fix articles 417935, bansa Los Angeles Indymedia : tag : bansa

bansa

Ipaglaban ang Tunay na Kalayan. Demokrasya at Tunay na Makabuluhang Pagbabago (tags)

Sa araw ng kalayaan, Hunyo 12, 2011 --ikinararangal nating magpugay sa mga manghihimagsik ng Rebolusyong 1896. Sa kabila nang naagaw ang kalayaan sa kanila, nagpatuloy silang magiting na kipaglaban, humawak ng armas at nagpahayag sa kalsada mula Pilipinas hanggang Amerika't Europa at ibang ibang panig ng daigdig at hindi sumuko. Dumating sa rurok ang himagsikan ng 1896 noong Hunyo 12, 1898 nang ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kasarinlan habang nasa binggit ng tagumpay ang sambayang Pilipino sa pagpapatalsik sa mga Kastila. ngunit sinakop naman tayo ng bagong imperyalistang Estados Unidos at mapaghanggang ngayon ay isang kunwang malaya ngunit sa totoo isang kontroladong mala- koloyang bansa.

ILANTAD AT LABANAN ANG MONOPOLYONG AQUINO-COJUANCO SA LUPA. (tags)

Para sa PESANTE-USA, ang grupong nagtataguyod nginteres ng mga magsasaka sa Amerika ,ang kaso ng Hacienda Luisita ay sumisimbolo sa malakolonyal at malapyudal na sistemang gumagapos sa bansa sa pagkaatrasado at walang katapusang krisis. Ang Hacienda Luisita katulad ng mga malalaking asyenda sa Pilipinas at mga lupaing ari ng mga pamilyang asendero-kapitalista ay salaysay ng masidhing pagsasamantala at pang-aapi, maigting na makauring tunggalian atpakikibaka para sa matagal nang minimithing katarungang panlipunan. Katulad ng Hacienda San Antonio-Santa Isabel sa Isabela,Hacienda Looc sa Batangas, Legarda , Prieto( may-ari ng Inquirer at may monoployo sa media) San Roque North Triangle at Tuazon Estates sa syudad ng Maynila mismo ay patunay ng walang lubay na maniobra at pakana ng angkang asendero pang mapanatili ng kanilang monopolyo sa asyenda at hadlangan ang pamamahagi nito sa mgamagsasaka, manggagawang bukid at maralitang taga-lunsod.

Labanan sa Umpisa ng Kampanya sa Eleksyong Presidensyal 2010,Tumitindi. (tags)

Ayon sa mga pinakahuling balita, tabla ang labanang Villar-Aquino sa mga survey. Ayon naman sa isang political analyst sa internet na si Doy Cinco higit na mainit ito sa Metro Manila. Malamang na magiging battle ground ni Noynoy Aquino-Mar Roxas at Villar-Loren ang Kamaynilaan at kung sino ang lalamang, may malaking epekto sa pambansang resulta ng halalan sa kabuuan. “ Ayon kay Cinco, “ Sa kabuuang 50.0 milyong rehistradong botante sa bansa, may 15% nito o mahigit anim (6) na milyon ay matatagpuan sa Kalakhang Manila, Sa anim na milyon botante, kulang sa kalahati (2.8 milyon) ay matatagpuan sa Quezon City (1.2 milyon), Manila (1.0 milyon) at Caloocan (0.7 milyon). Ang Kalakhang Manila ay kinukunsidirang sentrong pampulitika, pang-ekonomya, panlipunan at pangkultura ng Pilipinas. Siya ang pinakamatao, pinaka-konsentrado at pinakamasikip na lugar sa buong bansa

BULGAR ANG TUNAY NA SONA: LANSAGIN ANG PASISTANG PAGHAHARI NG REHIMENG US- GMA (tags)

Katulad ng dati, walang pinag-iba ang State of the Nation Address o SONA ni Gloria Mcapagal-Arroyo sa iba pang sona na kanyang tinalumpati sa kanyang bihag na Kongreso. Nagsimula sa “bangkang papel” noong 2001 nagwakas ito sa barkong lumubog na MV Princess ng Sulpico Lines nitong 2008, katulad ng kinasadlakan ng kawawang kalagayan ng bansang Pilipinas: lubog sa utang sa ibang bansa, lubog sa karalitaan, lubog sa pagdarahop, lubog sa pamimighati dahil sa pasistang karahasan ngunit patuloy na lumalaban ang masang Pilipino. Walang malilinlang na malawak sa masa ang palalong si GMA. Sa labas ng Kongreso, nagrali ang galit na mga mamamayan. Sa iba’t ibang parte ng bansa, damang dama ang galit ng pagtutol. Bakit nga ba makikinig ang bayan sa paglulubid ng mga kasinungalingan?

US bishops mag-aatras ng suporta kay GMA (tags)

Iaatras ng pamunuan ng United Methodist Church (UMC) na nakabase sa Estados Unidos ang kanilang suporta sa administrasyong Arroyo hanggang hindi nareresolba ang mga nagaganap na extra-judicial killings sa bansa kabilang na sa mga taong Simbahan. Ito’y matapos na dumating sa bansa ang 17-kataong "mission team" sa pangunguna ni Bishop Beverly Shamana buhat sa California-Nevada Conference ng UMC. Layon ng grupo na pag-aralan ang mga nagaganap na political killings at mga paglabag sa karapatang-pantao sa bansa. Ayon kay Bishop Soli to Toquero, binisita ng grupo ang mga lugar ng Nueva Ecija, Leyte, Samar, Davao at Cagayan de Oro. Nagulat umano ang grupo nang malaman na maging mga taong-Sim bahan ay hindi pinapalagpas sa naturang mga pagpatay. Dahil sa natuklasan, nakatakdang makipagpulong ang grupo sa kanilang mga mambabatas sa Estados Unidos upang magsulong ng imbestigasyon at pilitin ng kanilang pamahalaan na iatras ang suporta sa administrasyong Arroyo.

ignored tags synonyms top tags bottom tags