fix articles 12853, ikalawang digmaang pandaigdig Los Angeles Indymedia : tag : ikalawang digmaang pandaigdig

ikalawang digmaang pandaigdig

Rebolusyonaryong pagpupugay kay Navy Capt. Danilo "Ka Dan" Vizmanos (tags)

Nagpupugay ang buong rebolusyonaryong kilusan kay retired Capt. Danilo "Ka Dan" Vizmanos, masugid na anti-imperyalista at demokratang intelektwal, tapat na lingkod at aktibista para sa bayan, tunay na kawal at bayani ng rebolusyon at sambayanang Pilipino. Pumanaw si Ka Dan noong Hunyo 23 sa edad na 79 sa sakit na prostate cancer. Si Ka Dan ay nagsilbing maningning na halimbawa ng mga upisyal ng pasistang militar na tumatalikod at nagtatakwil sa imperyalismo, sa papet na reaksyunaryong estado at sa pasistang hukbo nito. Taos-puso niyang niyakap ang mga demokratiko at rebolusyonaryong simulain, lubusang pumanig sa rebolusyon at mamamayan, at puspusang lumahok sa kanilang pakikibaka. Huwaran siya sa katatagan sa prinsipyo, pagiging makatotohanan, masipag, pursigido, mapagkumbaba, at malapit sa mga kasama at sa mamamayan. Itinatanghal siya at pinararangalan ng sambayanang Pilipino.

Ka Bel- Bayani ng mga Anak-Pawis (tags)

Walang katagang makapaglalarawan sa aming taimtim na kalungkutan sa nabalitang pagpanaw ni Ka. Bel- Ka>Crispin Beltran ang dakilang bayani ng mga anak-pawis. Sa ngalan ng Philippine Peasant Support Network (Pesante) –USA at ng komunidad ng Pilipino sa Estados Unidos buong pagpipitagang naming ipinaabot naming ang aming lubos na pakikiramay para sa mga naiwang pamilya, kamag-anak at mga kasama’t-kaibigan ng yumaong Ka. Bel. Sa huli, ipinapahayag naming ang aming lubos na kalungkutan at taimtim na nangangakong ibabaling ang rebolusyunaryonaryong pamimighati tungo sa ibayong pagkilos para sa katubusan ng bayan at kagalingang ng masang Pilipino

IPAGLABAN ANG KATARUNGAN PARA KAY NICOLE, IPAGTANGGOL ANG DANGAL NG BAYANG PILIPINAS! (tags)

Naninindigan ang Pesante-USA na kung ang soberanya at legalidad ang pag-uusapan, lahat ng mga balibagan ng katumpakan at kamalian ng usapin hinggil sa paglilipat ng may-salang marinong si Daniel Smith sa U. S Embassy, ang tunay na esensya ng usapin ng panggagahasa kay Nicole ay talagang matatabunan. Tunay na makakaligtaan ang isang Pilipina ang nagdurusa dahil sa tahasang kawalang katarungan at pagpapatuta ng gobyerno ng Pilipinas. Ang inapi, inalipusta at hanggang sa ngayon ay binubusabos ng sarili niyang gobyerno, ang kababayan nating si Nicole.

ignored tags synonyms top tags bottom tags