Ang Sinungaling

Ang Sinungaling

by Echo Park Community Coalition (EPCC) Wednesday, Oct. 24, 2012 at 12:58 PM
magsasakakapil@hotmail.com 213-241-0906 1610 Beverly Blvd. Suite No. 2 Los Angeles, CA 90026

“Ang bulaan o sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.” Totoo ang kasabihang ito lalo na kung iisipin ang ginawang aklat ni Senador Juan Ponce-Enrile . ang mahigit sa 700 pahinang “Memoirs” para magbangong puri At ikampanya ang sarili at ang anak nitong tumatakbong senador sa susunod na taong eleksyon. May masidhing pagnanais na gumawa ng sariling kasaysayan, ipinasulat pa ni Enrile sa isang dating aktibista na sa akala niya ay may natitira pang bango, kay Nelson Navarro, dating tagapagsalita ng Movement for A Democratic Philippines (MDP) ang kanyang aklat na diumano ay kanyang sinulat ng mahigit sampung taon. Si Navarro din ang sumulat ng aklat tungkol kay Dr. Nemesio Prudente, dating pangulo ng PUP.

EPCC NEWS
Oktubre 21, 2012

Ang Sinungaling

“Ang bulaan o sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.”

Totoo ang kasabihang ito lalo na kung iisipin ang ginawang aklat ni Senador Juan Ponce-Enrile . ang mahigit sa 700 pahinang “Memoirs” para magbangong puri At ikampanya ang sarili at ang anak nitong tumatakbong senador sa susunod na taong eleksyon.

May masidhing pagnanais na gumawa ng sariling kasaysayan, ipinasulat pa ni Enrile sa isang dating aktibista na sa akala niya ay may natitira pang bango, kay Nelson Navarro, dating tagapagsalita ng Movement for A Democratic Philippines (MDP) ang kanyang aklat na diumano ay kanyang sinulat ng mahigit sampung taon. Si Navarro din ang sumulat ng aklat tungkol kay Dr. Nemesio Prudente, dating pangulo ng PUP.

Kung makakangaon lang sa hukay, malamang nagsibangon na ang may 150,000 Pilipino na pinaslang noong panahon ng martial law dahil sa lantarang pagsisinungaling ni Enrile sa kanyang “Memoirs”. Hindi lang ito garapal kundi lubha pang karimarimarim.

Ano pa ba ang bago? Sa isang bihasang abogado na tulad ni Enrile na aral sa Amerika, mahilig magpalusot at mambaluktot ng batas para lamang maipanalo ang kaso kahit sa anupaman paraan, hindi na katakataka na magsinungaling si Enrile.

Una, sinasabi niyang totoo na naambus siya noong 1972. Isang dahilan na ginamit ni Marcos para ideklara sa martial law. Ngunit inamin ni Enrile noong Pebrro 1986 na “ gawa-gawa lamang ni Marcos ang ambus na ito” sa harapan ng milyong milyong nanonood ng TV at nakikinig ng radio sa Pilipinas at sa buong mundo. Ngayon binabaligtad niya ang sinasabi niyang ito ay totoo.

Ikalawa, tulad ng isang asong kumakain ng kanyang iniluwa, pinaninindigan ni Enrile na “tama ang pagkakadeklara ng martial law”. Wala raw siyang ginagawang illegal dahil ang pinatutupad lamang niya ay legal. Lantaran na itong pambabalutkot ng katotohanan.

Sabagay para sa naghaharing uri lahat ng legal ay makatarungan. Kaiba ito sa paninindigan ng mga tunay na nagtataguyod ng batas. Hindi kailanman magiging legal ang illegal na bagay. Ang pagdedeklara ng amrtial law ay kinondena ng buong mundo. Walang anumang pangangatwiran ni Enrile ang magpapabago dito.

Sagad sa kawanghiyaan at kawalang kaluluwa si Enrile sa pagsasabi nito. Lubos na dinusta niya ang lahat ng mga nagsakripisyo at lumaban sa diktadura maging mga taong dumagsa sa EDSA para iligtas ang mga opurtinistang tulad nila na may paiyak-iyak pa sa harap ng kamera at mikropono sa pagpapanawagan sa masa para iligtas ang buhay nila noong 1986.

Ikatlo, ngayon pinabubulaaan ni Enrile ang mga kawalanghiyaan at bagiging bagamundo ng kanyang anak ni Jackie sa mga pagmamalabis nito noong martial law. Gawa-gawa lamang daw ito ng mga kalaban niya tulad ni General Fabian Ver.

Ngunit hindi nakakalimutan ng tao ang mga krimen ni Jackie Enrile tulad ng pamamaril nito sa isang tao na nakabanggan lamang niya sa isang hotel sa Maynila. Tsismis lamang daw ang mga pandurokot at pangagahasa ni Jackie sa ilang sikat na mga artistang babae sa Maynila noong martial law maging ang pagpatay sa artistang lalaki na si Alfie Anido.

Ayon kay Prof. Jose Ma. Sison ang totoo lamang sa lahat ng sinabi ni Enrile sa aklat na “Memoirs” ay ang kanyang pagiging “anak sa labas” o sa salitang kastila ang pagiging “bastardo.” Bagamat masakit at totoo, ginagawa pa ni Enrile na isang tsapa ng karangalan ang bagay na ito. Si Juan o Juanito ay anak sa labas ni Rep. Alfonso Ponce-Enrile ng Bulacan.

Ngunit kung iisipin ang ginagawa ng kanyang alipures na si Patrick Antonio, isang congressman ng party list na AGBIAG Party at kapatid ng Gobdernador ng Cagayan na si Bong Antonio. Ang kanyang dating kinakasama na patuloy niyang ginigipit -- si Grace Grande dito sa Amerika, Pagpapatunay lamang na wala pa ring pinagbago si Juan Ponce-Enrile at ang kanyang mga alagad. Sila pa rin ang mapagmalaking warlords ng Cagayan.

Patuloy na ginipit ni Antonio ang kanyang dating asawa na si Grace na pilit na himihiwalay na sa knaya. Sa katunayan pinapiit na ni Antonio si Grace Grande ng mahigit na halos pitong buwan sa ICE maging dito sa Amerika. Nakulong si Grace sa San Pedro Detention Facility sa Los Angeles at sa Seattle, Washington.

At nang makalaya si Grace, nagpatuloy ang paggigipit niya sa panggugulo kay Grace at sa kanyang mga kapamilya at maging sa mga anak nito. Idenemanda pa ni Antonio si Grace sa isang salang pagnanakaw na naging isang kasong ng ekstradisyon nito lamang Setyembre 25, 2012. Dahil dito, naging pangunahing kaso ang ekstradisyon kay Grace sa halip na asaylum na dinidinig na noong pang Setyembre 25.

Dahil dito mula sa isang kaso ng asilo(asylum) naging isang kaso ng extradition ang hinarap ni Grace dito sa Amerika. Patunay na lamang na nakararating dito ang maitim na galamay ng warlordismo sa Amerika mula sa Pilipinas. Mabuti na lamang at pansamantalang nakalaya si Grace sa bias ng piyansa sa hukumang federal sa gitna ng pagigigpit ng kanyang kalaban.

Ito ang anyo at porma ng mga galamay ni Juan Ponce Enrile. Kung ano ang aso, ganoon din ang kayang mga tuta, kaya kung totoo man na nagbago si San Agustin na isang makasalanan, hindi natin maasahan si Senador Juan Ponce-Enrile na magbabago katulad ni San Agustin.

Nakita din natin ni Enrile na naoon ay kapanig kay PResidente Estrada noong 2001 sa impeachment trial nito. Buong pagmamayabang na sinabi niya: “Gusto ninyong palitan si Erap bilang pangulo, magrali kayo ng magrali , tignan ko lang kung may mangyari sainyo.”

Kaydali niyang nalimot na nakikiusap siya sa masa noong 1986 para iligtas sila sa pagatake ni Marcos ang mabisto ang kanilang pakanang kudeta laban kay Marcos.

Nang pumutok ang EDSA 2 noong 2001 at nang matalo siya ng kumandidatong senador noong 2002, tumiklop at parang makahiyang nawala ang yabang ng mapagmalaking warlord ng Cagayan. At ngayong parang tandang na nanalo sa pintaksi dahil sa impeachment ni Corona, nagmamagaling at nagmamayabang na naman ang matandang ubod ng sinungaling.

Tulad ng mga naghaharing uri na nagpapalaganap na “maikli ang memorya ng mga mamamayang Pilipino”, akala niya sa pagpapaulit-ulit ng kanyang mga kasinungalingan madali niyang malinlang ng paulit-ulit ang mga taong bayan. Dito siya nagkakamali.

Alam ng tao na kailanman ang isang sinungaling ay hindi makakapagsabi ng totoo. Tulad noong martial law, ang kasabihang, ” ang petsa o ang araw ng pagkakalathala lamang ang totoo sa diaryo” ay tama para kay Enrile.

Ang kanyang aklat na may mahigit na 700 na pahina, ay may isang bagay lamang na totoo, at alam na ninyo kung ano ito.

********