BADYET NG GOBYERNO PARA PAMBAYAD UTANG AT OPERASYONG MILITAR LABAN SA MAMAMAYAN

by PESANTE-USA Thursday, Sep. 16, 2010 at 1:55 PM
magsasakapil@hotmail.com 818-749-0272 206 N Bonnie Brae St. Los Angeles, CA 90026

Mariing kinondena ngayon ng PESANTE –USA ang malaking bawas sa badyet ng gobyerno at sa paglalaan ng bawas tungo sa pondo ng military laban sa mamamayan. Ayon sa PESANTE-USA ang P1.64 trillion badyet ng Rehimeng –US AQunino III ay hindi lamamang para sa military kundi kontra mamamayan. Itinaaas niton ng mahigit 81% ang badyet ng military habang kinaltasan ng husto ang badyet para sa serbisyong pambayan. Tinaasan din ni Aquino III ag pambayad sa utang ng bansa ng mahigit 29. 2% o may 29 Bilyong piso habang binawasan ang badyet sa edukasyon ng P172 billion Nagbawas din sa badyet sa kalusugan habang lumalala ang problema sa paglaganap ng dengue.

BADYET NG GOBYERNO P...
2459782171_dba2929398_o.jpg, image/jpeg, 1280x853

PESANTE BULETIN
Setyembre 15, 2010

BADYET NG GOBYERNO PARA PAMBAYAD UTANG AT OPERASYONG MILITAR LABAN SA MAMAMAYAN

Los Angeles--Mariing kinondena ngayon ng PESANTE –USA ang malaking bawas sa badyet ng gobyerno at sa paglalaan ng bawas tungo sa pondo ng military laban sa mamamayan.

Ayon sa PESANTE-USA ang P1.64 trillion badyet ng Rehimeng –US AQunino III ay hindi lamamang para sa military kundi kontra mamamayan. Itinaaas nito ng mahigit 81% ang badyet ng military habang kinaltasan ng husto ang badyet para sa serbisyong pambayan.

Tinaasan din ni Aquino III ag pambayad sa utang ng bansa ng mahigit 29. 2% o may 29 Bilyong piso habang binawasan ang badyet sa edukasyon ng P172 billion Nagbawas din sa badyet sa kalusugan habang lumalala ang problema sa paglaganap ng dengue.

Maling Prioridad

May mahahigit nanang 60,000 ang naaapektuhan ng epedemiya ng dengue sa buong bansa.

Habang sira-sira naman at walang mga eskwelahan sa buong bayan. Pinalala pa ito ng plano niA quino III na dagdagan ng taon ang edukasyong ng mga bata sa paaralan.

Wala na ngang pera pqra makapagpatayo o makumpuni ang mga paaralan, ang sagot ni Aquino III ay dagdagan ang taon ng pag-aaral!

Maging ang tulong sa agrikulura at repormang agraryo ay malubhang binawasan. Inalis ang may P 8 bilyong tulong sa subsidyo sa palay. ng NFA. Subalit nagkukunwang makamahirap, itinaas ng gobyerno ng may 123% ang badyet ng Social Work and Development (DSWD) .

Maliwanag na ibubuhos ang pera sa bayad utang at sa pagsasagawa ng mga operasyong military para patindihin ang pananalakay ng AFP at PNP laban sa bayan.

Ngunit tulad ng mga nakaraang rehimen mabibigo si Aquino III sa kantang mga pakana.

ANG TAO, ANG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!