fix articles 23031, habang Los Angeles Indymedia : tag : habang

habang

BADYET NG GOBYERNO PARA PAMBAYAD UTANG AT OPERASYONG MILITAR LABAN SA MAMAMAYAN (tags)

Mariing kinondena ngayon ng PESANTE –USA ang malaking bawas sa badyet ng gobyerno at sa paglalaan ng bawas tungo sa pondo ng military laban sa mamamayan. Ayon sa PESANTE-USA ang P1.64 trillion badyet ng Rehimeng –US AQunino III ay hindi lamamang para sa military kundi kontra mamamayan. Itinaaas niton ng mahigit 81% ang badyet ng military habang kinaltasan ng husto ang badyet para sa serbisyong pambayan. Tinaasan din ni Aquino III ag pambayad sa utang ng bansa ng mahigit 29. 2% o may 29 Bilyong piso habang binawasan ang badyet sa edukasyon ng P172 billion Nagbawas din sa badyet sa kalusugan habang lumalala ang problema sa paglaganap ng dengue.

JUSTICE FOR FR. CECILIO LUCERO OF SAMAR (tags)

Nakiisa ang Pesante-USA sa pamilya at mga kaibigan ng pinaslang na tagapagtanggol ng karapatang-tao na si Fr. Cecilio Lucero nang gunitain ang ika-40 araw ng kanyang kamatayan nitong Oktubre 15. Si Fr. Lucero ay pinuno ng Human Rights Desk ng Social Action Center ng dyosesis ng Catarman at tagapangulo ng Task Force on Peace and Order ng Northern Samar Peace and Development Forum (NSPDF). Pinatay siya ng pasistang militar dahil sa matapang at tahasan niyang pagtuligsa sa mga paglabag sa karapatang-tao. May ilang pagkakataong tumulong siya sa pagsasampa o siya mismo ang nagsampa ng mga kaso laban sa militar. Bago siya barilin, malaon na siyang minamanmanan ng mga operatibang militar at paniktik ng pasistang estado.

KATARUNGAN PAA KAY FR.CECILIO LUCERO NG SAMAR (tags)

PAHAYAG NG PESANTE-USA HINGGIL SA KALAMIDAD SA PILIPINAS (tags)

Kung may labis na nakahihiya ay yaong makita ang pangulo ng Pilipinas, Gloria Macapagal-Arroyo na namamasyal sa Amerika habang binabagyo ang kanyang bayan. Para sa Pesante-USA nmagsisilbing pang ginadgaran ng asin ang sugat, namustura pa at nagmiting sa NDCC ang pangulo habang nagpapakitang gilas sa Fresno, California. Sinesermunang galit ang kanyang walang silbing gabinete sa harap ng pinsala ng bagyo,baha at kapabayaan sa malaking trahedya ng paglubog ng MV Princess of the Stars sa Sibuyab Sea kung saan mahigit 700 ang nasawi.

PAMAMASISTA NG REHIMENG-US ARROYO, LUMALALA (tags)

Patuloy na lumalala ang ang panggigipit at panunupil ng pasistang rehimeng Arroyo sa mamamayang Pilipino. Ayon sa ulat ng AJLPP mula sa iba’t-ibang panig ng Piipinas, Pinakatampok nitong Agosto ang pagmamanman at harasment sa tatlong upisyal ng Gabriela Network USA. Bagamat nakauwi na sa Amerika ang tatlong myembre ng Gabriela Network-USA, binatikos ni Kinatawan Liza Maza ang pangigipit ng estado sa isang talumpati sa mababang kapulungan ng Kongreso. Samantala, tatlong myembro rin ng Anakpawis ang dinukot sa Zamboanga del Sur habang pinag-iibayo ang panggigipit sa mamamayang Moro. Umabot na rin sa may 25,000 mamamayang Bangsa Moro sa isla ng Basilan at Sulu ang naging biktima ng pagpapalikas ng military dahil sa pinag-ibayong operasyong military ng AFP sa dalawang lugar. Mahigit na 100 sundalo na ng AFP at ng Abu Sayaff ang napatay sa sunud-sunod na labanan.

ignored tags synonyms top tags bottom tags