ISULONG ANG TUNAY AT MAKABULUHANG PAGBABAGO! TAMA NA ANG PANGAKO AT PORMA!

by BANTAY PILIPINAS Tuesday, Jul. 27, 2010 at 11:59 AM
epccla02@yahoo.com 818-749-0272 337 Glendale Bvld. Los Angeles, CA 90026

Sisisihin ang nakaraan, mangako para sa kinabukasan. Ito ang laman ng unang talumpati sa SONA ng bagong pangulo Noynoy Aquino III sa sambayanan noong Hulyo 26 saharap ng burgis na Kongreso. Nangako itong papawiin ang korupsyon para mapaglingkuran ang bayan. Isinisi nito ang kawalan ng pera sa nakaraang rehimen at nangakong uusigin ito. Sinalubong ito ng palakpak ng mga nasa Kongreso. Tignan natin kung magkakatotoo ang mga pangako.

ISULONG ANG TUNAY AT...
al__s_12-10-09_pix_006.jpgomaupn.jpg, image/jpeg, 1600x1200

BANTAY PILIPINAS
Timog California
July 26, 2010

ISULONG ANG TUNAY AT MAKABULUHANG PAGBABAGO! TAMA NA ANG PANGAKO AT PORMA!

Los Angeles— Sisisihin ang nakaraan, mangako para sa kinabukasan.

Ito ang laman ng unang talumpati sa SONA ng bagong pangulo Noynoy Aquino III sa sambayanan noong Hulyo 26 saharap ng burgis na Kongreso.

Nangako itong papawiin ang korupsyon para mapaglingkuran ang bayan. Isinisi nito ang kawalan ng pera sa nakaraang rehimen at nangakong uusigin ito. Sinalubong ito ng palakpak ng mga nasa Kongreso. Tignan natin kung magkakatotoo ang mga pangako.

Bagong Rehimeng, Dating kalakaran

Pagkaraan ng dalawampu’t limang taon( 25) pagkaraan, isa na naming Cojuanco Aquino ang pangulo- Si Noynoy Aquino III. Wala man lang itong nabanggit tungkol sa reporma sa lupa . Sa katunayan na lantarang lumalaban ito sa tunay na repormang agraryo at nagtatangol sa interes ng mga kapwa niya asendero at kapitalista.

Isang malinaw na patunay,nang nagdeklara ang AFP na gyera laban sa NPA. Sila na mga nagtataguyod ng kapakanan ng magsasaka at sa mga nagtataguyod ng tunay na reporma sa lupa.

Tiyak na dadanak ang dugo dahil sa todo gyerang deklarasyon ng AFP tulad din noong 1987. Katulad din ng ina ang anak sa pagpapatuta sa mga dayuhan at kauring asendero laban sa bayan.

Kahit mabawasan ang kroupsyon, paano matutugunan ang mga kailanbgan ng bayan kung mahigit na 60% ng nadyet ng gobyerno ay ibinabayad sa utang sa WB?

Ito ang tunay na kalagayan ng bayan na hindi binabanggit ng Noynoy sa kanyang SONA. Sisisihin na si GMA huwag lamang ang mga imperyalista.

Tigil Putukan bago Usapang Pagkapayapaan?

Naghahamon pa si Noynoy ng malawakang tigil putukan sa mga MILF at NDF. Magceasefire daw muna bago magusap. Samatalang inatasan na niya ang AFP ng todo gyera. Anong kalokohan ito?

Ito ang sagot niya sa mahigit 40 taong labanan sa pagitan ng gobyerno at ng mga armadong grupong lumalaban dito. Maalalang nagtigil-putukan dina ng NDF at ang GRP ng 60 araw noong panaho ng nanay niyang si Cory Aquino. Ngunit gyera din ang kinahinatnan nito.

Maging sa ekonomya, gagastusan daw nila ang mga imprastraktura tulad ng mga imbakan ng bigas at kalsada. Paano naman ang mga magsasaka? Uunahin pa ba ang mga imbakan ng bigas kung wala naming lupang mapapagtaniman ang mga magsasaka?

Wala ring plano kung paano lulunasan ang pagdarahop at karalitaan sa kalunsuran. Panay limos ang iniisip nila at pagbibigay dawn g tulong sa liang milyong mahirap na mamayan. Sino ang mammigay? Ang numero unang kurakot na si Dinky Soliman?

Nagpapatawa ata si Noynoy. Sabagay bagay naman dahil siya ay kalbo naman.

Sa salita sila ay makamasa, sa gawa sila ay laban sa masa, laban sa mga magsasaka at laban sa mga inaapi at mahihirap. Tanging mga nasa lunsod, ang mayayaman at mga nasa gitnang uri ang mabibilog ng mga kasinungalingan ng burges at bayarang media at mga propagandista ni Aquino III.

Magiging kapareho din siya ni GMA at Marcos sa pagiging pasista. Hihigitan pa niya ang kanyang ina sa pagkukunwang liberal at lalabas din ang pangil ng kanyang pagiging pasista.

Para sa Bantay Pilipinas, kahit noong kampanya ang sigaw naming ay BALOTA O KALSADA. Mali na umasa sa mga pangako ng mga pulitiko at naghaharing uri. Binibigyan lamang tayo ng pag-asang mangarap. Ang pag-asang hinahanap natin ay hindi laang sa salita kundi sa gawa.

Nasa mga mamayan ang kapalaran nila. Wala sa naghaharing uri katulad ni Noynoy Aquino Tersera!

*****