fix articles 20139, paglabag
TAMA NA ANG PASIKAT, LUTASIN ANG MGA PAGLABAG SA KAPAPATANG PANTAO! (tags)
“Kung ayaw, maraming dahilan, kung gusto, gagawin ng sapilitan.” Buong tapang at lakas na kinokondena ng Alliance-Philippines (AJLPP) na nakabase sa United States ang rehimeng US-Arroyo sa bagong pakanang pulitikal na ito at hinahamon ang rehimeng lutasin ang mga krimeng pulitikal at paglabag sa karapatang pantao . Ayon pa sa AJLPP; “ Dapat nang tigil ang mga pasikat ng rehimeng na panay ingay at walang aksyon. Huwag gamitin ang kaso nina Col Mancao at Dumlao sa pulitika. Bigyang katarungan ang mga biktima ng karahasan tulad ni Dacer at maraming ibapa. “
Mahigit 16,000 biktima ng paglabag sa karapatang-tao, naitala ng Karapatan (tags)
Iniulat ngayon ng AJLPP ayon sa tipong ulat ng KARAPATAAN, grupong nagtatanggol sa karapatang pantao na umabot sa 330 insidente ng paglabag sa karapatang-tao na bumiktima sa 16,307 katao ang naitala ng Karapatan ngayong taon 2007. Kabilang dito ang mga sumusunod
Mahigit 16,000 biktima ng paglabag sa karapatang-tao, naitala ng Karapatan (tags)
Iniulat ngayon ng AJLPP ayon sa tipong ulat ng KARAPATAAN, grupong nagtatanggol sa karapatang pantao na umabot sa 330 insidente ng paglabag sa karapatang-tao na bumiktima sa 16,307 katao ang naitala ng Karapatan ngayong taon 2007
Panayam ng Pinoy Weekly kay Prof. Jose Ma. Sison (tags)
Kunwaring nagpapanukala ng general amnesty ang rehimen para palitawin na ito ay nasa mataas na posisyong moral at politikal. Sa katotohanan, ang rehimen ay imoral at kaaway ng sambayanang Pilipino dahil sa pagtataksil at pagkapapet sa imperyalista, korap at mapagsamanatala, malupit, nagpapairal ng terorismo ng estado at madugong mapanlabag sa mga karapatang tao. Ang pag-aasta ng rehimen na handang magbigay ng general amnesty ay isang anyo ng tusong paghahanda sa implementasyon ng Human Security Act o Anti-Terror Law. Parang sinasabi ni Ermita bilang Torquemada ng Anti-Terrorist Council na dapat sumuko na lahat ng oposisyon sa rehimeng Arroyo bago ipataw sa kanila sila ang Anti-Terror Law.
PATULOY ANG ATAKE NG REHIMENG-US ARROYO AT AFP SA MASA (tags)
Sa kabila ng pakunwaring mga pahayag ni Gloria Arroyo, walang tigil at di-maawat ang mga pamamaslang, pagdukot, tortyur, iligal na pag-aresto at detensyon at iba pang karumal-dumal na paglabag ng mga armadong galamay ng estado sa karapatang-tao ng mamamayan. Mahigpit na kinokondena at iginigiit ng Pesante-USA na dapat nang matigil ang amahas na pamamasista at terorismo ng estado. Lalo lamang pinagagalit ni GMA ang masa at hinuhukay ang sarili nitong libingan tulad ng nangyari kina Marcos at Estrada. Umabot na sa mahigit 755 ang pinaslang at may 188 ang nawawalang aktibista na hindi matagpuan. Papalubha ang mga paglabag sa karapatang pantao na malapit nang maungusan ni Gloria-Arroyo.ang pagiging garapal na pasista ni Marcos ayon sa Pesante-USA Patuloy Ang Atake ng Rehimeng US-Arroyo at AFP sa Masa: Tumitindi, Paglabag sa Karapatang-Tao