fix articles 10849, rin
PARUSAHAN ANG MGA AMPATUAN: UTAK NG MASAKER SA MAGUINDANAO (tags)
Kung gaano kabilis magpaaresto si GMA sa kanyang mga kalaban, gaanong kabagal naman at kaingat siya sa pagprotekta sa katulad na warlord na si Ampatuan na gumawa ng karumaldumal na masaker sa Magunidanao. Ayon sa tagapagsalita nitong si Melvin Barcenas ng Los Angeles, nakapangngangalit ang pahayag na GMA na “ kaibigan pa rin niya ang mga Ampatuan” kaya ganong kaingat sila sa pagprotekta dito. Ayon sa mga balita umabot na sa 67 ang nahukay na bangkay kabilang ang 22 babae na kanilang ginahsa bago pinatay, 30 mamamahayag at maging mga walang malay na sibilyan na napadaan lamang. Ito rin ang pikamaraming myembro ng media na namatay sa loob ng isang araw sa kaysaysan ng mundo.
Ipagdiwang ang Ika-144 Taong Kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio (tags)
Buong giting na ipagbubunyi ng Pesante-USA bilang nagtataguyod ng layunin ng mga magsasaka at anak-pawis na Pilipino sa Amerika, ng karapatang pangtao at kalikasan ang ika-144 na taong kaarawan ng dakilang proletaryo, Andres Bonifacio – tagaptatag ng Katipunan ngayong ika –30 ng Nobyembre 2007. Naging dramatiko ang pagdiriwang dahil sa araw ring ito noong 1964 itinatag ang Kabataang Makabayan(KM) na nagbandila ng bagong kilusang pampropaganda na naghawan ng landas sa armadong rebolusyon. Dramatiko rin ang protesta ng ginawa ng mga rebeldeng military na pinamumuan nina General Lim at Ltsg. Antonio Trilannes IV ang paglilitis at omukupa sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City laban sa pangigipit ng administrasyong US-Gloria Macapagal-Arroyo.
Samantalahin ang lumalalim na krisis pampulitika (tags)
Ang naghaharing rehimeng Arroyo na mismo ang lumilikha ng kundisyon para sumambulat ang tumitinding krisis pampulitika at humantong ito sa maigting na pagtutuos sa pagitan nito at ng mamamayan. Sa desperadong pagpupumilit ng rehimen na makapangunyapit sa poder lampas pa sa 2010, ginawa nito ang lahat para maipanalo ang mga kandidato nito sa kagaganap na eleksyon. Nagsagawa ito ng todo-todong pandaraya at maruruming maniobra, panggigipit sa mga kalaban at malawakang paghahasik ng karahasan.
Sa ika-6 na anibersaryo ng trahedya sa Payatas (tags)
Matapos ang anim na taon mula nang maganap ang malagim na trahedya dulot ng pagguho sa Payatas dumpsite noong Hulyo 10 2000, wala pa ring hustisyang nakakamit ang mga biktima ayon sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY).