fix articles 483513, us sa
Sumasakay ang US sa kontrobersyang anti-Arroyo upang itulak ang sariling interes (tags)
Sinasakyan ngayon ng imperyalismong US ang isyu ng korapsyon laban sa kasalukuyang papet nito n kinasasangkutan ng malalaking kontrata sa proyekto a pautang ng China sa Pilipinas upang igiit ang pang-ekonomyang interes ng US sa Pilipinas at mapanatil ang dominasyon nito sa bansa Sa artikulong “Off the Rails in the Philippines” na inilabas ng Heritage Foundation, nagbabala ang US na ang pagsuporta ng gubyernong Bush sa rehimeng Arroyo ay nakadepende sa pagtigil o malaking pagbawas nito ng mga pabor na ibinibigay sa China.
Kinondena ng AJLPP ang lumalawak na Interbensyong militar ng US sa Pilipinas (tags)
Mariin at matinding kinokondena ng AJLPP-USA ang ginawang pagkukubli sa iba't ibang paraan ng interbensyong militar ng US ang RP-US 2007 Balikatan military exercises na ginanap sa Sulu mula Pebrero 19 hanggang Marso 4. Nilahukan ito ng 400 US Marines at 1,500 tropa ng Philippine Army. Ayon sa AJLPP, ang Isang pinagsanib na tim mula sa militar ng US na kabilang sa Fusion Piston na nagkataon umanong lumahok din sa Balikatan ang nakipagpulong sa mga upisyal ng PNP sa Region 12 noong Marso 1 upang talakayin ang pagtutulungan umano nila sa pagsawata sa pagpupuslit ng iligal na droga sa karagatan ng Mindanao.