fix articles 12791, dahil
Balik-Tanaw sa pagtatanghal “Romansa ni Magno Rubio” (tags)
Magaan ang dating ngunit mabigat at madamdamin ang palabas o dulang “Romansa ni Magno Rubio” na itinatanghal ngayon sa Los Angeles. Bagamat sa Ingles ko napanood ang pagtatanghal, napanatili nito ang damdaming Pilipino. Mapusok, galit ngunit romantikong makapapangyarihang pagsasalarawan ng kalagayan ng mga manggagawang-bukid ( farm workers) na Pilipino sa panahon ng kolonya pa ng Amerika ang Pilipinas . Ibinatay ang dula sa isang maikling kwento ni Carlos Bulusan.
“Problema ang Makata”-Alay Kay Randy maguigad ng Chicago, 1989-2010 (tags)
laging mainit, panahon sa timog amerika lunan daw at pugad ng mga makata silang laging pangarap ang katubusan ng bayang pinakamamahal bansang inalipin at dinusta ng pendehong peninsulares mula sa espanya ng iustradong mga anak, maging apo nila silang lumalangoy sa dugo semilya ng mga de goiti, salcedo't legazpi silang inaruga ng mga indian ng timog amerika pero pambubusabos ang isinukli pa silang nagwasak ng templo ng pagmamahal ng katutubong ritwal at awit ng pag-asa silang nagluklok sa altar ng dusa ng santo't santang mula sa europa ilong matatangos, mangasul-ngasul ang mata!
HINGGIL SA PAPASOK NA REHIMENG AQUINO (tags)
Nanalo si Noynoy Aquino dahil sa bago maghalalan siya ang pinili ng mga imperyalistang Amerikano at mga lokal na naghaharing uri ng malalaking komprador at asendero na maging bagong pangulo ng naghaharing sistema. Sa kabila ng pagkukunwaring umaasa siya sa piso-piso mula sa karaniwang mga tao, sa kanya idinagsa ng malalaking negosyanteng dayuhan at Pilipino ang kanilang suporta sa kampanya. Sa kalaunan ng kampanya, hinigitan ni Noynoy si Manny Villar sa paglikom at paggamit ng pera para sa iba't ibang tipo ng propaganda. Sinuportahan si Noynoy ng malaking mass media. Tuso sa propaganda ang mga alalay niya. Para mapagtakpan ang kasalatan niya sa track-record at kakayahan, pinatingkad ng kanyang media handlers ang palagay na siya ay malinis na tagapagmana ng tatay at nanay niya at ang pagbatikos sa korapsyon ng rehimeng Arroyo. Kaugnay nito, sa pariralang Villaroyo, tumalab ang hambalos ng kampong Noynoy na ahente ni Arroyo si Villar dahil hindi siya umaatake kay Arroyo. May mga palatandaan din na sa automated electoral system ng Smartmatic, na kontrolado ng US at mga ahente nila, may naganap na preprogramming para panaluhin sina Aquino at Binay. Halatang kinabigan ng napakalaking boto sina Manny Villar at Loren Legarda. Overkill at di kapanipaniwala ang biglang pagbagsak nila. May mga ulat na matataas na kinatawan ng CIA, pamilya ni Aquino at rehimeng Arroyo ang nagpasya sa pre-programming anim na linggo bago araw ng halalan. Ang pag-uusap nina Pinky Aquino-Abellada at Ginang Arroyo ang nagbigay daan sa ganitong areglo.
Analisis sa Eleksyong 2010 (tags)
Sa wari dahil nagsalita na ang taumbayan. Tinanggap na ang rebolusyonaryong kilusan ang hatol ng bayan at kinilala ang sintimyentong anti-GMA at maagap na naghain ng mga hamon at kahilingan sa bagong uupong pangulo. Ito ay dapat dahil kailangang singilin ang mga pulitiko sa kanilang mga pangako. Ang malakas na lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang nagtaboy sa mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Palparan, Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza at iba pa. Gayunman nakapanatili sa pwesto ang papaalis na pangulong GMA at ag kanyang mga alagad. Maging ang imperyalismong US ay hindi nakahuma at pumayag na lamang sa kosmetikong pagbabago paara payapain ang nagpupuyos na loob ng masa. Sa labanan ng dalawang departamento, nanalo ang manok ng State Department sa manok ng Depense department sa nakaraang eleksyon.
Analisis sa Eleksyong 2010 (tags)
Sa wari dahil nagsalita na ang taumbayan. Tinanggap na ang rebolusyonaryong kilusan ang hatol ng bayan at kinilala ang sintimyentong anti-GMA at maagap na naghain ng mga hamon at kahilingan sa bagong uupong pangulo. Ito ay dapat dahil kailangang singilin ang mga pulitiko sa kanilang mga pangako. Ang malakas na lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang nagtaboy sa mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Palparan, Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza at iba pa. Gayunman nakapanatili sa pwesto ang papaalis na pangulong GMA at ang kanyang mga alagad. Maging ang imperyalismong US ay hindi nakahuma at pumayag na lamang sa kosmetikong pagbabago paara payapain ang nagpupuyos na loob ng masa. Sa labanan ng dalawang departamento, nanalo ang manok ng State Department sa manok ng Depense department sa nakaraang eleksyon.
Panimulang Analisis sa Nakaraang Eleksyon (tags)
Tapos na eleksyon sa Pilipinas at nagsalita na ang taumbayan! Sa lakas ng agos ng sintimyentong anti-GMA ang mga hidhid na alipures ni GMA tulad nina Gonzales,Ermita, Esperon, Devanadera, Bolante, Atienza ay hindi binoto ng masa. Sa Isabela, balik pwesto si Grace Padac na tinalo ni Bodjie Dy ng dinatiyang Dy ng Isabela at si Among Ed ay tinalo ng kilalang hweteng queen ng Pampanga na si Lilia Pineda, kumare ni GMA. Nakakalungkot din na ang mga Marcos ay balik-pwesto dahil sumakay sila sa agos na anti-GMA. Maging si Erap na nag-anti-GMA ay sumegunda pa kay Aquino. Ngunit ang mahigit na limang milyong lamang ni Aquino ay napakahirap ng dayain kahit nang COMELEC. Malayong-malayo sa pagdaya ni GMA kay FPJ noong 2004.
MERGER NG PNB-ALLIED BANK, GANAP NA KONTROL NI LUCIO TAN SA BANKO (tags)
Nalaman ngayon ng EPCC NEWS na magsasanib ng Philippine National Bank (PNB) at ang Allied Banking Corporation (ABC). Dahil dito ganap na makokontrol ni Lucio Tan ang kontrol sa PNB dahil makokompleto nito ang 80% dahil sa pag-aari niya sa Allied Bank. Ang Allied bank ay dating kontrol ni Juan Ponce Enrile at ng mga Marcos. Isa ito sa mga hinahabol na ari-arian ng PCGG subalit bigo sila sa kanilang pagiimbestiga laban dito maging sa ma kaso laban kay Lucio Tan.
Kalagayan ng Paggawa sa Amerika, Lumulubha (tags)
- Habang maraming kilos protesta ang naganap sa buong Estados Unidos sa Araw ng Pagawa, Mayo 1,2008, mahalagang suriin ang kalagayan ng paggawa sa Amerika. Kaugnay ito ng nagaganp sa krisis sa kabuhayan at pagdarahop dulot ng natural na krisis ng kapitalismo, sa harap ng lumulubhang gyera sa Iraq at resesyon sa Amerika. Nagpag-alaman ng CDIR-USA ma ayon sa mga estastika ng Paggawa sa Estados Unidos, ang lakas paggawa sa US ay may 131 milyong manggagawa. Ngunit 14% ng manggagawa sa US ay nasa unyon.
Karahasang Militar Lumalala: Lider ng KMP, inaresto; pastor, pinatay ng militar (tags)
Kabilang sa mga karumal-dumal na krimen ng rehimeng Arroyo nitong nakaraang mga linggo ang pagpaslang sa isang pastor ng UCCP sa Leyte at pagpatay sa isang aktibista sa Bohol. Sa kanayunan ng Tagum, nagpapatuloy ang sapilitang paglikas ng mga residente dahil sa matitinding operasyong sa kanilang mga lugar. Sa Maynila, mahigit 80,000 residente ang mawawalan ng tirahan dahil sa proyektong riles. Sa Negros, inaresto ang isang lider ng KMP, at sa Palawan, dalawang pinaghihinalaang myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang dinukot ng militar. Isa ring lider-masa sa Cebu ang dinukotat dalawang araw na itinago ng militar bago siya makatakas.
Militarisasyon sa kanayunan ng Pilipinas lalong tumitindi-AJLPP (tags)
Patuloy ang pamamaslang ng mga berdugo ni Arroyo sa mga lider-masa at tagasuporta ng progresibong kilusan. Nitong Disyembre, isang makamasang konsehal ng bayan ang binaril sa loob ng kanyang upisina sa Masbate. Sa Quezon at Surigao, biktima ng dislokasyon ang libu-libong mamamayan kabilang ang maraming bata dahil sa militarisasyon. Sa Compostela Valley, isang lider-manggagawa ang pinagbantaang papatayin. Samantala, dalawang pinaghihinalaang kadre ng Partido ang dinukot at tinortyur sa Nueva Ecija noong huling linggo ng Nobyembre.
3,000 lumikas sa Surigao (tags)
Napagalaman ngayon ng AJLPP na lumulubha ang mga paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao lalong lalo na sa mga probnsya ng Surigao at Davao. Umaabot na sa halos 3,000 magsasaka an lumikas mula sa 12 komunidad ng Surigao de Sur habang nagpapatuloy ang mga operasyon militar ng mga pwersa ng Eastern Mindanao Comman laban sa Bagong Hukbong Bayan Ayon sa Karapatan-Surigao del Sur Chapter, aabutan na ng Pasko ang mga bakwit sa mga sentro ng ebakwasyon dahil sa mga operasyong militar sa mga bayan ng Lianga, San Agustin, San Miguel, Cagwait at Tago na nagsimula noon pang huling bahagi ng Oktubre.
Pahayag ng Pesante-USA hinggil sa Nakatakdang Paghuhukom sa Kaso ni “Nicole” sa Dis.4 (tags)
Ngunit wala ito sa bokabularyo ng mga reaksyunaryo ang pagmamahal sa bayan. Lalo na sa mga namununo sa pangkating pasistang US-Arroyo. Dahil sa ito ay walang pagsidlan sa kawalanghiyaan at ang taning layon ay ipagbili ang bayan sa pinakamalaking halaga na kanilang mahuhuthot. Kitang-kita ito sa kanilang pagtatangol sa Imperyalismong US at sa mga kawal ng Amerika na lumapastangan sa isang Pilipina noong Nobyembre 2005. Sa halip na kampihan at ipagtanggol ang Pilipina, nilait, halos ipinagbili at inalipusta pa nila ang pamilya ng nagsakdal at lantarang kumampi sa apat na lapastangan. Ngayon, kahit ang hustisya ay binabalam dahil sa paglilipat ng desisyon mula Nobyembre 27 tungo ng Disyembre 4. Lubhang pinanabaki nila ang sambayanan sa hatol na nakabitin.
MEGA PROJECTS NI GLORIA, MEGA DEMOLISYON SA MGA MARALITA (tags)
"MEGA DEMOLISYON at MEGA DISLOKASYON para sa mga maralita at mamamayang Pilipino ang hatid ng mga pangakong MEGA PROJECTS ni Gng. Arroyo na naging pokus ng pangako para sa "kaunlaran" noong inilahad nito ang bersyon ng State of the Nation Address." Ito ang sinabi ni Carmen "Nanay Mameng" Deunida, pambansang tagapangulo ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY).