) sa lahat ng kababaihang patuloy na nakikibaka para sa pambansang kalayaan, soberenya, karapatan ng kababaihan sa lahat ng dako ng daigdig. Mabuhay kayo! Ginugunita natin at nagpupugay tayo sa magigiting na kababaihang nakibaka para sa kanilang karapatan at ng kanilang uri at mga kababayan. Hindi nila kinaligtaan na ituwid ang mali, makibaka laban sa inhustisya at palayain ang sarili mula sa pyudalismo, pagpapanubalik ng pyudalismo at patriarkalismo na dulot ng sistemang mapang-api.

LABANAN ANG BATAS MILITAR AT LAHAT NG PAKANA NG PASISTANG REHIMENG US-ARROYO NA PALAWIGIN (tags)

“ Nililikha naming ang krisis. Ginagawa naming ito at pinatatakbo”- Mike Arroyo. Kaisa ng mamamayang Pilipino at lahat ng demokratikong organisasyon sa Pilipinas ang Alyansa-Pilipina (AJLPP) upang kondenahin at labanan ang E.O. 1959 na nagdedeklara ng batas militar at pagsusupindi ng writ of habeas corpus sa Maguindanao. Huli na at mali pa ang hakbang ng Rehimeng pilit kunwaring nagbabangong puri sa kawalanghiyaan nito. Nais lamang ilatag ng deklarasyong ito ang planong pagpapalawak ng batas militar sa hinaharap. Inilalatag din nito ang mga maniobrang legal upang gawing legal ang pasistang paghahari ng pangkating Arroyo sa hinaharap.

US ALIS SA IRAQ, PHILIPPINES AT LAHAT NG DAKO ! (tags)

Sa pagsapit ng ika pitong taon ng pananalakay ng US sa Iraq, ipinapahayag ng Alliance for a Just and Lasting Peace in the Philippines (Alliance Philippines) ang militanteng pagbati at pagpupugay nito sa mga palabang masa ng Iraq, Pilipinas at lahat ng dako ng mundo na lumalaban sa Imperyalismong US at lahat ng pwersang nanakop. Kaisa kaming naninidigan ng lahat ng taong nagmamartsa sa Washington DC sa panawagan:” Mula sa Iraq, Afghanistan hanggang sa Palestina at Pilipinas: “Ang pananakop ay isang Krimen!”

SUMAMA SA MARTSA-RALI SA HUNYO 24 (tags)

GANAP NA KARAPATAN PARA SA MGA MIGRANTE! Nanawagan ang lahat ng mga grupong nagtataguyod para sa ganap na karapatan para sa lahat ng migrante lalo na sa lahat ng mga Pilipino na aktibong lumahok sa demosntrasyon sa Linggo, Hunyo 24, 2007 sa Hollywood and Vine sa Los Angeles. Gusto ng mga naghaharing uri na sila ang magdesisyon kung ano ang kapalaran ng 12 millyong migrante at manggagawang walang papeles na tinatwag nilang “ilegal’ dito sa Amerika. Ang sabi natin at HINDI! HINDI tayo papayag na alisin nila ang petisyon para sa mga pamilya at ibawal ang pagpepetisyon ng mga magulang at mga kapatid. Hindi rin tayo payag na ipalit nila sa batas sa family reunification ang “ guest worker program” na nakabatay sa mga puntos na masyadong magulo at hindi maintindihan at pabor sa mga kapitalis

ignored tags synonyms top tags bottom tags