fix articles 401755, joint venture scheme
REBOLUSYONG AGRARYO , SAGOT SA ANTI- MAGSASAKANG CARP/ HUWAD NA REPORMA SA LUPA (tags)
ng plano ng rehimeng US-Arroyo na palawigin pa nang limang taon ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ay taliwas sa pagsusulong ng interes ng masang magsasakang matagal nang naghahangad ng tunay na reporma sa lupa. Walang ibang layunin dito ang rehimeng US-Arroyo kundi ang patuloy na linlangin at apihin ang masang magsasaka at ibulsa ang malaking pondo nito. Tulad ng lahat ng nagdaang programa sa reporma sa lupa ng reaksyunaryong estado, ang CARP ay huwad at walang tunay na kaugnayan sa repormang agraryo. Nagsilbi lamang ito para lalong pagtibayin ang monopolyong kontrol ng mga lupain sa bansa, at ibukas ang mga ito sa mga dayuhan alinsunod sa imperyalistang patakarang "globalisasyon."