fix articles 26354, mamamayang Los Angeles Indymedia : tag : mamamayang

mamamayang

Panawagan sa Mamamayang Moro: Ipagpatuloy ang Diwang Mapanlaban, Biguin ang Atake ng USAR (tags)

Ngayon sa panahon ng Ramadan, hinihimok ng Moro Resistance and Liberation Organization ang mamamayang Moro na isabuhay ang ispiritu at panawagan ng Qur'an sa pagpapatupad ng tunay na kapayapaan at hustisya at paglaban sa pag-aapi at tiranya sa pamamagitan ng pag-igting ng pakikibaka para sa sariling pagpapasya at pagbigo sa atake ng rehimeng US-Arroyo.

Ibayong lumalawak at lumalakas ang NDF (tags)

Lipos ang kagalakan ng mga rebolusyonaryong magsasaka, manggagawa, kabataan, kababaihan, maralitang komunidad, propesyunal, taong simbahan at mga kadre at kasapi ng Bagong Hukbong Bayan at Partido Komunista ng Pilipinas sa anibersaryo ngayon ng pagkakatatag ng National Democratic Front of the Philippines. Umabot na sa 34 taon ang malawak na nagkakaisang prente ng mamamayang lumalaban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo. Ang pagdiriwang na ito ay sa gitna ng sinungaling na pagmamalaki ng reaksyunaryong rehimeng Arroyo na tagumpay nitong napapahina o nadudurog ang rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng kontra-mamamayang Oplan Bantay Laya. Sa kabila ng sustenidong pagtutugis, panunupil at mala-ararong pag-ooperasyon at pagbabakod ng AFP, higit pang tumatag at humusay ang kalagayan ng buong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon.

PAMAMASISTA NG REHIMENG-US ARROYO, LUMALALA (tags)

Patuloy na lumalala ang ang panggigipit at panunupil ng pasistang rehimeng Arroyo sa mamamayang Pilipino. Ayon sa ulat ng AJLPP mula sa iba’t-ibang panig ng Piipinas, Pinakatampok nitong Agosto ang pagmamanman at harasment sa tatlong upisyal ng Gabriela Network USA. Bagamat nakauwi na sa Amerika ang tatlong myembre ng Gabriela Network-USA, binatikos ni Kinatawan Liza Maza ang pangigipit ng estado sa isang talumpati sa mababang kapulungan ng Kongreso. Samantala, tatlong myembro rin ng Anakpawis ang dinukot sa Zamboanga del Sur habang pinag-iibayo ang panggigipit sa mamamayang Moro. Umabot na rin sa may 25,000 mamamayang Bangsa Moro sa isla ng Basilan at Sulu ang naging biktima ng pagpapalikas ng military dahil sa pinag-ibayong operasyong military ng AFP sa dalawang lugar. Mahigit na 100 sundalo na ng AFP at ng Abu Sayaff ang napatay sa sunud-sunod na labanan.

ignored tags synonyms top tags bottom tags